Gusto kong ibahagi sa inyo ang isang komento mula sa aking blog entry kahapon na pinamagatang Bitiw.
Anonymous said...
huwag magagalit isa akong fans ng blog mo at nakakatuwa ang mga post mo., may puna lang ako, huwag ka naman sana post ng mga kumento na "kasakiman ni ate glo" oo nga malay natin hindi ang dating pangulo ang binabangit mo pero pag sinabi na ate glo iisa lang tao ang nasa isip natin kundi ang dating pangulo. tapus na kasi ang termino nya., dapat isipin natin ang ngayon..na baka sa pagtapus ng termino nito ay sisishin din natin...
August 5, 2011 7:58 AM
Don't worry at hindi kami magagalit sa'yo. I believe most of my readers are mature enough to respect each other's opinion. Natutuwa ako't napaka-diverse ng ating opinyon sa mga isyu ng ating bansa.
Bubot pa lang akekels eh aware na ako sa pulitika sa ating bansa. I used to like GMA when she was a senator. Siya ang aking bet sa pagiging VP noong 1998. Natuwa ako noong siya ang humalili kay Erap bilang pangulo. I believe she did a good job during the early years of her presidency (tama ba ingles ko?). Saludo ako sa kanya noong sinabi niya sa Baguio na 'di na siya tatakbo bilang pangulo para sa 2004 presidential election pero ano ang nangyari? Di ba't siya mismo ang bumali ng kanyang sinabi? Simula noon, hindi ko na siya nagustuhan.
Nahalal siyang pangulo noong 2004 pero ang daming kontrobersya tulad ng pandaraya. Wala akong narinig sa kanya ukol dito. Nanahimik siya.
Sa loob halos ng sampung taon niyang paninilbihan sa bansa, ano ang nagawa niya para sa ikauunlad natin? Naramdaman mo ba? Ako kasi wala. Para sa akin, madami nang magagawa sa sampung taon lalo na kung isa kang masipag na tao. Naungusan na nga tayo ng Singapore to think mas malaki ang ating bansa, sagana tayo sa likas na yaman at mas matatalino ang mamamayan.
Kung hindi siya sakim sa pwesto at kapangyarihan, tapos na ang termino niya bilang pangulo eh ba't tumakbo siya ulit bilang kongresista? Hanap-buhay ba ang tingin niya sa paglilingkod sa bayan?
Ngayon, nagsisipaglabasan na ang mga anomalyang naganap sa kanyang termino mula sa 2010 National Budget na hindi pa tapos ang taon eh ubos na hanggang sa mga segunda manong helicopters. I commend the new administration because they're doing a great job. Tulad ng iba, naiirita din ako sa mga patutsada ni PNoy sa nakaraang administrasyon pero let's put ourselves to his position at gawin natin sa isang simpleng sitwasyon. Iniwan ni Gloria ang apartment para lumipat sa bagong bahay. Ang bagong mangungupahan dito ay si PNoy. Napansin niya na makalat at madumi ang lugar. Kahit sinong tao eh maglilinis muna. Alangan namang tumira siya kasama ng basura de vaahhh?! 'Yan ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon para sa 'ting bansa. Hindi sila maaaring makapagsimula ng malinis kung ang naabutan nila ay madumi.
Let me clear my stand on this issue. Hindi ako pro-PNoy kundi pro-Pinoy ako.
Bukas ang comment box para sa iba pang opinyon.
si GMA was the reason why I stopped voting. dati nakikipag unahan pa ako sa pila para lang bumoto, ang sarap kasi sa pakiramdam na kasali ka sa magiging future ng bansa. ako kasi yung isa sa mga taong ayaw umalis ng pilipinas kahit pa me mga offers naman akong nakukuha to work and live abroad. sabi ko, andito ang pamilya at mga kaibigan ko, maayos akong me trabaho, bakit ko pa kailangang umalis?
ReplyDeletepero nagbago lahat ng yan when GMA took over the government. she used to be someone so good. as a senator, sobrang astig nyan, she opened doors of oppotunities for other female personalities to venture into politics and aspire to do well. pero when she became president, grabe. namuhay sila sa pera naten. tanga, bobo at loyalista na lang ang magsasabing hindi sila nagnakaw ng pera ng gobyerno. my ex is a close friend of one of her sons, kaklase nya sa law school, at saksi ako how my ex benefited from that relation. another friend was an employee of GMA's former cabinet secretary and she has lots of kwento about how corrupt this gov't is.
wag na tayong magpaka-bulag at insensitive...nagnakaw si gma sa kaban ng bayan, hindi maitatago yan.
aba at lumelevel-up ka na sa pagiging politically and socially corect ha teh melanie he he .... keep it up teh ... like ko yung pro-Pinoy ka at hindi pro-Pnoy he he ... winnur ...
ReplyDeleteJuice ko ang graft and corruption under the Arroyos and the people under her administration parang baha. Lahat nalang ninakaw. Wala nang natira para sa tao. Dapat lahat sila makulong.
ReplyDeletewinner like na like ko to teh!!!
