Memorable date ang November 24 para sa mga pageant followers dahil tatlong pageant ang ginanap sa petsang ito. Heto ang listahan ng mga nagwagi...
Ang kasarapan ni Francisco Javier Escobar Parra ng Colombia ang nangibabaw sa London bilang Mr. World 2012. Second placer naman ang sariling atin na si Andrew Wolff na humihingi ng dispensa sa kanyang narating. Ano ka ba fafah Andrew? You made us so proud kaya wala dapat sorry sorry. Nasa pangatlong pwesto naman si Mr. Ireland Leo Delaney. Pasok naman sa top 10 ang pinakamamahal kong si Gianni Sennesael ng Belgium.
Dito naman sa Thailand, si Mr. Lebanon ang nagwaging Mister International 2012. First runner-up si Ron Teh ng Singapore followed by Marko Sobot ng Slovenia. Fourth and fifth placer naman sina Mr. Brazil Ricardo Magrino at Mr. Slovak Republic Jan Haraslin. Surprisingly, hindi kasama sa semifinalist ang heavy favorite na si James Murphy ng Ireland. Oh well, hindi rin tayo nakapasok sa top 10. Sayang.
Huli sa listahan ang Miss Earth 2012 winners. Siyempre dapat priority ang mga ohms noh!? Ang bagong Miss Earth ay si Tereza Fajksova ng Czech Republic na kahit hindi naintindihan ang final question eh panalo pa rin. Miss Earth-Air si Ms. Philippines Stephany Stefanowitz. Miss Earth-Water ang gorgeousness ni Osmariel Villalobos ng Venezuela at Miss Earth-Fire ang Brazilian beauty ni Camila Brant.
Isang malutong na KUNGRACHULEYSHONS sa kanila!
Sunday, November 25, 2012
Saturday, November 24, 2012
Hayok
Bago matapos ang buwan na itech, isang gay indie film ang susubukan ilabas ang init na ating itinatago... Hayok, Hanggang Saan Ka Papasok? Handog ng Silverline Multimedia Inc. at mula sa direksiyon ni G.A. Villafuerte. Starring Jay Enriquez (Kumpare, Adam's Apple), Adriana Gomez (Hubo, Ang Jowa), John Parmisano and introducing MD Marasigan.
Ipapalabas na ito sa November 28 sa mga sumusunod na sinehan:
- Remar Cubao
- Isetann Recto
- Roben Recto
- Marketplace Kalentong Mandaluyong
- Eden Cebu
One Billion Rising
Laman ng mga balita ang paglalantad ni Monique Wilson sa kanyang tunay na sekswalidad. Ginawa niya ito kahapon sa One Billion Rising presscon kung saan naroon din ako. Matagal na daw alam ito ng press pero dahil na rin sa respeto sa kanya at sa sining na ginagalawan niya, hindi ito naging malaking isyu. Oo nga naman, ang isang tulad niya na nagbigay karangalan sa ating bayan ay 'di kailanman dapat husgahan sa kung anong pinili niya. Isa siyang ehemplo sa ating lahi na dapat tingalain.
Tungkol naman sa One Billion Rising, isa itong bonggang event para sa mga kababaihan sa Araw ng mga Puso sa susunod na taon. Hinihikayat nito ang 'sangkatauhan na huminto panandalian sa kani-kanilang ginagawa upang tumayo, maki-isa at todong sumayaw para mahinto ang pang-aabuso sa kababaihan. Bukod kay Monique Wilson, suportado ito ng Gabriela, New Voice Council at ng Hollywood actors na sina Jane Fonda, Rosario Dawson at Rober Redford.
For more information, please visit their official website: www.onebillionrising.org
Follow them on Twitter: @OBRPhilippines
Like them on Facebook: www.facebook.com/OneBillionRisingPhilippines
Tungkol naman sa One Billion Rising, isa itong bonggang event para sa mga kababaihan sa Araw ng mga Puso sa susunod na taon. Hinihikayat nito ang 'sangkatauhan na huminto panandalian sa kani-kanilang ginagawa upang tumayo, maki-isa at todong sumayaw para mahinto ang pang-aabuso sa kababaihan. Bukod kay Monique Wilson, suportado ito ng Gabriela, New Voice Council at ng Hollywood actors na sina Jane Fonda, Rosario Dawson at Rober Redford.
For more information, please visit their official website: www.onebillionrising.org
Follow them on Twitter: @OBRPhilippines
Like them on Facebook: www.facebook.com/OneBillionRisingPhilippines
Friday, November 23, 2012
'Di kalaliman
Busy as a bee ang ng lolah niyo mga ateng. Knowsline niyo na siguro na sumakabilang bansa na ang trabaho ko sa Makati kaya andaless ako ngayon. Pero 'wag ka, mas naging expensive pa yata ang lifestyle kez kung kelan nawalan ng work. Kaya naman after 5 days of pagpapatambok ng keps, sugod ako sa bonggang The Fort para mag-apply sa isang bangko. Hindi BDO, East West o BPI. Basta bangko sa isteyts.
Pagkapasa ng resume, salang agad sa typing and aptitude test. Sisiw ang typing test pero sa aptitude exam, unang tanong pa lang, todong nahilo na ako. Fraction ba naman ang itanong eh huminto ang utak ko sa Math nung pagdating sa Division. AMP! After ilang minuto, tinawag ako ng exam coordinator para sabihing nakapasa ako. Akalain mo 'yun! After 1 hour daw eh may language assessment akiz. Owkay! Labas ako ng building. Wala akong makitang mapagtambayan. Parang ang lungkot pala sa The Fort. Sa 711 na lang ako kumain tapos bumalik na ako agad para ituloy ang application.
![]() |
| Image from www.asiaexplorers.com |
Wednesday, November 21, 2012
I couldn't agree more
Mabalik tayo sa larawan. Hindi mo sila mabilang sa kamay pero ang batas na nagawa nila, lagpas kaya sa bilang ng mga daliri natin? Maidagdag ko lang, hindi sight sa picture pero laging may family reunion diyan. Ang mga magulang, anak pati kamag-anakan nila, diyan nagpapalamig este nagtatrabaho.
Tuesday, November 20, 2012
Mr. World 2013 and Mister International 2012
Magsasama-sama ang iba't ibang lahi ng kasarapan sa dalawang male international pageant na magaganap ngayon buwan. Una diyan ang Mr. World 2013 ni madame Julia Morley.
Si Andrew Wolff ng Philippine Volcanoes ang napusuan ni forever young Cory Quirino na ipadala sa London. Tamang tama bilang half-English si fafah Andrew at athlete pa kaya yakang-yaka niya ang challenges ng kompetisyon.
Maliban sa kanya, may tatlo pang todong masarap sa mga kandidato. Si Alvaro Villanueva Santos ng Viva! EspaƱa, si Francisco Javier Escobar Parra (whew!) ng Colombia at ang prince charming ko na si Gianni Sennesael ng Belgium. Like niyo ang official page nila sa FB para updated kayo.
Habang may kalayuan ang London sa atin, dito naman sa shupitbalur nating Thailand ay kasalukuyang nagaganap ang Mister International 2012. Pambato ng ating bansa si Mark John Gutoman na personal na kinoronahan ni reigning Mister International 2011 na si Cesar Curti.
Tulad ng nasa taas, madami ding masasarap na imported goods sa kompetisyon itech. Andiyan si Mr. Ireland James Murphy, Mr. Macedonia Gjorgi Filipov at Mr. Slovenia Marko Sobot. Wetness galore akez sa sarap nila. Parang ang sharap pisil-pisilan at kagat-kagatin ng mga maskels nila sa borta. Ay! Punasan ko lang laway ko. CHOS!
Sa Sabado, November 24 malalaman kung sino ang magwawagi sa parehong kumpetisyon. Sino kaya kina Andrew at Mark John ang bonggang mag-uuwi ng karangalan? Abangaaan.
![]() |
| Andrew Wolff in London for Mr. World 2013 |
![]() |
| Belgium, Spain & Colombia |
![]() |
| Mister International 2012 - Philippines |
![]() |
| Macedonia, Ireland & Slovenia |
Sa Sabado, November 24 malalaman kung sino ang magwawagi sa parehong kumpetisyon. Sino kaya kina Andrew at Mark John ang bonggang mag-uuwi ng karangalan? Abangaaan.
Monday, November 19, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)












