Attendance muna tayo - present sina Gladys, Ateh Paul, Tracy & her BF and Lance & his better half. Absent sina Xheng, Chelie at Chari.
March 6: Victory Liner sa Cubao dapat ang sasakyan namin pero todong punuan kaya sa Solid North Transit kami sumakay pa Dagupan (350php). From there, sumakay kami ng ordinary bus pa-Baguio (100php). 11:30 kami nakasakay, mga 8 AM na kami nakarating. Ang lamig pala talaga pero hindi naman nginig levels. Ang sarap sa baga ng hangin. Agad-agad akong na-inlove sa place! Last weekend ng Panagbenga Festival kaya ang daming tao.
While they're enjoying their time sa lake, nagikot ako sa tiangge nearby. Parang Quiapo o Baclaran lang ang peg. Mas mura ang mga paninda. Sa 100php ay nakabuyla ako ng monopod para sa unli picturan.
Paglabas, buy muna kami ng pasalubongs - strawberry jam (25php), peanut brittle at lengua de gato (8 for 100php). Habang namimili si Lance sa Good Sheperd, picture muna kami sa mga bulaklak sa paligid. Grabe! Lahat yata ng halaman, namulaklak sa araw na iyon. Ang gaganda!
Sunod naming pinuntahan ang The Mansion. Isa pa 'to sa madalas kong makita sa mga nagpunpunta sa Baguio. Parang eksena sa Cedie sa gara ng lugar. Wala ka namang ibang gagawin kundi magpapicture na background ang mansyon.
Sa mismong tapat nito ang Wright Park. More appreciation of nature. Nabasa ko na kapag stressed at malungkot ka, hug a tree at gagaan ang pakiramdam mo. 'Di naman ako stress at sad but since wala akez jowang mayakap, eh 'di puno na lang hehehe! More pictures here, there and everywhere. May mga paintings din na binebenta.
Pagoda coldwave lotion na kami so we decided to go home and have some rest before dinner. Sa may bulalohan sa taas lang ng Jungletown Road kami kumain. I can't remember the name of the place pero cozy naman siya at masarap ang pagkain.
Wala pang 9 o'clock at hindi kami magkasundo kung gigimik o manlalalaki. Since may jowang bitbit sina Lance at Tracy, pinabayaan muna namin silang mag-bonding at humiwalay kami nina Ateh Paul at Gladys. Tambay muna kami sa Session Road at nag-sight seeing ng mga utaw. JUICE KOH! Kung may shortage ng mga gwapo't masasarap sa Maynila, dagsa at overflowing dito. Kaya naman Miss Colgate ang drama ko. Sakit sa panga ang napala ko kakangiti. Kay lang walang naakit AMP!
Sign of ageing kapag 'di mo na bet ang mga malalakas na tugtugin sa bar. 'Yung tipong gusto mo na lang ng katahimikan imbes na gumiling sa dance floor at bonggang magpakalasing. Kaya ang tatlong single ladies, napagpasyahang umuwi at magpahinga na lang.
Tatapusin...
Nice Baguio naman ... sa April pa ulit balik ko jan eh ... sayang d q naabutan yung Panagbenga
ReplyDeleteateng sa may burnham, upo ka lang dun ng 6PM onwards may lalapit sayong callboy hahahahaha
ReplyDeleteMagkano rate nila?
DeleteAng ganda ng Baguio. Parang ang sarap nga sa baga ang hangin at ang gaganda rin ng mga bulaklak sa paningin. Ang gaganda niyo rin Bb Melanie lalo na sa picture niyo na naka-Igorot costume. Love it! Gusto ko ding makatikim ng strawberry taho someday.
ReplyDelete-Teh Edgar, babalik ako dito! Sobrang na-enjoy ko ang weather :)
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, AY! 'Di ko alam. Sana pala 'dun kami rumampa ahahaha!
-Teh AnonymousBeki, madami kang magagawa sa loob ng isang araw sa Baguio. At ang daming bulaklak sa paligid.
ay. ingat po sa mga callboy ng Baguio. They cannot be trusted at pipigain lang kayo ng pera or gagawan ng eskandalo, masama pa baka may sakit pa ang makuha ninyo.
ReplyDeleteNever never ever negotiate sa call boy sa burnham....maniwala kayo, they will get money as many as they can. They can bring you harm....please, i am giving this as warning to all....
ReplyDelete