ReplyDelete...wag nating sisihin si p-noy kung bakit di pa tau makaramdam ng ginhawa o pag-unlad sa pamumuhay. isang taon nang nanunungkulan si p-noy. kung 10 taon nangurakot si gloria sa kaban ng bayan, cguro 10 taon o higit pa tau dapat magtiis at maghintay na maramdaman kung nakabnagon na nga ba tau sa administrasyon ni pnoy. i'm not pro-pnoy and i'm not a political minded,hello! but sarili muna natin ang ating simulang paunlarin. sa atin magsisimula ang lahat! bangon! Wow! (nasabi ko yun) what interrupts me is kung bakit me mga tao pang pumapanig at nagtatanggol ke gloria. di ko alam kung ano ang gusto nya sa buhay.
ReplyDeletehay teh..NAMAN.....ayoko ng magelaborate pa ng todo...syang ako din dte..sobrng admire ko cia dte nung asa elemntry plng ako.pero nung nging pangulo cia nung college ako...JUSME....lht ng pilipino mapababrod,pinas at kht asa impyerno at langit na, alam ang graft and corruption ng admin nya.
ReplyDeleteang bagal ng karma, bakit spine lang?
ReplyDeleteHi teh mel
ReplyDeletelove your explation bongeshia..may tama ka..now na ProPinoy ito...
the best ang entry today!!!
ReplyDeletenatural kasi sa atin mga pinoy to cling on our "truth bias". Some people call it "benefit of the doubt" kasi mabait tayo, we expect something good from people. Kya lang diba, if we let this happen, we end up lying to ourselves?!
Sa case ni Ate Glo, matagal ng nawala sa atin and "truth bias". Kasi naman, overwhelming ang evidences against her...
Keep up the good work Binibining Melanie
-profesora
Kalurkey at medyo politically charged ang usapan sa blog ni Ms Melanie. Anyways all I can say is sana lang Pnoys and the senators file something substantial at talagang kakapit na kaso kay former president Gloria. I mean if indeed may kasalanan cya she should answer to the Filipino people. But the way I see things are going tila yata masyadong matalino si GMA kaya parang walang kaso na dumidikit kahit pa obvious na nagkaroon ng malinaw na kamalian during her term be it election fraud , illegal use of govt. funds etc. Parang ang hihina ng mga nasasampa at until now a year after PNoy's ascendancy to power wala pa ring nangyayari. Malungkot pero sa tingin ko magiging katulad din yan ng kaso ng mga Marcoses na hanggang ngayon namamayagpag na parang walang bahid ng corruption sa 20 years nila sa power. Sad to say PNoy surrounded himself with a not so bright na cabinete na blooper after blooper lang ang ginawa mula sa mga assistants na nanlait sa mga taga vietnam nung state visit ni PNoy dun, ang Luneta hostage fiasco, hanggang sa pag pako sa krus sa mga Catholic Bishops dahil sa diumano Pajero na ginamit nila for personal use courtesy of Margie Juico hanggang sa medyo sablay nakaso na ipinupukol kay Gloria Arroyo. Ewan ko ba pero medyo hopeless na yata ang Pinas. Masyado tayung makakalimutin....
ReplyDeleteSana lang lahat ng gumawa ng kabuktutan sa gobyerno magbayad ng dues nila, and Im not just talking about GMA....marami pang iba..
for sure may maliligaw na maka gma dito, pero i know most gays are intelligent enough to know what is true . kakawa n ang pinas, masyado na ninanakawan.....haaay i know di p hopeless tau....nakakatuwa di n masyado puro boys usapan dito, pero di kaya kabugin sa haba ng mga comments ang post mo kila heart n marian?
ReplyDelete-loufivicxs
pak! in blood red tulad ng outfit ni angelica panganiban sa here comes the bride! Pak na pak! Ang galing mo melanie!
ReplyDeletepara ng mali ang halinbawa na... apartment na lilipatan mo ay malinis...ay oo mayron pala ito yun fully furnished may ganon ba sa government na fully furnished na malinis na... sa apartment mayron...opinion lang po
ReplyDeleteKorek Ateh Melanie, at perfect ang example mo sa apartment churva, sino nga ba naman ang gugustuhing manirahan sa isang apartment na binusabos ng dating nakatira. Syempre lilinisin nya muna yun at obvious naman na sasabihan nya yung dating occupant na burara dahil ang daming duming iniwan. Let's be realistic (sa mga pro-GMA), hwag nyong punahin ang isang administrasyon kung nasa unang taon pa lang ito, hindi rin ako maka-PNoy pero sa siyam na taong panunungkulan ng nakaraang administrasyon may nabago ba sa pamumuhay ng mga mahihirap? Sinasabing umangat ang ekonomiya ng Pilipinas nung panahon nya, eh ang karaniwang itatanong ng mga karaniwang mamamayanan, nakakain ba ang statistics? Walang napala ang mahihirap nating kababayan nung panahon nya, siguro sa mga mayayamang tulad nila meron.
ReplyDeleteAng tanga umintindi nung huling nag comment. ano ba???? bakla ka na tanga ka pa? hahah
ReplyDelete