Hello, mga ateng! How's your Christmas season so far? Mine is quite good. Feel na feel ang holiday through Christmas songs although nakukulangan sa pailaw sa daan. We used to have many lights and decorations pero ngayon ay bilang na bilang. Nagtitipid yata ang mga Pilipino dahil sa mahal ng basic needs. Parang kada grocery ko every payday, nag-iiba ang presyo ng mga bilihin. KALOKA! May balita pang tataas ang mga noche buena items. Paano na ang lamesa natin sa December 24 at 31?
Photo from ABS-CBN News |
Ilang buwan pa lang naman ako aktibo pero ang dami ko nang natutunan bilang isang online businesswoman. Oh 'di ba, ang lakas maka-Sy, Ayala at Gokongwei ng term ko. CHAR! At tulad ng karamihan ng Pilipino, bumibili din ako online through Lazada, Shopee, at FB Marketplace. May iba't ibang learnings and experiences ako between the two and let me share some of them:
As a seller:
- Be patient. Kahit nasa description/caption ang amount ng item, mode of payment and delivery, itatanong pa rin 'yan ng potential buyer. Para hindi magkakalyo kaka-type paulit-ulit, ilagay sa notepad, i-screenshot at 'yon ang i-reply kay buyer.
- May mga tatawad kahit sinabihan mo na last price na. Just be upfront kung keri o hindi.
- Magkaroon ng iba't ibang option on how to deliver items. Kapag rush, gusto makuha agad at within NCR, the buyer can book Lalamove or Grab. Kapag hindi rush, through LBC COP para mura. May mga nagtatanong kung pwede J&T and GoGo Xpress. This depends on the volume at kung ano ang bibilhin. Sinasabihan ko na lang ang buyer na at their risk since hindi kasing level ng LBC ang dalawang 'yan.
- Be mindful in packing your items. Dahil fragile ang CDs at DVDs, bukod sa bubble wrap, nilalagyan ko pa ng karton tapos bubble wrap ulit. Hindi eco-friendly but as a Miss Earth warrior, what I do is I keep the bubble wrap ng mga items na binili ko online at nire-recycle sa mga binebenta ko.
- Para iwas bogus buyer, I don't have COD as a mode of payment. Pay the item/s via GCash or bank transfer then shipping fee na lang ang babayaran ni buyer sa courier.
As a buyer:
- Humingi ng actual photo ng bibilhing item. Nabiktima ako ng isang seller kasi sabi niya okay daw mga discs pero pagdating, hindi gumagana at kinain na ng disc rot. I asked for a refund pero hindi nagbigay within the period they promised. Ni-let go ko na lang but I...
- Rate the seller honestly. Kung may issue sa item, try to send a message to them at baka maayos pa. Kapag hindi maganda ang experience niyo sa rider pero okay naman si seller at ang item, 'wag naman idamay ito sa rating. Kung may hiwalay na rating for buyer and courier, go lang pero usually ang rating na hinihingi sa inyo ng mga platform ay about the seller lang. Out of scope ni seller kung ano man ang quality of service na nakuha niyo sa courier.
- May mga FB sellers na kupal. May binili akong VCD tapos hindi gumana. I sent them a video as a proof. Aba, panay seenzone lang sa messages ko. Nung nag-reply na, hindi daw siya tumatanggap ng refund. Siya pa talaga nagsabi niyan. Pwede ko daw soli at papalitan niya pero sagot ko daw ang delivery expenses or refund daw niya ako pero 'di na daw siya makipag-transact sa akin. Insert Bea Alonzo "parang kasalanan ko" meme. Tapos gastos ko pa in case gusto ko palitan eh mas mahal pa 'yung delivery kaysa sa mismong item. KALOKA!
- Ang daming scammer! May mga too good to be true na presyo kaya always check their rating and customer feedback. Don't risk your hard-earned money.
- Check the actual photos of the item from customer's feedback/rating para iwas budol. Minsan kasi ang layo ng itsura ng item sa posted picture ni seller.
- Kung bibili ng damit, check the size chart, maghanda ng medida, at sukatin ang katawan. Maglagay ng allowance kasi minsan 'yung akala mong kasya ay masikip pala.
Sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan, dumarami ang mga manloloko. I hope na makatulong ang ilan kong kuda para hindi kayo mabiktima. Enjoy shopping!
No comments:
Post a Comment