Saturday, September 8, 2012

Kagandahan

Beauty pageant season na talaga! Kung last month ay nakoronahan na agad ang bagong Miss World, ngayong buwan naman malalaman kung sino ang magiging Miss Supranational 2012. Hindi pa masyadong bongga ang pagandahan na 'to kumpara sa Miss Universe at Miss Earth. Noong 2009 lang kasi ito nagsimula pero itinuturing nang ika-lima sa grand slam pageants sa mundo. First time nating magpadala ng kandidata last year sa katauhan ni Lourenz Grace Remetillo.

This year, ang kagandahan ng veinte aƱos at Binibining Pilipinas 2012 1st runner-up Elaine Kay Moll ang napiling magwagayway ng ating bandila sa Warsaw, Poland. Ilang taon na daw inaawitan ng pageant organizers si Madame Stella Marquez-Araneta at ngayon niya lang pinagbigyan. TUCHAL!

Sa September 14 na grand coronation night at mukhang todo-lakas ang laban natin. Sa magandang tindig at taas na 5'11", mahirap na 'di mapansin ang gandang Pinay. Kaya sa ngalan ng 'sangkabaklaan, we wish you luck and may you bring home our first-ever Miss Supranational crown.

Friday, September 7, 2012

Whachuthink

Tanong lang:

Ano kaya ang sumunod na nangyari?

Kenneth Stern of Philippine Volcanoes
a. Natumba si fafah
b. Nakatakas si fafah
c. Naagaw ang bola or...
d. Nadakma ang bola

Whachuthink mga 'teh?

1... 2... 3... GO!

Thursday, September 6, 2012

Salawahan

Bentang benta ngayon ang mga istoryang may kinalaman sa escabetche, mapa-TV man o pelikula. Matagal na silang andiyan subalit todong kuminang ang kanilang bituin dahil sa Koreanovelang Temptation of a Wife at ang blockbuster hit na No Other Woman. Sa tuwina, laging makapal ang fes nila. Sila na ang nang-agaw ng asawa, sila pa ang matapang at demanding sa oras. Hindi naiba diyan ang klasikong pelikula ni Danny Zialcita, ang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.

Image from Video48

Tuesday, September 4, 2012

Sumunod

Tanong lang:

Bukod sa pagiging senador, ano pa ang pagkakapareho nila?

Senators TG Guingona, Alan Cayetano & Koko Pimentel
At bet kaya niyang sumunod sa yapak nila?

Rep. Sonny Angara
Hhhmmm...

Monday, September 3, 2012

Nakaririmarim

Alfonso Aviles
Ipagdasal natin na sana'y maka-recover agad agad sa pagkaka-coma si PMA Cadet First Class Alfonso Aviles. Graduating na sana siya pero dahil sa kagustuhan niyang mapigilan ang holdapan sa loob ng jeep ay napahamak siya't nabaril sa balikat at leeg. Naglagos ang bala sa kanyang ulo na naging sanhi ng kalagayan niya ngayon. Ang mas nakaririmarim, sapilitan pang kinuha ng holdaper ang PMA bull ring bago tumalilis. Kasalukuyang siyang ginagamot sa AFP Medical Center.

Bonita Baran, the battered househelp
Heto pa ang isang nakaririmarim na balita. Isang kasambahay ang todong minaltrato na humantong sa kanyang pagkabulag. Ang mga suspek: ang mag-asawang amo niya. Walang awang pinupok sa ulo, sinaksak, sinakal at ikinulong pa sa bahay. Ang pinakamalala, plinantsa ang kanyang fes. NAKAKALOKA! Hindi ko kinaya ang balitang ito! At ang depensa nina sir at ma'am, siya daw ang may gawa nun sa sarili niya. Kung hindi ba naman mga hayup! Sinong matinong tao ang mag-iisip na saktan ang sarili? Mabulok sana sila sa bilangguan.

Saturday, September 1, 2012

Maligno

Ang dami kong tawa dito kay VP Binay dahil diumano'y siya ang tinutukoy ni Ateng Koring na mga maiitim at maliliit na mga maligno sa radio show nito. Eto kasi ang kuda ni ateng...
“Hindi ho ba kaya, noong wala pang DILG secretary ay maraming mga maiitim at maliliit na mga maligno ang siya pong naka-ano dyan, umaabang-abang para makuha po ang pwestong yan. Pero mabuti na lamang po, ay binasbasan po ng kaliwanagan ng pag-iisip ang ating pinuno na si P-Noy at si Secretary Robredo ang kanyang napili para dyan po manungkulan."
Dahil diyan eh naghain siya ng reklamo sa ABS-CBN at KBP. Kilala naman natin si ateng bilang matalas magkomento sa kahit anong isyu tsaka wa-i naman siyang ispluk na name. Bakit, siya lang ba ang maitim at maliit? Tsaka maligno ba siya? Hindi talaga kumukupas ang kasabihang "bato-bato sa langit, tamaan 'wag magagalit".

Basahin ang kabuuang ulat dito>>

Motion

Ber months na! Malapit nang lumamig ang simoy ng hangin. Excited na 'ko sa early Christmas decors sa daan. Sisimulan ko ang buwan na 'to sa isang masarap na handa... si Mike Concepcion (na naman?!). This time eh 'di ko na kakantahan ang piktyuraka niya sapagkat tuwing Linggo ay makikita ko na siya in motion thanks ETC HQ, the newest show of ETC channel.

Weekly capsule ito (wit 'yung iniinom) na magfi-feature ng kung anong trend ngayon. Wish ko lang maka-relate ang tulad ko ipapakita nila. May pagka-shaley yata 'yan pero sige, uunawain kong pilit alang-alang sa aking damdaming nauukol at bumubukol sa kanya. Naks! Ang nagagawa nga naman ng fag-ivig

Kasama niya din dito sina Patti Grandidge at Julia Sniegowski. Bongga naman ng apelyido nila. Patatalo ba naman watashi? Dapat ako rin (inggiterrra!). Samahan niyo 'kong mag-brain storming ng ipantatapat sa kanila. Maganda ba ang Bb. Melanie Vuratolo? Eh Bb. Melanie Otenski? Ay! Parang mas maganda ang Bb. Melanie Luboton. OHA! Tunog mamahalin! Pwedeng basagin. CHARUUZ PEMPENGCO! 


Catch ETC HQ starting September 16, Sunday, 8:45 PM only on ETC.