Ang Babaing Nakabelong Itim Betamax Komiks Magazine Vol. 1 No. 3 Rico Publishing House |
Thursday, May 26, 2022
Wednesday, May 18, 2022
El Príncipe
Nakulong si Jaime (Maldonado) matapos niyang mapatay ang best friend sa selos. Nakilala niya El Potro (Castro) na leader sa kanilang selda. Agad na dinispatsa nito ang boytoy kapalit niya. Prinotektahan siya nito at nagkaroon sila ng intimate affection. Hindi ko sure kung 'yung connection na 'yon ay romantic or just because meron silang napapala sa isa't isa. Bilang nasa kulungan sila, may kanya-kanya ere ang mga leader sa bawat selda.
Monday, May 16, 2022
Sunday, May 15, 2022
Restoration Project #7: Virgin Wife
Saturday, May 14, 2022
Friday, May 13, 2022
Restoration Project #5: Frozen Baby
These past few weeks, inabala ko ang sarili ko sa pagre-restore ng mga lumang komiks. Maaaring ang iba sa inyo ay tulad ko na lubusang naapektuhan sa resulta ng eleksyon. Ano man ang nararamdaman niyo, valid 'yan at kanya-kanya tayo ng timeframe kung kailan magmu-move on.
Sa mga susunod na araw, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang mga istorya na may katatakutan, kaseksihan, panibugho, at pagmamahal. Hindi masamang bumalik sa nakaraan kung ito naman ay nagbigay sa atin ng kasiyahan. Malumbay man ang ating mga puso, patuloy itong titibok para sa hinaharap.
Frozen Baby Pinoy Klasiks Taon 33 Blg. 1859 Hulyo 7, 1996 Graphic Arts Services, Inc. |
Wednesday, May 11, 2022
Kampante
Wala pa ako sa huwisyo matapos makita ang resulta ng partial unofficial results ng national elections. Hindi ko naman itinatwa sa sarili ko na maaaring matalo si VP Leni but not with that wide gap. But I guess the Filipino people is not yet ready for her kind of leadership. So I'm okay na magpahinga muna siya after 6 years of serving us. She deserves to spend private and quality time with her daughters, far away from trolls.
Saving grace na lang ang pagkakapasok ni Sen. Risa Hontiveros sa top 12. Abot-abot ang kaba ko at baka malaglag pa pero mukhang kampante na siya sa 11th spot. I just hope she survives a senate full of shit. Protektahan natin siya at malamang sa hindi, siya ang bagong focus ng trolling. I know she will continue fighting for us and creating progressive laws for women and the LGBTQIA+ community.
Masakit pa sa puso at matatagalan pa siguro bago tayo maka-move on. Sa ngayon, pagsaluhan muna natin ang istorya ng kakirian ni Alice...
Hayok Sa Laman Betamax Komiks Magazine Vol. 1 No. 3 Rico Publishing House |
Sunday, May 8, 2022
Pagbabago
Ilang oras na lang at muli na naman tayong maghahalal ng mga bagong pinuno ng bansa. Sana ay may listahan na kayong nakahanda para pagdating sa presinto, shading na lang ang gagawin. Make sure na kumpleto ang listahan at hindi sosobra lalo na sa pangulo, pangalawang pangulo at mga senador. Okay lang ang mag-undervote kasi mabibilang pa rin ang boto. Kapag sumobra, invalid na! Kaya dapat maingat dahil mahalaga ang bawat boto ngayon.
Sa pagsasama-sama natin sa mahigit labing-dalawang taon, tatlong presidente na ang pinagdaanan natin - Gloria, PNoy, at Digong. Pare-pareho nating naramdaman ang kanilang panunungkulan. Gumanda ba ang buhay natin o hindi? Umangat ba ang ekonomiya para sa karamihan o sa iilan lang? In line ba sa kanila ang core values natin? Ilan lang 'yan sa mga dapat nating itanong bago pumili ng kandidato. Hindi mahalaga kung bet natin sila personally bilang hindi naman tayo namimili ng jojowain. Kailangan suriin nang mabuti ang kanilang intensyon at karanasan. Panibagong anim na taon na pagseserbisyo ang ipararanas nila sa atin kaya mahalaga ang kanilang reputasyon.
Kumpleto na rin ang labing-dalawang senador ko. Muli kong iboboto sina (34)Risa Hontiveros, (58)Sonny Trillanes, at (18)Leila De Lima. Napatunayan nila na kaya nilang magtrabaho na hindi humahalik sa puwet ng pangulo. Maraming batas ang naipasa at kahit nakulong dahil sa gawa-gawang krimen, hindi ito naging hadlang para maging produktibo si Sen. De Lima sa kanyang tungkulin. We should give her another chance not just to redeem herself but to serve us.
Nasa kamay natin ang kinabukasan ng bansa. Maging bukas sana tayo sa pagtanggap ng katotohanan tungkol sa isang pulitiko. Walang perpekto sa kanila pero kung sandamakmak na ang kinasangkutan niyang katiwalian, isang malaking X na siya sa listahan. Hindi na dapat kasama sa pagpipilian. Panahon na para tayo ay umusad mula sa kurakot, mapanlinlang at makasariling pamumuno. Sabi nga ni Sister Stella L...