Sunday, May 8, 2022

Pagbabago

Ilang oras na lang at muli na naman tayong maghahalal ng mga bagong pinuno ng bansa. Sana ay may listahan na kayong nakahanda para pagdating sa presinto, shading na lang ang gagawin. Make sure na kumpleto ang listahan at hindi sosobra lalo na sa pangulo, pangalawang pangulo at mga senador. Okay lang ang mag-undervote kasi mabibilang pa rin ang boto. Kapag sumobra, invalid na! Kaya dapat maingat dahil mahalaga ang bawat boto ngayon.

Sa pagsasama-sama natin sa mahigit labing-dalawang taon, tatlong presidente na ang pinagdaanan natin - Gloria, PNoy, at Digong. Pare-pareho nating naramdaman ang kanilang panunungkulan. Gumanda ba ang buhay natin o hindi? Umangat ba ang ekonomiya para sa karamihan o sa iilan lang? In line ba sa kanila ang core values natin? Ilan lang 'yan sa mga dapat nating itanong bago pumili ng kandidato. Hindi mahalaga kung bet natin sila personally bilang hindi naman tayo namimili ng jojowain. Kailangan suriin nang mabuti ang kanilang intensyon at karanasan. Panibagong anim na taon na pagseserbisyo ang ipararanas nila sa atin kaya mahalaga ang kanilang reputasyon.

Si (10)Leni Robredo ang iboboto kong pangulo samantalang si (7)Kiko Pangilinan ang aking bise-presidente. Pareho silang walang bahid korapsyon at nagtrabaho para sa ikauunlad ng buhay ng mga Pilipino. Minsan lang dumating ang tulad nila kaya 'wag sana nating palagpasin ang pagkakataon na magkaroon ng matino at mahusay na mga lider.

Kumpleto na rin ang labing-dalawang senador ko. Muli kong iboboto sina (34)Risa Hontiveros, (58)Sonny Trillanes, at (18)Leila De Lima. Napatunayan nila na kaya nilang magtrabaho na hindi humahalik sa puwet ng pangulo. Maraming batas ang naipasa at kahit nakulong dahil sa gawa-gawang krimen, hindi ito naging hadlang para maging produktibo si Sen. De Lima sa kanyang tungkulin. We should give her another chance not just to redeem herself but to serve us.

The rest of my senators are newbies - (4)Teddy Baguilat, (16)Neri Colmenares, (21)Chel Diokno, (26)Luke Espiritu, (37)Elmer Labog, (38)Alex Lacson, (45)Sonny Matula, (56)Jopet Sison, at (63)Carmen Zuibiaga. Kada eleksyon, hinihiling natin ang pagbabago pero palaging mga lumang pangalan o galing sa TraPong pamilya ang nananalo. Kung gusto ng pagbabago, magsisimula 'yan sa mga bagong pangalan na dapat umupo. 

Nasa kamay natin ang kinabukasan ng bansa. Maging bukas sana tayo sa pagtanggap ng katotohanan tungkol sa isang pulitiko. Walang perpekto sa kanila pero kung sandamakmak na ang kinasangkutan niyang katiwalian, isang malaking X na siya sa listahan. Hindi na dapat kasama sa pagpipilian. Panahon na para tayo ay umusad mula sa kurakot, mapanlinlang at makasariling pamumuno. Sabi nga ni Sister Stella L...

"Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"

No comments:

Post a Comment