Ganyan ko ilalarawan ang karakter ni Libay.
Pokpok of the Century A Joni Fontanos novel |
40th birthday ni Liberty 'Libay' Sibulburo at maraming lalaki na ang nagdaan sa buhay niya. When I say marami, mahihiya ang pila sa Uniqlo kapag may mall-wide sale. CHAR! Nagsimula ito noong high school siya bilang pambayad 'utang' sa lalaking nagpakita ng kabutihan sa kanya. At kahit tumuntong na siya sa BIG FOUR-OH, hindi siya nababakante. Sanaol 'di ba??? Bilang birthday niya, natural lang na maging emosyonal at kwestiyunin kung bakit nga naman hindi nagtatagal ang mga lalaki sa kanya. Nasoplak siya ng kaibigang si Randy habang nag-iinuman sa tabing-dagat. Kapokpokan daw ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyayari. Although na-hurt si gaga at first, may self introspection naman siya.
Iniwan siya ni Randy sa buhanginan para rumampa nang makita niya ang isang floating cottage. Naintriga siya kaya pinasok ito. Dahil medyo tipsy na, siya'y nakatulog sa loob. Paggising niya, nasa ibang siglo na siya. 1880. Yes, ma'am! Napunta siya sa nakaraan at dito nakilala si Pepe, ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso at trinato siyang dalisay na mujer.
Tumira siya sa bahay ni Madam Perfecta kasama ang ilang mayuyuming estudyante at si Kimberly, isang transgender woman na tulad niya ay galing sa future. Ito ang tangi niyang naging kakampi at kakwentuhan sa mga ganap niya sa buhay makaluma. Ang maganda kay Kimberly, hindi siya nito kinampihan sa lahat ng kagagahan niya. Real talk kung real talk kapag nababaliw siya sa lalaki.
Hindi ko kayo i-spoil sa mga iba pang ganap dahil gusto kong ma-experience niyo kung ano ang naging buhay ni Libay sa nakaraan. Ilang pahina pa lang ang nababasa ko, ang lakas na nang tawa ko. Madaling araw ko pa naman sinimulang basahin at tahimik na sa labas kaya para akong gaga sa kakapigil humalakhak. Relate na relate ako sa kalandian ni Libay dahil karamihan doon ay pantasya kong gawin at may panahon pa para gawin in real life. CHOS! Pero pinatunayan ni Libay na ang kalandian ay nilalagay sa lugar. Hindi lahat papatulan, hindi lahat karapat-dapat ipaglaban. Minsan dapat huminto at bumitaw lalo na sa mga pagkakataong alam mong walang mananalo. Landi with dignity. GANON! Hindi niya lang ako pinatawa, pinaiyacc din ako ng gagah!
Ito na ang pangalawang self-published book ni Joni Fontanos na nabasa ko. Una ang Beki Problems na naging patok na online series noong kasagsagan ng COVID-19 starring Chad Kinis. Tulad ng Beki Problems, napakasarap maglahad ng istorya ni Joni, hindi kinulang sa sangkap ng aliw at drama. Detalyado. Graphic kung graphic! Saktong timpla ng realidad. Hindi pretensyosa, hindi ka lulunurin sa perfect characters at mga lugar na mahirap imaginin dahil 'di mo pa napuntahan sa mahal. Kilala niya ang target readers ng libro kaya kuhang-kuha ang kiliti at emosyon sa bawat pahina.
You can purchase the book by messaging Joni through his Facebook account. Palabas na rin sa mga sinehan ang Beks Days of Our Lives na sinulat niya. Attack na kayo diyan!