MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG!
Habang nagkaka-edad tayo, tila ba patamlay nang patamlay ang diwa ng Kapaskuhan. Sa akin lang, hangga't ninanakawan tayo nang harap-harapan ng mga pulitiko at hindi natin nakukuha ang dasurv nating paglilingkod mula sa kanila, patuloy tayong mahihirapan araw-araw. Marami ang nangangarap na makaalis ng bansa pero hindi naman lahat kaya 'yan. Panahon na para isipin natin ang iba. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kaya nawa'y sa mga susunod na buwan at taon, may makikita tayong pagbabago. 'Yan ang tanging hiling ko ngayong Pasko.
Naghanda ako ng spaghetti at fruit salad, at bumili ng lechon manok, cassava cake at kaunting pansit. Kayo, anong handa ninyo?
♪ Tayo na giliw magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
'Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko ♫
No comments:
Post a Comment