Thursday, September 1, 2011

Ang Pasko, mga OFW at 100 Days to Heaven

Opisyal na ang pagsisimula ng BER months at karamihan sa atin ay excited na dahil isa lang ang ibig sabihin nito... malapit na ang Pasko. YEHEY! Excited na akong makakita ng mga parol sa daan at magsabit nito sa aming balur. Siguradong bonggacious din ang mga dekorasyon na ide-display sa loob ng malls. Kabi-kabila din ang mga palabas na tungkol sa Pasko ang tema na mae-enjoy ng mga bata.

Ngunit bago yan, sana ay makauwi na ang ating mga kababayang OFW na patuloy na naiipit sa bakbakan sa Syria at Libya. Todong sakripisyo na ang mawalay sa pamilya kaya't dobleng paghihirap ang nararanasan nila ngayon pa't magulo sa kanilang kinaroroonan. Ang iba sa kanila'y hindi pinapayagan ng kanilang mga amo na maka-uwi. Ipagdasal natin ang kanilang kaligtasan.

Simula ng mawala sa ere ang Mara Clara ay hindi na ako masyadong nanonood ng telebisyon sa gabi. Pero nanumbalik ang sigla ko nang mapanood ko si Melai sa 100 Days to Heaven. Nakakakilig kasi kapartner niya, ang muy deliciosong si Franco Daza. Feel na feel ko ang istorya kapag ang isang babaeng mahirap eh nainlab sa isang gwapong mayaman tapos maiinlab din sa kanya ito. Eeeehhhh!!!

Wednesday, August 31, 2011

Bundat

Grand Winner: Jayson Parker
1st runner-up: Revo Eslava (sarap!)
2nd runner-up: Ronnie Toribio (mahal ko na siya)
3rd runner-up: Rommel Torres
4th runner-up: Aron Gueco

Unstoppable ang byuti ko kahit binabayo ng bagyong Mina ang Kamaynilaan noong Sabado para lang masaksihan ang first-ever SHOBI 2011 na ginanap sa Tayuman. Kahit na may kalayuan sa aking kaharian, dinayo ko talaga ang event at hindi naman ako nagsisi. Pagpasok pa lang sa venue eh sumambulat na sa pagmumukha ko ang mga nagsasarapang ohms na nakakalat sa paligid. 

Isa-isang nagpakilala ang mga kalahok suot ang kanilang bonggang national costume na sinundan naman ng sports, lingerie, swin at jeans wear. Bundat na bundat ang aking virginal eyes sa kaseksihan ng mga contestants. ANG SASARAP!

Isang malaking KONGRACHULEYSHONS sa mga nagwagi!

Tuesday, August 30, 2011

Talsik

Kadalasan, sa palikuran ng mga mujer nagre-retouch ng muk-ap at jumijihi jacinto ang mga shupatemba nating cross-dresser. Samantalang ang mga shiboli, madalang o hindi talaga ginagamit ang CR ng otoko para sa personal na pangangailangan. Bakit kaya?

          A. Shyness silang makasightsina ng manoy.
          B. Witit nila bet ang amoy sa loob.
          C. Shokot silang maupuan ang mga talsik sa toilet bowl.
          D. Ano bang paki ko?

'Di tulad

Sa pagbabalik ng Superstar sa bansa, pinatunayan niyang makinang pa rin ang kanyang bituin. Dagsa ang solid Noranians sa airport upang siya'y salubungin noong madaling araw ng August 2. Kahit pagod mula sa mahabang biyahe, malugod niyang niyakap at kinausap ang mga ito. Dito ko nakita kung paano siya umappreciate sa kanyang fans. Siya lang yata ang nakita kong artista na ganoon ka-warm sa taga-hanga. 

Since fresh siya from the US of A, isisingit ko ang isa sa pinakamahalagang pelikula niya noong 80's, ang 'Merika.

Ito ang ikalawang pelikula na aking napanood na gumanap siya bilang nurse (una sa Minsa'y May Isang Gamu-Gamo). Kahit na matagumpay sa kanyang larangan at kumikita sa dalawang trabaho, ramdam mo na may kulang at kalungkutang nararamdaman si Milagros Cruz (Nora Aunor). Madalas siyang makipag-ugnayan sa kaibigan na piniling manatili sa Pilipinas kesa ang kumayod sa Amerika. 

Tulad ng kahit sinong OFW, prioridad niya ang kanyang pamilya.

