Sang-ayon ako sa ginawa ni Celdran upang matauhan naman ang simbahang Katoliko sa kanilang pagkondena sa katayuan ng gobyerno tungkol sa Reproductive Health Bill. May sinasabi pa silang civil disobedience para kay PNoy. Haller! Bago nila sabihin ang mga ganyang bagay, tingnan na muna nila kung gaano naghihirap ang mga mahihirap dahil sa dami ng kanilang mga anak na hindi mapakain at mapag-aral. Siyempre, pahuhuli ba naman sa patarayan ng statement ang ever exposed na si Archbishop Cruz and I quote:
“Population is wealth and it's population in fact that keeps this country economically afloat by the OFW all over the globe.”Applicable pa ba yan kung mahigit 92 milyong Pilipino na ang nagsisiksikan sa 7, 107 islands (feeling Charlene Gonzales)?
Hindi natin maitatangging powerful ang bawat sabihin ng simbahan tungkol sa kung ano mang isyu meron ang ating bansa. Pero bilang isang indibidwal, may sarili din naman tayong sey at paniniwala. Ako, bilang isang Katoliko ay suportado ang Reproductive Health Bill ng kongreso. Ito'y isang magandang paraan upang mapababa ang porsyento ng pagtaas ng populasyon taun-taon. Magsisilbi din itong proteksyon para sa kinabukasan ng pamilyang Pilipino.
Kasalukuyang nakakulong si Carlos Celdran dahil sa pangyayari.
i think were the only catholic country with no divorce law, which basically means we need some updating to do, specially when it comes to family planning. People should have options and the church should stop meddling in other people's lives.
ReplyDeleteTrew ka diyan Banana Hammock. Mabagal kasi ang lehislatura dito sa ating bansa. Yung ibang batas nga, panahon pa yata ng Sampaguita pictures ipinatutupad eh. Bulok na batas, bulok na sistema.
ReplyDeletekadiri! ewwwwwww So gay
ReplyDelete