Friday, March 30, 2012

Makinang

Sa kalagitnaan na ng Abril gaganapin ang Bb. Pilipinas 2012. Tatlumpung mujer ang mag-aagawan sa tatlong korona: Binibining Pilipinas-Universe, Binibining Pilipinas-International at Binibining Pilipinas-Tourism. Pinakamakinang diyan ang korona ng kandidatang mapipili para sa Miss Universe 2012.

Tapos na ang Press Presentation, Fashion Show, Parade of Beauties, Talent at National Costume competition. Hindi ako maka-tiyempo na makita sila ng personal dahil sa oras ko sa trabaho. Babase na lang ako ng mga betchikels ko sa mga larawan courtesy of Missosology.info. Eto ang lima sa aking napupusuan...

Giselle Muñoz
Golda Soller
Jaine Hidalgo
Janine Tugonon
Mary Jean Lastimosa
Magkakaroon ng primer ang Bb. Pilipinas 2012 sa April 8, Sunday sa Kapamilya Network. Watch natin 'yan to see the candidates in action para magkaalamanan kung sino ang pwedeng in or out sa final night.

Wednesday, March 28, 2012

Joyous

Mga 'teh, napanood niyo na ba ang bagong Close-Up commercial? 'Yung kumanta si Ian Batherson on stage para 'dun sa girlet na maganda lang naman ng konti sa 'tin. Let me repeat in bold capital letters: KONTI.

Nanginig yata ang tuhod at fake-fake ko sa ngiti niya. Idagdag pa ang nagmumurang maskels niya sa dibdib na parang masarap dantayan at higaan. Infernezzz, may ibubuga ang boses niya.

Naalala ko tuloy ang Starstruck days nila nina Rocco Nacino at Steven Silva. Isa siya sa mga bet ko bilang todong masarap siyang panoorin. Medyo nahihirapan magshugalog pero ume-effort naman. Hindi ko napanood ang season ng Survivor Philippines na kasama siya pero wit ako believe sa isyu nila ni Ahron Villena. WIT! Sa akin lang siya. AKIN!

Nagkaroon din siya ng underwear ad courtesy of Sunjoy. Maraming salamat sa kumpanyang 'yan at naging extra sunny at joyous ang buhay natin.

Sana naman ay mas madalas na natin siyang mapanood sa TV. More of him means more fun de vaaahhh?!

Sunday, March 25, 2012

Dampi

Hindi yata mabubuo ang linggo ko nang hindi nakakapanood ng kahit isang gay indie film. Buti na lang at 'sang tambak pa ang supply ko ng DVD courtesy of Ateh Paul.

Sa dinami-dami ng pagpipilian ko, Dampi ang nakakuha ng atensyon ko. Nasa bonggang cover kasi si Carlos Morales. I'm sure marami pa kayo na todong pumapantasya sa kanya. Masarap pa rin naman kasi siya kahit medyo nagka-edad na. Medyo lang ah!

"Hindi mo ako kayang iwan. Ako ang totoong santong niluluhuran mo!" ---Robert

Tungkol ito sa dalawang bading at sa 'himala' na kanilang naranasan. Si Sandy (Kirby de Jesus) ay ginamit ang himala para magkapera sila ng jowa niyang si Robert (Carlos Morales). Inakala naman ni Terio (Alec Romano) na 'himala' ang kanyang napapanaginipan, 'yun pala eh imahe ng nanay niya.

Gasgas na kung tutuusin ang istorya. Kung napanood niyo na siguro ito, hindi niyo maaaring hindi maisip ang Himala ni Ate Guy o 'di kaya ang Huling Birhen Sa Lupa ni Ara Mina, baklang version nga lang. Para ngang halaw pa ang ilang eksena sa pagpapakita diumano ni Mama Mary kay Judiel Nieva noong early 90's eh. Buti na lang at mahigit isang oras lang ang pelikula, hindi masyadong mabigat sa mata.

Friday, March 23, 2012

Sapak

Image from vopordna.multiply.com
Kasabay ko parati si Alice kapag pauwi since pareho kami ng schedule sa trabaho, 3PM to 12MN. Pasado alas-dose na kami nakalabas ng opisina kaninang madaling araw dahil may ginawa pa kami. Mga aircon bus at jeepney na lang ang pumapasada sa kahabaan ng Ayala Avenue. Sumakay na kami agad ng unang aircon bus na dumating. Shaw Boulevard ang destinasyon namin. Sa gitna kami sumakay, sa tatluhang upuan.

Matapos magsakay ni mamang driver ng mga pasahero sa Makati, umakyat na sa tulay papuntang EDSA ang bus namin. Biglang nagkaroon ng kumosyon sa bandang harapan ng bus. Nakita kong lumipat ng upuan ang isang pasahero. Naka-formal attire na blue long sleeves. May sumunod at tumabi sa kanya. Pababa na ang bus sa tulay nang may tumayo, isang pasaherong lalaki. Malaking tao. Tumingin sa kanya sabay sapak sa ulo.

"Gago ka kasi" sabi ng nanapak.

Nakuha nila ang atensyon ng mga pasahero sa bus. Lahat nagtinginan sa harapan.

"Tulungan niyo 'ko"

"Cellphone ko"

Walang kumibo. Walang gumalaw. Walang tumulong.

Tumingin lang ang kundoktor.

Gulat ang lahat.

Huminto sa Buendia MRT station ang bus at bumaba ang tatlong magkakasabwat. Nag-last look pa ang nanapak sa kanyang sinapak. Nakita tuloy namin ang fes niya.

Nanlumo ang biktima.

