Isa sa pinaka-iconic na '90s movies para sa akin ang Burlesk King nina Rodel Velayo, Nini Jacinto at Leonardo Litton. Katorse pa lang akiz nang ipalabas 'yan sa mga sinehan. Dahil may gatas pa sa labi, hanggang showbiz talk shows at diyaryo lang pwedeng ma-update tungkol sa pelikula. May rasyon kami ng Abante tuwing umaga noon at doon ko binabasa ang mga nakakakiliting artikulo ng mga bida. Pare-parehong introducing ang tatlo although aktriz na si Nini noon sa ngalang Apples Zuñiga.
Clasikong Collection ni LL |
College na ako nang ilabas ng Video Flick Productions, Inc. ang VCD copy ng pelikula. Sa kahabaan ng Hidalgo Street sa Quiapo ko nabili ang pekeng kopya. Nasa dilaw na plastic case sa halagang 35 pesosesoses! Nang makapagtrabaho, saka na ako bumili ng original copy. Matapos ang ilang taon, umangkat ako ng DVD copy mula France para mas malinaw kong makita ang kakisigan ni LL. CHAR!
Halikayo't balikan natin ang kanilang kwento...
DVD copy from France |
Seiko Films
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Rodel Velayo, Leonardo Litton, Nini Jacinto, Elizabeth Oropesa, Joel Lamangan, Raymond Bagatsing, and Cherry Pie Picache
Laking 'Gapo sina Harry (Velayo) at James (Litton). Bantay sila sa isang pasugalan nang masangkot sa isang gulo. Lumuwas sila ng Maynila at pumasok sa bar ni Mama Odette (Lamangan). 'Di tulad ni James, hindi nagpapa-take home si Harry at ayaw niya sa mga Amerikanong customer dahil naaalala niya ang pagmamalupit ng tatay niya sa kanila ng kanyang nanay. Nakilala niya sa bar si Mario (Bagatsing) na isang pocketbook writer. Bagong hiwalay sa jowa at nangangailangan ng kausap. Mula noon, naging magkaibigan na sila.
Gustung-gustong magkaanak ni Brenda |
Mula sa pagiging GRO, nahikayat maging macho dancer si Harry. Naging instant hit, mapa-matrona man o bading na customer. Nagsimula na rin mag-live in ang dalawa at naging mag-partner sa kaputahan. Samantala, binalikan ng mga nakaaway nila sa 'Gapo si James at napuruhan. Sobrang naapektuhan si Harry dahil wala siyang nagawa para sa kaibigan.
The shocking threesome live show |
Sa lahat ng macho dancer-themed Pinoy movie, eto talaga ang todong paborito ko. May tamang timpla ng drama, action at kaseksihan. Mas mapangahas pa nga daw ang uncut version nito pero na-chop-chop ni Manay Armida ng MTRCB. Sana buhay pa ang negatives nang ma-restore, 'di ba?
VCD copy from Video Flick |
Dahil nauuso ang mga restoration ng mga lumang pelikulang Pilipino, sana magkaroon ng tsansa ang bagong henerasyon ng LGBTQIA+ community na ma-appreciate ang Burlesk King. Isa ito sa pinaka-importanteng pelikula na humubog sa kamalayan ng Pinoy LGBTQIA+.
Rating: 5/5 stars
Wow. Leonardo Litton. Isa sa pinakapaborito ko. Next cguro Kay Anton Bernardo. Hehehe. Relate ako dun sa buying part ng magazine. Hahaha. Once ko lang nagawa
ReplyDelete