Tuesday, December 7, 2010

Faria Burning

Happy naman akekels sa winner ng Miss Earth 2010. Walang iba kundi ang isa sa dalawang bet ko, si Nicole Faria ng India. Swak na swak ang apelyido niya during the finals. She's "Faria" burning on the pageant night.

KONGRACHULEYSHONS!!!

She really looks like a Barbie doll ☺

Monday, December 6, 2010

Makopa

Napanood niyo na ba ang Bikini TV: Hot Hunks 2010? Nakaboto na ba kayo sa Hot Men in the Philippines kung sino ang bet niyong otoko para manalo sa kakaibang patimpalak na itechiwara? Ako, meron na at si David Lee AKA Dandy Yap ang naka-getching ng boto ko.

Take Me Out
Cosmo Bachelor Bash 2010
Unang kita ko pa lang sa kanya sa Cosmopolitan Bachelor Bash 2009, parang napunit ang panti ko sa todong pagka-skimpy ng suot niya. Sobrang bakatchina ang makopa. Parang inaakit magpalapyur sa ngangabash ko. Naulit ang pagrampage niya sa Cosmo Bash 2010 and this time, hindi lang nawarak ang karsunsilyo ko, sumuka pa ang kipay ko. CHOS!

Huwag mo nga akong tinitingnan ng ganyan... AYYEEE!!!
Many times ko na rin siyang nakita sa mga shalang pictorial at fashion show pati na rin sa mga pa-sweet na magazines. Buti na lang talaga at kasama siya sa proyektong ito ng Climax Films at pwede ko na siyang i-take home virtually (virtually talaga ang term!!!).

Buy Bikini TV: Hot Hunks 2010 available in DVD and VCD format at your favorite video and record stores. At once na ma-sight niyo na ang sampung kalalakihan, iboto niyo ang bet niyong manalo dito.

*Photos courtesy of Facebook, Paul Cortes and Dan Santos Photography.

Saturday, December 4, 2010

Babu

2011 ko'y magsisimula

Nang malinis at masaya.

Sa panandalian nating pagsasama

Buhay ko'y naiba.

Ngunit panahon na

Upang ako'y lumaya.

Paalam na...

Panahon na para kayo'y idispatsa.

Ano kayang sey ng mga basurerong nakakita sa kanila? :D

Friday, December 3, 2010

Darren Criss

Parang lab ko na si Darren Criss. Parang pa lang ah. Di ko pa kasi sure. CHOS! Ang galing kasi niyang kumanta sa Glee. Nakakahalinang makinig sa kanya with his medyo OA na facial expression. Ganun yata sa series na 'yun, pa OA-yan sa pagkanta at pag nga-nga.

Beking member ng glee club ang role niya. Swerti ni ateng Kurt at may mga sweet moments sila sa series like HHWR (holding hands while running). 'Di ko lang sure kung meron pang iba dahil witchelsea smith akong nanonood ng series na yan. Ang mabuti pa, i-celebrate na lang natin ang kasarapan niya. I personally like his eyes. Parang hinuhubaran aketch!


Oo nga pala, Half Pinoy siya. Another reason to celebrate!


At ang bonggang balita from PEP.ph... darating siya sa dito sa Pinas para magperform sa Greenbelt on December 21 at sa TriNoma on December 22. Naku 'day! Todong susugurin ang mga malls na yan dahil sikat na sikat pa naman ang Glee ngayon. Makapanood nga!

Thursday, December 2, 2010

Violence against children

From Facebook:

Change your Facebook profile picture to a cartoon from your childhood and invite your friends to do the same. Until Monday, December 6, there should be no human faces on Facebook, but an invasion of memories. This is for violence against children.
C'mon, let's open our FB account and change that profile pic. Choose the image of your favorite cartoon character when you were young. Hanggang Lunes lang naman kaya maki-join na tayo.

Wednesday, December 1, 2010

Sa masayang saglit, mahabang buhay ang kapalit

Unang araw ng Disyembre...

