Wednesday, May 18, 2022

El Príncipe

Last year, bilang Christmas gift sa sarili ay nag-upgrade tayo from DVD player to Blu-ray player. Kahit madalang ang bala niyan dito sa Pilipinas ay bumigay din ako after so many months of contemplating. Hindi naman maipagkakaila na mas maganda talaga ang picture quality. Malinaw na malinaw hanggang sa pores ng mga artista. Isa sa mga una kong pinanood ang pelikulang El Príncipe mula sa bansang Chile...

The Prince (2019)
El Otro Film, Niña Niño Films, and Le Tiro Cine
Screenplay by Luis Barrales and Sebastián Muñoz
Directed by Sebastián Muñoz
Starring Alfredo Castro, Gastón Pauls, and Juan Carlos Maldonado

Nakulong si Jaime (Maldonado) matapos niyang mapatay ang best friend sa selos. Nakilala niya El Potro (Castro) na leader sa kanilang selda. Agad na dinispatsa nito ang boytoy kapalit niya. Prinotektahan siya nito at nagkaroon sila ng intimate affection. Hindi ko sure kung 'yung connection na 'yon ay romantic or just because meron silang napapala sa isa't isa. Bilang nasa kulungan sila, may kanya-kanya ere ang mga leader sa bawat selda.

Isang araw ay nakita na lamang na binigti ang pusang alaga ni El Potro. Nagkaroon ng riot na ikinasawi nito at ng isang leader. Habang naglalakad sa pagdadalamhati si Jaime, nalaman niya na si ex-boytoy pala ang pumatay sa pusa.

Sa trew lang, kaya ko binili itong pelikulang ito dahil sa cover na ginamit. Bigla akong nakaramdam ng mainit na gata sa tilapya ko kaya pikit-matang binili. No expectations at all pero maganda naman pala ang istorya. Mas interesado akong manood ngayon ng Spanish-language movies dahil sa kakaiba nilang atake sa paggawa ng pelikula. Kakaiba ang istorya at senswal na hindi bastusin sa mata.

Rating: 4/5 stars
***

Matagal na akong nagpo-post ng movie reviews at aminado naman akiz na waley talaga akong binatbat sa mga legit movie critics. Hindi ako masyadong maalam sa technicalities at mabubulaklak na adjectives to describe the experience. I watch movies to be entertained. So ang basis ko sa mga rating na binibigay ko ay ang mga sumusunod:

5 stars - Bet na bet! Flawless from the start to finish.
4 stars - Pasok sa panlasa. Maayos ang istorya at pagkakagawa.
3 stars - Sakto lang. Pampalipas oras. Hindi life-changing.
2 stars - Anyare? In between sakto at chaka ganyan.
1 star - Chaksilog. Sayang ang oras at pera.

No comments:

Post a Comment