Monday, December 8, 2025

Samu't-Sari 5.0

  • Looks like nagtatago na si Bato dahil sa diumano'y arrest warrant niya sa ICC. At marami ang nagtatanong bakit buo pa rin ang sahod niya kahit matagal na siyang absent sa senado especially sa budget hearing. Ang gunggong na Tito Sen, bakit daw ngayon lang may nagrereklamo samantalang sa congress daw, isang taon na absent pero walang ganyan. NAKAKALOKA! Hindi man lang i-acknowledge na valid ang punto de vista at may karapatan kaming kwestiyunin ang ginagawa sa aming pera, dahil kung kami nga na tax payer eh No Work, No Pay, bakit sila hindi?
  • Eto namang si Lacson, nagpayo pa na galingan magtago ni Bato. Imbes na harapin ang kaso at patunayan na wala siya'y inosente, kinunsinti pa ng kasamahan niya. Kung sino pa ang taga-gawa ng batas, sila pa ang nagtatago dito. 
  • Sa mga social media influencer naman, kung mag-eendorso kayo ng produkto, 'wag lokohin ang followers. For example, sasabihin niyo na effective ang sabon at matagal nang ginagamit pero never nabanggit, nakita o nahagip man lang sa past vlogs. You know you can be truthful while influencing. Just sayin'.
  • Napaka-out of touch ng mga kumakampi sa DTI regarding 500 pesos Noche Buena lalo na sina Gloria Diaz at Mariel Rodriguez. Palibhasa never nilang naranasang maging dukha kaya ganyan sila mag-isip. I'm sure, isang meal o kape lang nila 'yan sa isang restaurant. Selebrasyon ang Kapaskuhan tapos gusto niyo magtipid kami samantalang bilyon ang ninanakaw sa amin. NAKAKAGIGIL!
  • Ilang araw na lang at Pasko na pero bilang na bilang ang mga bahay na may Christmas lights sa gabi. Ibang-iba sa maliwanag at masayang Kapaskuhan noong '90s. Hindi na ba kumukutikutitap ang puso ng mga Pinoy? Kumanta na nga lang tayo...



No comments:

Post a Comment