Sunday, March 31, 2024

Restoration Project #15: Bwagamba (Unang Labas)

Eksatong dalawampu't pitong taon na ang nakalilipas nang unang mailathala sa mga pahina ng Tagalog Klasiks ang Bwagamba, ang nobelang isinulat at iginuhit ni Rico Rival. Kadalasan ay sa drama ko nakikita ang mga likha niya pero dito, more on action and adventure. Sayang at hindi ko ito nasubaybayan, isang komiks lang kasi ang kaya kong pag-ipunan at bilhin sa baon ko noon. 

Una ko itong ibinahagi noong 2012 thru Komiks, mga panahong 'di ko pa gamay ang restoration. Pero dalawang taon na pala simula nang matapos ko ang proyektong ito at hindi ko pa pala nai-share sa inyo. I hope you enjoy this masterpiece! 

Bwagamba
Katha't Guhit ni Rico Rival

Tagalog Klasiks
Marso 31, 1997
Taon 40 Blg. 2270
Atlas Publishing Co., Inc.

Itlog

Kahit na kinalakhan ko ang tradisyon na sa bahay lang pumirmi kapag Semana Santa ay hindi ko napigilan lumabas at magpa-araw kahapon. Ilang araw din kasi akong nasa loob lang ng bahay at feeling ko, dapat na akong makalanghap ng polusyon sa Kamaynilaan. CHOS! Dahil naka-holiday ang mga tren, sumakay muna ako ng jeep. Wala naman trapik kaya mabilis akong nakarating sa Manila Bay.

Kung hindi niyo alam, patuloy ang reclamation sa Manila Bay. Sakit sa mata ng buhangin at mga barko na nakatambay sa gitna ng tubig. Wala na ang dating maaliwalas at malawak na baybayin. Nakaka-miss ang mid-2010s era kung saan walang ganito pati na rin ang Dolomite beach. At 'wag kayong maniwala sa fakes news dahil hanggang ngayon, may basura pa rin.

Bilang Easter Sunday na, makwento ko lang na 20 years ago, kinuha ng isang events company ang buong section namin sa college para maging production assistant ng Easter Egg Hunt sa SM Supermalls. Buong araw na event 'yon dahil ala-singko ng umaga ang call time at matatapos ng bandang ala-singko ng hapon. Kanya-kanya kaming branch ng SM at dapat bago magbukas ay nandoon na dapat kami para mag-setup. Nakatutuwang panoorin ang mga bata na nagkakagulo sa mga plastic na itlog at tuwang-tuwa sa mga papremyo. Siyempre hindi maiiwasan ang mga intrimitidang magulang.

Bilang bukas ay balik-trabaho na tayo, hayaan niyong maging inspirasyon natin ang imahe ni Franco Zobel para pasukin tayo ng positive energy. Ito ay nailathala sa mga pahina ng Bedtime Stories...

Friday, March 29, 2024

Pakunswelo

Semana Santa. Karamihan sa atin ay nakabakasyon at sa Lunes pa muling papasok. Kaya naman nagsipag-uwi muna ang ilan sa kani-kanilang probinsya, malayo man o malapit, para makasama ang pamilya. Iba pa rin kasi talaga kapag kapiling mo sila. Para naman sa mga bayaning puyat, regular na araw lang ito. Pakunswelo ang double pay. Hindi na masama dahil sa panahon ngayon, kailangan natin ng ekstrang kita.

Eto pala ang unang kong blog ngayong 2024. Kumusta kayo, mga ateng? Maganda ba ang pasok ng taon? Kung hindi, hindi pa huli ang lahat para ikutin ang gulong ng palad. Sabi nga sa kanta ng Aegis, kung noon ay nasa ilalim, sana bukas na ibabaw naman. In short, magpaka-top ka. CHAR!

Marami akong thoughts and opinions about life na hopefully ay maibahagi ko sa inyo sa mga susunod na araw. Sa ngayon, basahin muna natin ang biyahe ng mag-asawang Dencio at Rizza...

Isang Gabing Punung-puno ng Kasabikan
Kwento ni Conrado Diaz
Guhit ni Nar De Mesa
Sakdal Bold Komiks
Oktubre 5, 1983
Taon 1 Blg. 007