Magaling... magaling... magaling
(Claudia Buenavista tone) si
Erich Gonzales sa
Corazon, Ang Unang Aswang. Masarap... masarap... masarap
(Bb. Melanie kahayukan) panoorin sa malaking screen si
Derek Ramsay.
Kadalasang gumagamit ng computer generated special effects ang mga Pinoy horror movies nitong mga nakalipas na taon kaya minsan, hindi na nakakatakot panoorin. Nakakatawa na. Halimbawa diyan ang mga huling edisyon ng
Shake, Rattle and Roll. Gone were the days of
Lore Reyes and
Peque Gallaga na dinadaan sa bonggang prosthetics ang pananakot. Sa Corazon, parang ibinalik nila ang era na 'yan.
Ang setting ay sa isang baryo noong 1946. Hindi magkaanak sina Corazon (Gonzales) at Daniel (Ramsay). Lumapit sila sa isang albularyo (Maria Isabel Lopez) at tinuruan nito si Corazon ng debosyon kay
San Gerardo. Nagbunga naman ang pananampalataya niya ngunit patay ang bata nang ito'y kanyang ipinanganak. Dito na nagsimula ang kanyang depresyon at pagiging aswang.
Simple lang ang takbo ng istorya at hindi magarbo ang cast. Naipaliwanag ng maigi sa manonood ang kwento ng buhay ni Corazon at kung paano siya naging 'aswang'. May mga ilang bagay at eksena lang na hindi convincing tulad ng santo ni San Gerardo na kanilang ginamit. Halatang gawa sa styrofor at karton. Nagmukha tuloy laruan ang isang mahalagang elemento ng pelikula.
Nakornihan ako sa ending pero anong magagawa ko, hindi naman ako ang writer at producer. Actually, mas maganda sana kung napatay sina Erich at Derek sa ending para mas dramatic.
Buti na lang at napunan ng galing ni Erich ang kakulangan ng pelikula. Maganda ang hagod niya sa kanyang karakter. One thing I like about her eh hindi siya OA. Hindi pilit ang facial expression sa madadrama at nakakatakot na eksena.
Swak na swak sa karakter nila sina
Epi Quizon,
Mon "Ynez Veneracion" Confiado at
Mark Gil.
Ang pinaka-perfect sa lahat, ang cinematography at kulay ng video na ginamit. Creepy din ang sound effects kaya naman kapag mambibiktima na si Corazon, todo tilian ang mga utaw sa loob ng sinehan.
Worth watching ang pelikulang ito kaya 'wag palalagpasin habang palabas pa.
Anonymous Mar 13, 2012 12:29 PM