A few days ago, may nakita akong posts sa Facebook at Carousell na nagbebenta ng VCDs. Filipino sexy movies na ang karamihan ay naipalabas noong late '90s to early 2000s. Dahil fan akiz ng mga pelikulang 'yan at morayta lang ang bentahan, binayla ko ang ilan. Isa sa mga nakuha ko ang kontrobersyal na pelikulang Live Show.
Toro ang original title nitey pero wiz pumayag ang MTRCB noon. Una ko itong napanood nang mag-leak ang director's cut o international edition sa pirata. Nakakaloka ang sex scenes dahil give na give sa torohan ang mga bida. Ang karakter ni Gigi na ginampanan ni Klaudia Koronel ang pinakapaborito ko sa lahat. Paano ba naman, bungangera, ambisyosa, pero matulungin sa pamilya at mapagmahal na kaibigan. I can relate CHOS! Back to sex scenes, na-shock talaga ako sa helicopter position na wala sa official release. Tandang-tanda ko na sinabayan 'yung ikot ng elisi ng ceiling fan. PAK NA PAK!
Regal Films and Available Light Production
Written and Directed by Jose Javier Reyes
Starring Klaudia Koronel, Ana Capri, Hazel Espinosa, Simon Ibarra and introducing Paolo Rivero
Bata pa lang ay mulat na si Rolly (Rivero) sa pagpuputa ng nanay niya para mapakain silang magkakapatid. Pinagputa din ng nanay niya ang kapatid na babae samantalang inaakit ng masasamang gawain ang bunsong kapatid. Manhid na si Rolly sa mga pagsubok ng buhay kaya kahit gaano man kahirap, hindi na siya naiiyak.
Pinamigay ni Rosita (Capri) ang anak sa isang kaibigan na siya namang ibinigay nito sa ibang pamilya. Matapos ang ilang taon, nais niyang makilala at mayakap ito. Hindi na rin kasi siya maaaring magkaanak dahil sa pagpapalaglag. Ilang beses na rin siyang nagtangkang magpakamatay pero ayun, buhay pa ang loka.
Pangarap ni Gigi ang mangibang bansa para makaahon sa hirap. Siya din kasi ang breadwinner ng pamilya. Bukod sa pagtotoro, may jowa din siyang may kaya sa buhay. Hiningan niya ito ng pera pang-Japan na nadispalko naman ng masasamang loob.
Matagal nang tinalikuran nina Vio (Ibarra) at Sandra (Espinosa) ang pagtotoro simula nang magka-anak. Pero dahil hirap makahanap ng trabaho si otoko at kakarampot naman ang kita ni merlie sa pagtitinda, wala silang choice kundi bumalik sa dating gawain.
Introducing palang dito si Paolo Rivero pero magaling na umarte. Tunay siyang naging pantasya ng mga milenyal na GBT+. Bumalik tuloy ang aking pagtingin. Hindi rin pahuhuli si fafah Simon Ibarra lalo na doon sa macho dancer number niya. Kilig na kilig ang imaginary kipay ni ateh habang dinudunggol ng notey ang fes niya. SARAP!
Kung marami na kayong napanood na pelikula ni Jose Javier Reyes, napansin niyo na siguro na makuda ang characters niya. Daming ebas bawat eksena at hindi iba diyan ang Live Show. What sets this movie apart from his other works ay smooth ang flow ng script. Hindi may masabi lang.
Relevant pa rin magpasahanggang ngayon ang pelikula. Sa panahon ngayon na madaming negosyo ang nagsara, marami ang nawalan ng trabaho. Hindi naman humihinto ang pagkalam ng sikmura at bayarin kaya ang ilan ay napipilitang kumapit sa patalim. Hindi man sa pagbebenta ng aliw, sa ibang paraan na pinipilit sikmurain.
Rating: 4.5/5 stars
sana mapanood ko
ReplyDelete