Maligayang maligaya ako dahil nakabalik akong muli sa UP Film Center para manood ng gay indie film. Kagagaling ko lang sa special screening ng Muli kasama ang tatlong kaibigan at todo namin 'tong nagustuhan. Mula sa istorya, editing ng mga eksena hanggang sa pag-arte ng mga gumanap. Masasabi kong ito na ang may pinaka istoryang gay indie na napanood ko sa naturang lugar.
Sulit na sulit ang lagpas dalawang oras na takbo nito. Walang nakakainip na eksena at tamang tama ang timpla para sa mga manonood na gusto nang makabuluhang istorya tungkol sa buhay bakla. Walang dudang magaling sa pag-arte si baby Sid Lucero pero surprising si Cogie Domingo. Ang galing ng pag-arte niya sa karakter na kanyang ginampanan. Mahal ko na yata siya. At mga sisterets, dapat niyo ring abangan ang kanilang maiinit na tagpo. Bonggang bongga talaga. Pero siyempre naman, hindi lang yan ang dahilan kung bakit dapat niyo itong panoorin. Maganda talaga ang istorya nito na hango sa Palanca award winning screenplay ni Jerry Gracio. Magkakaroon ulit ng screening sa August 13.
Click here to watch the trailer.
No comments:
Post a Comment