After that, sumakay ako ng G-Liner bus papuntang Quiapo para bumili ng wallet sa Isetann Carriedo. May nakita kasi ako last week pero ngayon lang ako nag-decide na bilhin. Medyo mahalya kaya sana tumagal.
Nag-foodtrip muna ako sa labas at bumili ng halal burger na tag-25, kinseng gulaman at 38 pesos na pizza. Lakad na papuntang sakayan nang makita ko itong Taiwan Famous Fried Chicken. Bigla kong na-miss ang Taiwan kaya lumaps na ako ng 1-pc chicken nila. Malinamnam ang manok at panalo ang sawsawan na may pagka-gingery ang lasa. 149 without drinks pero tubig muna tayo bilang kaka-gulaman lang natin.
Inabutan na ako ng pagsasara kahit mag-ala-siete pa lang. Buti na lang at patapos na ako. Ayaw ko kasi talaga ang feeling na napagsasarhan ng establishment. Nag-internal panic ako kapag naririnig ko na binababa ang roll up door.
Go ako dito sa mga nagtitinda ng handicraft items sa ilalim ng tulay at natuwa sa belen na binebenta. 1000 ang malaki at 750 ang maliit. Bet ko sana kaya lang walang mapaglagyan sa balur kaya pangkamot na lang ng likod ang binili ko worth pipti peysos.


HAPPY HALLOWEEN, MGA ATENG!

