Wednesday, October 6, 2010

Sulat at Payo

Dear Bb. Melanie,

          Follower po ako ng blog niyo. I found your blog really interesting kaya naka-ugalian ko ng puntahan ang blog niyo. Enjoy akong malaman ang mga thoughts mo about everything under the sun. At isa pa, alam kong intelehenteng tao po kayo. That's why naisipan kong mag-email sa inyo at hingin ang payo niyo sa aking dilemma. I'm currently 18 turning 19 sa January next year. Nasa college na po ako ngayon taking up BS Comp Sci at nasa 2nd year college na po ako (Medyo di ko po talaga sure kung 2nd yr na ba talaga ako T_T). May utak din naman po ako at sa 3 magkakapatid (bunso po ako) at ako ang inaasahan ng mga parents namin dahil mas matino po ako. After nung HS graduation eh nag enroll po ako sa isang university at kumuha ng BS Medtech. Naka-one sem po ako nun (6mos ata) at naipasa naman po lahat ng subjects. after nun naisipan ko pong mag-shift ng kurso dahil di ko pla tlga gusto ang Medtech. Pumasok ako sa isang computer school at nag-shift ako sa BS Comp Sci. At dun na po nagsimula ang problema ko. Mali ang napasukan kong school!!! Andami kong naibagsak na subjects dhil may mga nka away akong mga teachers at hndi ko din gusto ang mga klasmeyt ko. After a year sa school na yun ay ayoko na tlgang pumasok at huminto na ako sa pagpasok. Napagalitan talaga ako ng mga parents ko dahil sa mga bagsak ko. When I started going to college ay 17 lng ako, but now I'm going 19 pero sa tingin ko ay wala pa akong nasisimulan. Stop po ako ngayung sem at sa November na po ako ulit papasok. Hindi ko alam kung makrekredit ba mga subjcts ko at bka bumalik ulit ako sa first year! Grabe, depressed na talaga ako ngayon. Basag na basag ang pride ko dahil dati ipinagmamalaki ko pang 20 yrs old ako gagraduate. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin??? Ano na ba ang improvement ko sa 2 taon sa college??? Ma-eenjoy ko pa ba ang buhay kong 22-23 yrs old ako gagraduate? Huhuhu, lagi kong ipinagdarasal na sana sa November kpg nag enrol ako ay 2nd yr na ako. Ayokong bumalik ulit sa first year (btw, sa *pangalan ng school* po ako eenrol). Nawawalan na ako ng pag-asa ngayon sa college life ko at iniisip kong huminto na lang sa pag -aaral. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari kung bakit nagkaganito ang college life ko. Minsan nga naiintindihan ko na kung bkit my mga nagsusuicide na tao eh. I'm really losing my hope. I lost the trust na binigay sa akin ng mga parents ko. Makakabangon pa ba ako?? Bb. Melanie I know this email may sounds funny and mababaw, but I'm really bothered by this problem of mine. Sana po bigyan niyo ako ng payo.  Fan niyo po ako at ng blog niyo.  

Thanks!

==========

Bonggang bongga naman ang kahabaan ng email mo 'teh. Well, baka ganyan na rin kahaba ang nararamdaman mong depresyon diyan sa katawan mo at willingness naman akong bigyan ka ng payo. 

Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay isang susi sa tagumpay at walang pinipiling edad 'yan. Maaring natapilok ka sa una mong kurso at sumadsad ka sa pangalawa pero bet mo bang hindi bumangon at manatili na lamang diyan sa kinasadlakan mo?

Nung college ako, BS Accountancy ang una kong kurso pero juice koh 'day, nahilo ako sa numbers. Dagdagan mo pang may 2.0 policy sa PUP kaya naman hindi ko na inaksaya ang panahon at effort ko. Todong nag-shift watashi sa mas interesanteng kurso kung saan mage-excel nang bonggang bongga ang talent ko. Nahirapan ako noong una dahil may mga back subjects ako pero determinado akong matapos ang kolehiyo sa loob ng apat na taon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nag-enroll ako ng summer classes. Tiis ganda kahit walang bakasyon ang byuti ko. Isama mo pang napakainit ng araw kapag pumapasok ako. Nagbunga naman ang tiyaga at pagtitiis ko at nakatapos ako ng tama sa oras.

My college classmates preparing for a presentation
Natutuwa naman ako't nais mong tapusin ang pag-aaral mo at gusto mo nang pumasok this November. Eh ano kung 22 or 23 years old kang ga-graduate? Wala namang age limit sa pag-aaral at sa pagkamit ng pangarap mo. May tatlo akong kasamahan dito sa opisina na nagta-trabaho sa gabi at nag-aaral naman sa umaga. Sila ay sina M, K at J. Si M ay naka-graduate na last April lang sa edad na 21. Si K naman ay 20 years old at 2nd year college. Si J ay 3rd year irregular at 24 na. Never na naging issue sa kanila ang edad. Isa lang naman kasi ang gusto nila, ang makatapos ng pag-aaral.

Maraming paraan diyan sa problema mo at hindi isa sa solusyon ang pagpapakamatay. Eto ang aking suggestions:
  1. Gather all your credentials and records mula sa BS Medtech hanggang Comp Sci.
  2. Kung nakahanap ka na ng bagong school at kursong papasukan, kausapin mo ang dean or school registrar para ma-discuss niyo ang mga subjects na nakuha mo. Ipakita sa kanila ang records at tingnan mo kung pwede nilang i-credit ang ibang subjects para hindi mo na kunin muli.
  3. Mag-full load ka. Mas madaming subjects, mas magiging busy ka. Time management ang solusyon diyan.
  4. Take summer classes at i-enroll mo ang mga back subjects para hindi mo na sila isama sa susunod na semestre.
Masarap ang mag-aral lalo na't feel na feel mo agad ang success na idudulot nito para sa future mo. Determinasyon ang kailangan para makatapos ng pag-aaral. Huwag hahayaang malihis ng landas pero hindi naman masama ang mag-enjoy paminsan minsan. Nawa'y nakatulong ako kahit papaano sa iyong problema 'teh.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Monday, October 4, 2010

I love Mondays!

Love na love ko talaga ang first day of the week. Magaan sa pakiramdam at it promises a new beginning. Aside from that, busy ulit ang karamihan sa trabaho which is a good thing.

Sabi ng English professor ko sa PUP, refrain from using dark color clothes at the start of the week to attract positive vibes and have this bright aura. I live up to what she said kaya naman every Monday, ang kulay ng suot ko ay dapat maaliwalas sa mata at fresh sa pakiramdam. At siyempre, samahan natin ng pagiging optimistic sa buhay, personal man o sa trabaho. Dapat laging focus sa magagandang bagay. Naalala ko tuloy yung tinanong sa akin sa isang job interview 2 or 3 years ago...

Interviewer: Are you an optimist or pessimist type of person?

Ano pa ba ang isasagot ko kundi...

Melanie: Optimist. I'm the type of person who looks for the sunshine after the rain... not just for the rainbow.

Kung 'di ba naman naloka si ateh sa sinagot ko. Ayun, hindi tuloy ako tinanggap. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa at hindi kailanman mawawalan.

At eto pa mga shupatemba, another reason to why we should love Mondays...

Ewan ko na lang kung hindi gumanda ang Lunes natin.☺

Sunday, October 3, 2010

Go Pinay!

Bet ko ang byuti at kutis kayumanggi ni Czarina Catherine Gatbonton para sa Miss World 2010. Kung pisikal ang pag-uusapan, perfect siya para maging kinatawan ng ating bansa. Pinay na pinay ang lahat sa kanya. Walang bahid banyaga kumbaga. 

Aaminin ko mga ateh, nung napanood ko ang Q&A portion ng Bb. Pilipinas 2010, hindi ako bilib sa sinagot niya. Hindi naman iyon tungkol sa nagtagalog siya pero dun mismo sa konteksto ng sagot niya. Subali't sino ba naman ako para humusga sa kanyang kakayahan. Malay natin, siya na pala ang mag-uuwi ng kauna-unahang korona ng Miss World para sa ating bansa.

Good Luck Czarina! ☺

Saturday, October 2, 2010

Ken Escudero

Where on Earth...

is Ken Escudero AKA Alvin Asuncion?

Sikil ang first ever gay indie film na napanood ko kung saan kasama niya sina Wil Sandejas at Ashley Silverio. Sino ba naman kasing bekbek ang hindi naantig ang puso at naka-relate sa trailer ng pelikulang ito? Isama mo pa diyan ang todo sa seksing promo pictures nila ni Wil na nagkalat sa internet.

Sumali din siya sa iba't ibang contest like Ginoong Pilipinas, Mr. International at ang pinaka-bongga... Be Bench.

But just like any other guy sa buhay ng bading, siya'y dumaan at di na nagparamdam. Sayang at ang sarap pa naman niya. Siya pa man din ang kauna-unahang indie actor na pinantasya ko.

Ang magasin, varicose veins at si Mike

February this year nang dito... dito sa magasing ito unang nagpapansin sa akin si Mike Concepcion. Pero wiz ko siya give ng attention during that time kasi seloso si Erwan Heussaff. CHAROT! Balak ko sana 'tong bilhin pero na-shock value ang byuti ko sa presyo... 195 peysos. Isang kilong baboy o 5 kilong bigas na ang katumbas ng halaga kaya huwag na lang. Hindi naman ako ang target reader ng babasahing itey.

Patuloy ang paglipas ng panahon at lumipas na rin ang fairytale namin ni Erwan. Tuluyan ko na siyang pinaubaya kay Anne Curtis. Siya si Cinderella, ako naman si Grazilda.

Aly
Nitong mga nakaraang araw, luhaan sa putikan ang puso ng aking kaibigang si Aly. Bilang isang mabuti at masarap na frend, siya'y aking dinamayan. Todong pinaglakad lang naman niya ako sa buong SM North EDSA (from main to Annex to The Block) then tumawid papuntang TriNoMa para duon dumaan at sumakay ng MRT going to Cubao. At alam niyo kung ano lang ang gusto niyang sadyain sa SM Cubao, band-aid ng Watsons! Naknampucha naman oh! I say hello to my bonggang varicose veins. Ayaw ko na siyang samahan 'pag may problema siya. Mabo-broke ang binti ko sa kanya.

Anyways, habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang Filbars at POOF! sale ang sushal na magasin sa halagang 75 pesos na tumataginting. Mega buy ako agad para naman madagdagan ang kaalaman ko sa lalaking itinatangi ng puso ko.
Nosebleed sa article mga ateh. Ang shala ng mga words na ginamit. Half-Filipino half-Spanish pala si Mike. Perfect dahil half-male at half-female naman ako. Ayon pa sa article, 18 years old lang siya. Yay! Cougar ang dating ko sa edad na veinticinco. Deadma. Uso ngayon ang Demi Moore aura. Pero sa height talaga kami bagay na bagay kasi 6'2" siya at ako naman ay 5'11". Hehehe... dun lang kami bagay.

Friday, October 1, 2010

Damaso

Eksena kung eksena ang ginawa kahapon ng famous Manila tour guide na si Carlos Celdran sa Manila Cathedral. In bonggang Jose Rizal outfit, pumunta siya sa harapan ng simbahan habang nasa kalagitnaan ng misa with matching placard na "Damaso" ang nakasulat.

Sang-ayon ako sa ginawa ni Celdran upang matauhan naman ang simbahang Katoliko sa kanilang pagkondena sa katayuan ng gobyerno tungkol sa Reproductive Health Bill. May sinasabi pa silang civil disobedience para kay PNoy. Haller! Bago nila sabihin ang mga ganyang bagay, tingnan na muna nila kung gaano naghihirap ang mga mahihirap dahil sa dami ng kanilang mga anak na hindi mapakain at mapag-aral. Siyempre, pahuhuli ba naman sa patarayan ng statement ang ever exposed na si Archbishop Cruz and I quote:
“Population is wealth and it's population in fact that keeps this country economically afloat by the OFW all over the globe.”
Applicable pa ba yan kung mahigit 92 milyong Pilipino na ang nagsisiksikan sa 7, 107 islands (feeling Charlene Gonzales)?

Hindi natin maitatangging powerful ang bawat sabihin ng simbahan tungkol sa kung ano mang isyu meron ang ating bansa. Pero bilang isang indibidwal, may sarili din naman tayong sey at paniniwala. Ako, bilang isang Katoliko ay suportado ang Reproductive Health Bill ng kongreso. Ito'y isang magandang paraan upang mapababa ang porsyento ng pagtaas ng populasyon taun-taon. Magsisilbi din itong proteksyon para sa kinabukasan ng pamilyang Pilipino.

Kasalukuyang nakakulong si Carlos Celdran dahil sa pangyayari.

Magandang Umaga

Nakakatamad gumising sa umaga lalo na't malamig ang panahon. Pero syempre mga ateh, kailangang bumangon upang pumasok sa eskwelahan o trabaho. At isang rason para sa isang umagang kay ganda... si Daniel Marsh.

He was born and raised in Ireland. Sabi niya sa kanyang Facebook account, 17 years of age pa lang ay nasa Asia na siya. Maswerte tayo mga ateh at napadpad siya sa ating bansa. Oh ano pang hinihintay niyo, magtimpla na kayo ng kape at sabay sabay tayong mag-almusal. ☺