Tuesday, January 24, 2012

Komiks

Lumaki ako na isa ang komiks sa pinaghuhugutan ng aliw ni mader dear. Tandang tanda ko pa na bawat linggo eh bumibili siya ng Horoscope kung saan mga artistang Pinoy ang cover sa bawat edisyon. Bukod sa kanyang horoscope na Pisces ay sinubaybayan din niya ang kwento ni Nimfa sa nobelang Sa Isang Sulok ng mga Pangarap na kalaunan ay ginawang pelikula nina Alice Dixon at Ariel Rivera.

Karay ako palagi ni mama kapag pupunta ng Muñoz para mamalengke at dahil bata, lahat ng magustuhan ko ay tinuturo ko at pinapabili. Nagkataon naman na sa komiks din ako nahilig kaya keri lang kay mama ang maaga kong bisyo.

Pinoy Klasiks ng GASI Publication ang paborito ko noon. Samu't saring kwento ng kababalaghan, drama, action at fantasy ang mababasa dito. Merong nobela na itutuloy at meron naman wakasan.

Kahit isang digit pa lang ang edad ko noon at hindi pa masyadong nakakaintindi ng drama sa buhay eh talagang sinubaybayan ko ang nobelang Lalaban Ako ni Elena Patron na iginuhit ni Rico Rival. Ako na yata noon ang pinakabatang fan nila.

Sayang lang at wala akong natirang kopya ng seryeng 'yan. Nasunog kasi ang unang batch ng koleksyon ko. Buti na lang at nagsama silang muli sa isa pang nobela. Ito ay ang Sino Ang Babaing Iyon? na lumabas sa pahina ng Pinoy Klasiks noong mid-90's.

 

Narito naman ang dalawa sa mga iginuhit na pabalat ni Sir Rico Rival...


As we all know, wala na sa sirkulasyon ang komiks. Unti-unti itong namatay noong early 2000's. Sayang at hindi natin napagyaman ang industriyang ito na nagbigay aliw at saya sa mga Pinoy sa loob ng ilang dekada.

4 comments:

  1. Oh. My. This post reminded me of that big book we had when I was still a kid. It was a brown book that is a collection of so many comics way back then. I miss reading comics. :( Classic Filipino comics, to speak of.

    ReplyDelete
  2. I'm a komiks fan myself ... kinalakihan ko nuon ang mga komiks na Funny , Hiwaga , Aliwan , Wakasan at marami pang iba ... so sad nga at namatay na ang industriyang ito :(

    ReplyDelete
  3. I learned to read dahil dyAn sa komiks

    ReplyDelete
  4. -Teh Pointless Paranoia, nakaka-miss talaga ang Filipino made comics. Walang katulad.

    -Teh Edgar, talagang nakakalungkot. Sinubukan ni Carlo J. Caparas na i-revive ang komiks industry pero failed siya :(

    -Teh Anonymous Jan 24, 2012 04:04 PM, pareho tayo! Nakatulong ng malaki ang pagbabasa ng komiks para matuto agad magbasa ang isang bata.

    ReplyDelete