Sabi ng babaeng katabi ko, nakita daw niya na hinawakan na ng magnanakaw ang bag na dala ng biktima. Dahil doon, lumipat na ito ng upuan. Hindi nito inakala na susundan siya at sasapakin ng kasama nito. Pinilit pang kunin ang cellphone nito.

Palagi na lang may nangyayaring krimen diyan sa Buendia. Madilim kasi sa bahaging 'yan ng EDSA. Kung sana ay may police visibility sa lugar na 'yan, hindi maglalakas loob ang mga kawatan na gawin ang kanilang maitim na balak.

Kaya sa mga tulad ko na inaabot ng dis-oras ng gabi sa daan, doble ingat tayo. Magmatyag at maging alerto.

Starring

Matapos magpahinga sa limelight, nagre-return of the comeback ang 2010 Mr. Globe Philippines at Sanctuaryo star na si Gino Quintana. Gamit niya ngayon ang screen name na Junjun Quintana. Parang mas bet ko 'yung dati. At 'wag ka, starring role na siya this time sa isang ispesyal lenten presentation na ipapalabas sa Kapuso Network.

Read the related article here.

Binasa niyo ba mga 'teh? Wholesome na ang kanyang image de vaaahhh?! Sadness naman akiz bilang isa siya sa kauna-unahang pinantasya ko dito sa aking vlagelya. Mukhang hindi na natin masisilayan ang kanyang kaseksihan.

Paano na ako? Paano na tayo? WAAAHHHH!!! Well, kung saan siya masaya, suportahan na lang natin siya kahit na ang kapalit ay ating kalungkutan. CHOS!

Thursday, March 22, 2012

Hagod

Magaling... magaling... magaling (Claudia Buenavista tone) si Erich Gonzales sa Corazon, Ang Unang Aswang. Masarap... masarap... masarap (Bb. Melanie kahayukan) panoorin sa malaking screen si Derek Ramsay.

Kadalasang gumagamit ng computer generated special effects ang mga Pinoy horror movies nitong mga nakalipas na taon kaya minsan, hindi na nakakatakot panoorin. Nakakatawa na. Halimbawa diyan ang mga huling edisyon ng Shake, Rattle and Roll. Gone were the days of Lore Reyes and Peque Gallaga na dinadaan sa bonggang prosthetics ang pananakot. Sa Corazon, parang ibinalik nila ang era na 'yan.

Ang setting ay sa isang baryo noong 1946. Hindi magkaanak sina Corazon (Gonzales) at Daniel (Ramsay). Lumapit sila sa isang albularyo (Maria Isabel Lopez) at tinuruan nito si Corazon ng debosyon kay San Gerardo. Nagbunga naman ang pananampalataya niya ngunit patay ang bata nang ito'y kanyang ipinanganak. Dito na nagsimula ang kanyang depresyon at pagiging aswang.

Simple lang ang takbo ng istorya at hindi magarbo ang cast. Naipaliwanag ng maigi sa manonood ang kwento ng buhay ni Corazon at kung paano siya naging 'aswang'. May mga ilang bagay at eksena lang na hindi convincing tulad ng santo ni San Gerardo na kanilang ginamit. Halatang gawa sa styrofor at karton. Nagmukha tuloy laruan ang isang mahalagang elemento ng pelikula.

Nakornihan ako sa ending pero anong magagawa ko, hindi naman ako ang writer at producer. Actually, mas maganda sana kung napatay sina Erich at Derek sa ending para mas dramatic.

Buti na lang at napunan ng galing ni Erich ang kakulangan ng pelikula. Maganda ang hagod niya sa kanyang karakter. One thing I like about her eh hindi siya OA. Hindi pilit ang facial expression sa madadrama at nakakatakot na eksena.

Swak na swak sa karakter nila sina Epi Quizon, Mon "Ynez Veneracion" Confiado at Mark Gil.

Ang pinaka-perfect sa lahat, ang cinematography at kulay ng video na ginamit. Creepy din ang sound effects kaya naman kapag mambibiktima na si Corazon, todo tilian ang mga utaw sa loob ng sinehan.

Worth watching ang pelikulang ito kaya 'wag palalagpasin habang palabas pa.

Wednesday, March 21, 2012

Pahina

Ilang komento mula sa Liga post...

Anonymous Mar 13, 2012 12:29 PM
Pwede ko bang bilhin na lang sayo yung Yes! magazine na yon? Yung kay Joseph Yeo, Christian Luanzon, Mac Cardona etc.?

Ok lang kahit yung complete article lang basta kumpleto yung mga pictures nila Yeo.. Kasama din dyan sila Wesley Gonzales saka Cardona e. Ok lang kahit yung article lang bibilhin ko sayo. Pero mas maganda sana kung yung buong magazine. Willing talaga akong bilhin.

Mac Cardona
Haller 'teh Anonymous,

Hinalungkat ko ang aking koleksyones para hanapin kung meron ba talaga 'yung kay Arwind Santos at Wesley Gonzales kaya lang wala akong makita. Natatandaan ko na meron silang kuha pero wit ko na maremember kung saan ko nailagay. Watak-watak na kasi ang mga pahina.

Nais ko man tuparin ang iyong hiling, parte ng preycious collection ko ang iyong binibili. Medyo sentimental sa akin ang mga 'yan kaya isang solusyon ang aking ipe-presenta. Send ka ng email sa bongganatodopa[at]gmail[dot]com at se-send-an kita ng kopya ng possible highest resolution ng mga imahe without my blog's watermark. Maaari mong ipa-print ang mga 'yon sa glossy paper para magkaroon ka ng hardcopy.

Nawa'y sapat na ang naisip ko para sa'yo.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie