Image from vopordna.multiply.com |
Matapos magsakay ni mamang driver ng mga pasahero sa Makati, umakyat na sa tulay papuntang EDSA ang bus namin. Biglang nagkaroon ng kumosyon sa bandang harapan ng bus. Nakita kong lumipat ng upuan ang isang pasahero. Naka-formal attire na blue long sleeves. May sumunod at tumabi sa kanya. Pababa na ang bus sa tulay nang may tumayo, isang pasaherong lalaki. Malaking tao. Tumingin sa kanya sabay sapak sa ulo.
"Gago ka kasi" sabi ng nanapak.
Nakuha nila ang atensyon ng mga pasahero sa bus. Lahat nagtinginan sa harapan.
"Tulungan niyo 'ko"
"Cellphone ko"
Walang kumibo. Walang gumalaw. Walang tumulong.
Tumingin lang ang kundoktor.
Gulat ang lahat.
Huminto sa Buendia MRT station ang bus at bumaba ang tatlong magkakasabwat. Nag-last look pa ang nanapak sa kanyang sinapak. Nakita tuloy namin ang fes niya.
Nanlumo ang biktima.
Sabi ng babaeng katabi ko, nakita daw niya na hinawakan na ng magnanakaw ang bag na dala ng biktima. Dahil doon, lumipat na ito ng upuan. Hindi nito inakala na susundan siya at sasapakin ng kasama nito. Pinilit pang kunin ang cellphone nito.
Palagi na lang may nangyayaring krimen diyan sa Buendia. Madilim kasi sa bahaging 'yan ng EDSA. Kung sana ay may police visibility sa lugar na 'yan, hindi maglalakas loob ang mga kawatan na gawin ang kanilang maitim na balak.
Kaya sa mga tulad ko na inaabot ng dis-oras ng gabi sa daan, doble ingat tayo. Magmatyag at maging alerto.
tsk, kawawa naman si kuya, nanakawan na, nasapak pa. ingat lagi sa byahe bb. melanie!
ReplyDeletesiguro naman Ms. Melanie sa loob-loob mo gusto mo siya matulungan pero dahil sa takot di mo magawa, pwede mo pa rin siya matulungan pagiging witness o pagre-report man lang, kasi kung walang magsusumbong mas lalong lalala ang mga eksena jan, dapat meron civil courage tayo, kung di man sa actual na pangyayari kahit papaano meron tayong gagawin... kawawa naman talaga ang koyah natin, isipin na lang natin paano kung sa iyo nagyari yon, di ba, ? kung di irereport dadami ang mga krimen.
ReplyDelete