Isa si Lani Misalucha sa paborito kong OPM artists. Bago pa siya maging recording artist ng Viva Records, nakilala ko siya sa guestings niya sa RPN 9 to promote her debut album, More Than I Should. Bet na bet ko noon ang Isang Ulit Man Lang tapos hindi ko lang sure kung siya ang original singer pero may version siya dito Sakayan ng Jeep na pinasikat ni Nikki Gil. Nandito rin ang Ang Iibigin ay Ikaw na naging theme song sa isang Kapuso teleserye, at ang version niya ng Somebody Warm Like Me. Nang makakita ako ng kopya ng album na 'to sa SM Kultura a few years ago eh hindi ko na pinakawalan pa.
Heto't may nahalukay tayong isang artikulo from that era...

No comments:
Post a Comment