Monday, September 18, 2023

Nagliligpit

Last minute na nang maisipan kong rumampa sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa may MOA. Mga 20 minutes bago magsara ako nakarating. Nagliligpit na nga 'yung ibang booth, buti na lang at naabutan kong bukas ang mga booth ng Precious Pages. May bago kasi silang release na libro ni Rose Tan under Manila Pop, ang Lunna Misteryosa. Uuwi na sana ako pagkabili nang maisipan kong tumingin-tingin pa sa ibang booth. Sana nga hindi ko na ginawa dahil more budol pa ang nangyari. Nakita ko ang dalawang nobela ng National Artist for Visual Arts na si Francisco Coching, ang El Indio at Ang Barbaro na published by Vibal Foundation. Meron akong kopya ng Lapu-Lapu novel niya at dahil nakakamiss ang komiks, napa-swipe tayo nang wala sa oras. CHAR!


Napadaan din ako sa Fully Booked section pero stop right now, thank you very much muna tayo sa English books dahil may ilan pa akong nabili dati na hindi pa nababasa. Ikot-ikot lang, ikot, ikot nang makita ko ang booth ng Komiket. Naglilipit na rin sila pero karamihan ay naka-display pa. Naghahanap kasi ako ng unang issue ng DI-13 pero wala daw. May nakita akong niyan sa Filbars Megamall pero lasug-lasog na ang itsu. Hindi pasado sa kaartehan ko. Anyways, sa aking pagtitingin eh nakita ko ang mga kopya ng Sampan Lady, nobela ni Vic J. Poblete at guhit ni Steve Gan. Meron nito dati sa NBS Cubao pero 'di ko muna kinuha. Nang balikan ko, ubos na ang kopya. Kaya naman kahit na parang iiyacc na ako sa gastos, binili ko na. Pagkatapos niyan, agad-agad na akong lumabas ng venue at baka sa kangkungan na talaga ako pulutin. CHOS!

No comments:

Post a Comment