Wednesday, December 1, 2010

Sa masayang saglit, mahabang buhay ang kapalit

Unang araw ng Disyembre...

Tweyni Four days na lang, Pasko na...

at...

World AIDS Day ngayon.

Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng pasyenteng may HIV (Human Immunodeficiency Virus) na nagdudulot ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome). Hayaan niyong hiramin ko ang mga datos sa balitang isinulat ni Jocelyn Uy mula sa pahayagang Libre dated December 1, 2010:
Mula nang unang natuklasan ang HIV sa bansa noong 1984, may naitala nang 5,729 impeksyon sa mga Pilipino. Mula Enero hanggang Oktubre ng 2010, nakapagtala ang DOH ng 1,305 bagong insidente ng HIV-AIDS sa bansa. Mabilis itong tumaas mula sa 835 kaso noong isang taon.
Hindi ba't nakakaloka na ang mga figures na 'yan. Todo sa dami na ang mga reported cases. Paano pa kaya yung mga hindi pa lantad at hindi alam na may HIV sila?

Sa totoong lang mga 'teh, ibang iba na kasi ang panahon ngayon kumpara 10 to 20 years ago. Kung dati bago magsiping, kailangan munang kasal kayo. TG muna sa tawag ng laman. Aba ngayon, kapag nangati ang mag-jowa, kahit saan pwede na.

Kaliwa't kanan na rin ang mga babasahing may sekswal na tema na nagpapataas ng kuryosidad natin tungkol sa seks. Isang pindot na lang sa Internet ang pornograpiya. Easy access na rin ngayon ang mga pokpok dahil online na ang karamihan sa kanila. Idagdag pa natin diyan ang chat at walang kamatayang SEB kung saan-saan. Iilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit ang iba sa atin ay ubod ng libog. Tama ba watashi?

Eto, common sa lahi natin. Sino ba naman ang aayaw sa lalaking type mo at inaya ka para sa panandaliang aliw? Siyempre, bakla lang tayo. Marupok. Ipagdadamot ba naman natin ang ligayang kaya naman nating iparanas sa kanya. Basta nilukuban ng kaluluwang malibog, go agad kay aling Victoria. Nakalimot tayo sa ating sarili.

Hindi naman sa pagmamaganda't pagmamalinis, siyempre nasubukan ko na ang ilan diyan. Pero laging nasa isip ko ang mga konsekwensiyang kahaharapin ko if ever na hindi ako mag-iingat. Ngayong laganap na ang mga sakit na nakukuha sa pakikipag-seks, dapat lang na proteksyonan ko ang sarili ko. Gusto ko pa yatang mabuhay ng matagal at malusog noh! Kaya naman lagi akong may bitbit na "tiwala" sa aking bonggang kikay kit. Sa murang halaga, protektado ka! Oh parang commercial di vaaahhh?!?

Isa sa pinaka-epektibong paraan para hindi mahawa... huwag pairalin ang kalibugan. Mag-jackie lou blanco na lang. At kung may karelasyon naman, wag nang titikim ng iba. Hindi naman putahe ang mga ari natin. Walang makakatalo sa pagmamahalang may kalakip na katapatan.

Be safe and enjoy life mga shupatemba.

5 comments:

  1. "At kung may karelasyon naman, wag nang titikim ng iba. Hindi naman putahe ang mga ari natin. Walang makakatalo sa pagmamahalang may kalakip na katapatan." BRAVO! -jayaureus

    ReplyDelete
  2. Masarap makipag seks sa mahal mo!
    Remember wag kailmutan magdala o gumamit ng "condominum" kung gagawa ng isang matinding aksyon!

    ReplyDelete
  3. tama ka dyan teh! cheers!

    ReplyDelete
  4. ive been reading your blog and you don't fail to impress me with your insights, to think na nabuksan ko lang to because of richard pangilinan, but ever since then, ni-bookmark na kita sa browser ko and i try to check your blog every now and then. silent fan ako, keep it up!

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat mga ateh :)

    Masarap sa pakiramdam na naa-appreciate niyo ang gawa ko.

    ReplyDelete