Kung natatandaan niyo, nagkaroon tayo ng online tiangge noong Hunyo. Overwhelming naman ang suporta na nakuha natin dahil pinakyaw ang ating paninda. As promised, ang proceeds ay itutulong natin sa mga ateng na nangangailangan. Matapos matanggap ng huli nating suki ang package noong Oktubre, naghagilap ako sa Facebook ng charity na tutulungan. Napili natin ang proyektong #TabangLadlad ng Ladlad Party-list.
Nakipag-ugnayan tayo sa kanila via email para malaman kung ano ang kailangan nila. Foodpacks tulad ng bigas, noodles at de lata. Kahit ano naman daw ay pwede basta mapapakinabangan.
Nakalikom tayo ng 6,700 pesosesoses at para ma-observe ang physical distancing, nag-grocery online na lang ako sa Waltermart app. Heto ang breakdown ng ating mga pinamili, click niyo na lang para lumaki ang imahe:
Hindi natin naubos ang pondo at nag-refund pa ng tatlong piso ang Waltermart dahil sa substitution of products. Kaya naman nag-donate tayo ng cash sa kanila at pinadala via GCash. Heto ang proof of transfer:
Muli, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta. I hope na-enjoy niyo ang mga magazines habang nakatulong sa ating mga kapuspalad na kapatid. Pinasaya niyo ang kanilang Pasko.
Sana'y magkaroon muli tayo ng online tiangge next year. Sa mga nakakabasa nito, kung sino man sa inyo ang may mga lumang Chika-Chika o Pinoy magazines na gustong i-donate, maari kayong mag-email sa ating kaharian.
MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG! 🎄
No comments:
Post a Comment