Pinakuluang tubig
Noong isang araw eh nag-trend sa Twitter ang pangalang James Soriano. Hindi ko naman masyadong pinansin kasi witchells ko naman siyang knowsline. Habang nagba-browse ako kanina ng isang forum, nakita ko ang thread na pinamagatang "Filipino is not the language of the learned". Shockira ang byuti ko sa aking nabasa. Siya pala ang may-akda ng kontrobersyal na artikulo na lumabas sa Manila Bulletin (click here to read his article).
Malinaw pa sa pinakuluang tubig na sa kanyang isinulat eh hinamak niya ang ating pambansang wika. Dinamay pati mga nananahimik na tindera at katulong. At preskong-presko pa sa pagsasabing nagdadasal siya kay God in English. HUWAW! 'Di ko kinaya 'to! Ibang level talaga!
Oo naman at mahalaga talaga ang Ingles sa ating bansa. Mas pinapadali nito ang pakikipag-ugnayan lalo na sa mga dayuhan. Pero ang ikumpara mo ang wikang Filipino sa paghugas ng pinggan eh sobra naman yata.
Hindi ako nakapag-aral sa mamahaling paaralan at hindi ko (siguro) siya ka-level sa social class na kanyang kinabibilangan ngunit may mali talaga ang kanyang isinulat. May punto pero pangit at ubod ng yabang ang pagkakalahad. Sabihin na nating ginamit niya ang kanyang Freedom of Expression tulad ni Mang Mideo ngunit muli kong sasabihin na lahat ng bagay sa mundo ay may limitasyon.
Grabe!!!!!! Walang kapantay sa kayabangan ang artikulo na yun. Taga-saan ba sya at mapuntahan para maranasan nya ang suntok ko.
ReplyDeleteHe has some good points. "Pilipino" is spoken mainly in the Tagalog speaking regions. Most regions (Visayas and Mindanao) in the country speak mainly their own Visayan dialects and English. For these regions, "Pilipino" is just a course in school. Local dialects and English are used daily, inside and outside of school. "Pilipino" is used only occasionally. They are not being unpatriotic; it is just that Tagalog is not their native tongue.
ReplyDeletekawawa naman sya teh, di man malansang isda eh sya mismo binaba nya sa burak ang pagkatao nya, haysss....
ReplyDeleteBasahain ang rebuttal sa article ni Soriano ng isang babaeng becky.
ReplyDeleteDear James Soriano: Bekimon is the True Language of Learning
http://www.facebook.com/notes/kat-nisperos/dear-james-soriano-bekimon-is-the-true-language-of-learning/10150301001687431
(copy and paste link on your browser if link doesn't work)
first paragraph of her essay:
"Bekimon ang kuda ng mga brainybells. Knowsline ko na ites even before nyumorsok si watashi sa school. Nung litol gurl pa lang akechiwa, acting teacheraka si mudak with flash cards effect malearning ko lang ang jolfabet in Bekimon. More ng in Bekimon ang mga storybookells at coloringbookells kes, pati cartoonella and songlalus more in Bekimon din! Pati ang piyok sa ballure, Bekimon pa din! Pumaylor pa si madu ng tutorlina para may I train si watashi to kyorsa and kyeme in Bekimon."
i don't think na may halong kayabanagan ang pagkakasulat ni soriano ng article niya. i think , basahin muna natin ang laman ng buong artikulo bago mag react. the article is not about putting down the Filipino Language. pinaghambing lang nito ang antas ng narating ng English Language kumpara sa wikang Filipino na masyadong exagerrated.
ReplyDeleteNa-realized naman niya na ang Filipino Language has its own system, sounds and symbols and it has potential ofor becoming the language of the learned kumpara mo sa English Language.
Dont blame Soriano for his article, blame the government for not giving our own language the full support for its potential of becoming the language of the learned.
Basahin ang artikulo ng walang halong emosyon. ang hirap kasi sa ating mga pinoy masyadong emosyonal sa mga nababasa natin. masyado tayong literal.
ReplyDeleteAnonymous (2:39PM) anong klase din ang utak mo lahat na lang kasalanan ng gobyerno, hindi naman hawak ng gobyerno utak ng mga tao... at sa pagkakasulat ng author pinamumukha niya na mag second class citizen lang ang mga katulong, tindera at drivers kasi englisero nga siya at feeling niya ka-level niya ang mga Diwata, sana mauntog pareho ulo niyo at mabasag ng mag kaalaman anong klase utak meron kayo....
ReplyDelete