|
Mister and Miss Supranational 2017 Jenny Kim from Korea Gabriel Correa from Venezuela |
Magkasunod na ginanap ang
Mister and
Miss Supranational 2017 nitong December 1 & 2 sa Poland kaya naaligaga ang pageant fans sa kasusubaybay. Kahit batang-bata pa, itinuturing na ang dalawa sa pinaka bonggang pageants all over the world... the universe rather.
CHOS! De kalidad ang mga contestants at walang tapon. Naging pambato natin sina
Chanel Olive Thomas at
Yves Campos.
|
Chanel Olive Thomas Miss Supranational Philippines 2017 |
Maagang naging paborito si Chanel simula nang makoronahan sa
Binibining Pilipinas 2017. Marami ang nag-asam na siya na ang makapag-uuwi ng ikalawang Miss Supranational crown. Matangkad, sexy, maganda at todo kudaera ang lola niyo. Hindi man nanalo dahil si
Miss Korea ang nagwagi, ipinagpatuloy naman niya ang semifinalists streak ng ating bansa nang makapasok sa top 10.
|
Yves Campos Mister Supranational Philippines 2017 |
Okay tapos na tayo sa merlat, focus na tayo sa mga otoks ahahaha! Yves Campos lives and works in Hawaii as a nurse. Siya ang nagwagi sa
Misters of Filipinas 2017 at ipinadala sa Mister Supranational. Alam niyo mga ateng, cutie pie ang lolo niyo kaya lang, medyo kinulang sa muscles during the finals. Pero 'wag kayo ano diyan, swak pa rin siya sa top 20. Malaking achievement pa rin 'yon noh knowing na maikli lang ang gap from the time nang manalo siya sa national pageant. Hopefully, the national director saw this opportunity and will work on our next candidate. The title eventually went to
Gabriel Correa of
Venezuela.
As usual, dilat na dilat ang mata ko habang pinanonood ang pageant lalo na sa swimwear competition. Imbey lang at naka-board shorts sila at hindi skimpy bikini. Nahirapan tuloy akong sumipat kung sino ba sa kanila ang may
MALAKING tsansa na manalo ahahaha!
Hala sige, pagsaluhan natin ang kanilang mga inihanda...
Malta and Germany
(mahal ko na silang dalawa ♥)
Netherlands and Poland
(ano bang meron sa mga European boys at madali akong ma-fall sa kanila?)
Romania and USA
(dibdiban po ang labanan)
Slovakia and Brazil
(rough boy o good boy?)
Spain and Venezuela
(patas lang po sila sabi ng puso[n] ko)
No comments:
Post a Comment