Tweyni Four days na lang, Pasko na...

at...

World AIDS Day ngayon.

Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng pasyenteng may HIV (Human Immunodeficiency Virus) na nagdudulot ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome). Hayaan niyong hiramin ko ang mga datos sa balitang isinulat ni Jocelyn Uy mula sa pahayagang Libre dated December 1, 2010:
Mula nang unang natuklasan ang HIV sa bansa noong 1984, may naitala nang 5,729 impeksyon sa mga Pilipino. Mula Enero hanggang Oktubre ng 2010, nakapagtala ang DOH ng 1,305 bagong insidente ng HIV-AIDS sa bansa. Mabilis itong tumaas mula sa 835 kaso noong isang taon.
Hindi ba't nakakaloka na ang mga figures na 'yan. Todo sa dami na ang mga reported cases. Paano pa kaya yung mga hindi pa lantad at hindi alam na may HIV sila?

Sa totoong lang mga 'teh, ibang iba na kasi ang panahon ngayon kumpara 10 to 20 years ago. Kung dati bago magsiping, kailangan munang kasal kayo. TG muna sa tawag ng laman. Aba ngayon, kapag nangati ang mag-jowa, kahit saan pwede na.

Kaliwa't kanan na rin ang mga babasahing may sekswal na tema na nagpapataas ng kuryosidad natin tungkol sa seks. Isang pindot na lang sa Internet ang pornograpiya. Easy access na rin ngayon ang mga pokpok dahil online na ang karamihan sa kanila. Idagdag pa natin diyan ang chat at walang kamatayang SEB kung saan-saan. Iilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit ang iba sa atin ay ubod ng libog. Tama ba watashi?

Eto, common sa lahi natin. Sino ba naman ang aayaw sa lalaking type mo at inaya ka para sa panandaliang aliw? Siyempre, bakla lang tayo. Marupok. Ipagdadamot ba naman natin ang ligayang kaya naman nating iparanas sa kanya. Basta nilukuban ng kaluluwang malibog, go agad kay aling Victoria. Nakalimot tayo sa ating sarili.

Hindi naman sa pagmamaganda't pagmamalinis, siyempre nasubukan ko na ang ilan diyan. Pero laging nasa isip ko ang mga konsekwensiyang kahaharapin ko if ever na hindi ako mag-iingat. Ngayong laganap na ang mga sakit na nakukuha sa pakikipag-seks, dapat lang na proteksyonan ko ang sarili ko. Gusto ko pa yatang mabuhay ng matagal at malusog noh! Kaya naman lagi akong may bitbit na "tiwala" sa aking bonggang kikay kit. Sa murang halaga, protektado ka! Oh parang commercial di vaaahhh?!?

Isa sa pinaka-epektibong paraan para hindi mahawa... huwag pairalin ang kalibugan. Mag-jackie lou blanco na lang. At kung may karelasyon naman, wag nang titikim ng iba. Hindi naman putahe ang mga ari natin. Walang makakatalo sa pagmamahalang may kalakip na katapatan.

Be safe and enjoy life mga shupatemba.

Tuesday, November 30, 2010

Fink Bikini

Apat na araw na lang at Miss Earth na. Excited na watashi kung sino ang ika-sampung magsusuot ng korona at mangunguna sa pangangalaga ng kalikasan. Infairness, kahit 10th edition pa lang ng beaucon na itech, todong tinalbugan na nito ang Miss International as the world's 3rd largest beauty pageant. Kung ako ang tatanungin, mas maganda pa nga ito sa Miss World when it comes to production and pageant system.

Eto ang dalawang bet ko...

Mariangela Bonanni
Nicole Faria

Kumusta ka naman Miss Philippines? Kumakain ka ba?

Psyche Resus

Sino kaya ang bonggang mananalo?

Abangan natin sa gabi ng December 4 at sa ABS-CBN ipapalabas.