Sa isang party niya nakilala si Mon (Bembol Roco) at sila'y nagkagustuhan. Ngunit sa bandang huli ay nalaman niyang hindi siya talaga ang mahal nito.

Makailang beses pinag-isipan ni Mila ang umuwi ng Pilipinas ngunit dahil sa kalagayan ng ekonomiya at mababang pasahod, laging nagbabago ang kanyang isip. Sa huli, mas pinili niya ang tunay na makapagpapaligaya sa kanya.... ang umuwi sa lupang sinilangan.

Hindi ako sanay na nakikitang palaban at matapang ang karakter ni Ate Guy. Madalas kasing api-apihan ang byuti niya. Kaya naman lubos ang aking paghanga sa kanyang atake sa pelikulang ito. Tipong hindi mo maaalala ang bakas ng kanyang performance sa nagdaang pelikula. May iba kasing artista na pare-pareho ang akting. Walang karakter kumbaga.

Ngunit 'di tulad ni Mila, nais ni Ate Guy na bumalik sa Amerika pagkatapos ang kanyang trabaho dito. Tiyak na maraming fans ang malulungkot pero hangga't nandito pa siya, let's just celebrate and support her.

Saturday, August 27, 2011

Saglit

Where on Earth:


is Chris Cayzer?

Una niyang pinatibok ang aking puso sa Bituing Walang Ningning. Regalo ko sa aking sarili ang unang niyang plaka mula sa Star Records. Matapos ng panandaliang saglit, siya'y tumalon sa Kapuso Network. Naging regular sa SOP na naging Party Pilipinas. Nagkaroon  ng panibagong album under Warner Music at muli, ito'y aking tinangkilik. Nang bigyan siya ng pagkakataon ng TV 5 para maging artista nila, BFGF at PO5 kaagad ang kanyang mga programa. 

Ngunit lahat ng ito'y naging panandalian lamang hanggang sa siya rin ay nawala na 'di ko namalayan.

Chris, aking Chris... nasaan ka nga ba?

Pinakuluang tubig

Noong isang araw eh nag-trend sa Twitter ang pangalang James Soriano. Hindi ko naman masyadong pinansin kasi witchells ko naman siyang knowsline. Habang nagba-browse ako kanina ng isang forum, nakita ko ang thread na pinamagatang "Filipino is not the language of the learned". Shockira ang byuti ko sa aking nabasa. Siya pala ang may-akda ng kontrobersyal na artikulo na lumabas sa Manila Bulletin (click here to read his article).

Malinaw pa sa pinakuluang tubig na sa kanyang isinulat eh hinamak niya ang ating pambansang wika. Dinamay pati mga nananahimik na tindera at katulong. At preskong-presko pa sa pagsasabing nagdadasal siya kay God in English. HUWAW! 'Di ko kinaya 'to! Ibang level talaga!

Oo naman at mahalaga talaga ang Ingles sa ating bansa. Mas pinapadali nito ang pakikipag-ugnayan lalo na sa mga dayuhan. Pero ang ikumpara mo ang wikang Filipino sa paghugas ng pinggan eh sobra naman yata.

Hindi ako nakapag-aral sa mamahaling paaralan at hindi ko (siguro) siya ka-level sa social class na kanyang kinabibilangan ngunit may mali talaga ang kanyang isinulat. May punto pero pangit at ubod ng yabang ang pagkakalahad. Sabihin na nating ginamit niya ang kanyang Freedom of Expression tulad ni Mang Mideo ngunit muli kong sasabihin na lahat ng bagay sa mundo ay may limitasyon.

Friday, August 26, 2011

Himaymay

August/September 2011 issue
Todong kinikilig ang bawat himaymay ng aking kalamnan habang sinusulat ko 'to. Ang fogi-fogi kashe ni Mike Concepcion eh (sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga). Isa siya sa Best Dressed Men ng Garage Magazine para sa taong ito. Tek a luk...

Khoya, ang kyot mo nameeen
Nahuli kitang nakatingin sha akhen
Kinakausap yata ako ng adam's apple mo
Oh de vaaahhh!? Ang wafu niya manamit. Talagang bagay na bagay kami! Siya talaga ang prinsipe na matagal ko ng hinihintay. Wala naman sigurong aalma sa inyo mga 'teh. At kung meron man, bahala na siya sa inyo...

CHAR!