Tuesday, November 30, 2010

Fink Bikini

Apat na araw na lang at Miss Earth na. Excited na watashi kung sino ang ika-sampung magsusuot ng korona at mangunguna sa pangangalaga ng kalikasan. Infairness, kahit 10th edition pa lang ng beaucon na itech, todong tinalbugan na nito ang Miss International as the world's 3rd largest beauty pageant. Kung ako ang tatanungin, mas maganda pa nga ito sa Miss World when it comes to production and pageant system.

Eto ang dalawang bet ko...

Mariangela Bonanni
Nicole Faria

Kumusta ka naman Miss Philippines? Kumakain ka ba?

Psyche Resus

Sino kaya ang bonggang mananalo?

Abangan natin sa gabi ng December 4 at sa ABS-CBN ipapalabas.

Saturday, November 27, 2010

Tinapay

Dalawang araw muna akong mawawala sa world wide web. Kailangan ko munang ipahinga ang byuti para freshness at may new ideas akong maise-share sa inyo sa aking pagbabalik.

Kaya naman nais ko muling ibahagi sa inyo ang aking nakaraan. Isang karanasang 'di malilimutan na nagturo sa aking ng isang mahalagang leksyon
.

Original post date:
Tuesday, December 2, 2008 at 9:48am

Where:
Multiply

Title:
Ang Violet Cream Loaf at si Mark


Well, its 9:48 Tuesday morning of December 2, 2008. I feel the jitters (kung ano man yang jitters na yan)… It’s coming near… The Yuletide Season is here and nobody can’t stop it.


But that is not the center of my blog this morning…


I will share to you one of my biggest embarrassments of all time! I
t happened a while ago. Waaahhhh! Gusto kong sumigaw sa kahihiyan pero dahil sa edad kong ito, medyo nakakahiya nang gawin iyon. So i-share ko na lang sa inyo habang fresh pa ang memories.

Alright, to start things up, galing akong work sa Eastwood at dapat pupunta akong Litex, Fairview to see someone but I changed my mind. I was so sleepy so I decided to go home.


Going home is much easier for me than going to work since less traffic, less hassle, less people, and I never thought… less me.


From Cubao, dapat sasakay ako ng MRT going to North EDSA pero OA sa grabe ang haba ng pila papasok ng train. GRABE!!! Parang nasa entrance na ng Farmers yung dulo ng line so nag-decide na lang ako na mag-bus.


Pagbaba ko ng hagdan, pumunta muna ako sa Julie’s Bakeshop para bumili nga makakain habang nasa biyahe. Hilig ko kasing kumain sa mga pampublikong sasakyan para mawala yung inip at ma-divert ang attention ko sa sobrang init ng panahon.


Bumili ako ng favorite kong Violet Cream Loaf... 18 pesos lang... malaki, masarap, malambot, malinamnam, hhmmmm… parang commercial.
Pagkatapos kong bumili, sakay na ako ng ordinary bus na may karatula ng UE Letre.

Habang nasa loob ng bus, nilantakan ko na yung tinapay. Sobrang Tommy Lee Jones ako eh. Pero dahil sa laki niya, piniraso-piraso ko ang pagkain.

Ang tagal nung konduktor na maningil kasi nagtatawag pa ng pasahero sa Cubao. Ang init ng panahon, pawis na ako at dikit-dikit na ang strands ng hair. Wala na akong paki sa looks ko dahil sa pagod at puyat. Gusto ko na lang talaga umuwi.

Sa wakas, umandar na ang bus at nasa Mega Q Mart na kami habang ako… ayun at sarap na sarap sa pagkain ng tinapay. Eto na, habang isusubo ko na ang pagkasarap sarap na piraso ng Violet Cream Loaf ni Aling Julie, sumakay si Mark… Si MarkYES! SI MARK, yung crush ko nung college. Classmate ko siya ng isang sem nung ang kurso ko pa eh Pagtutuos.

SYET NA MALAGKET!
Ako, na galing ng work, haggard, walang tulog, inaantok at parang ngayon lang nakakain ng tinapay eh nakita ang pagka-hunk hunk, over sa freshness, super sa kabanguhan, grabe sa kalinisang lalaki.


WAAAHHHH!!!


Ganun pala ang feeling kapag gusto mo nang bumuka ang lupa at lamunin nito.
Akala ko hindi totoo yung ganung feeling.

Nakita niya ako na kasusubo lang nung tinapay… nakilala niya ako… binati ko siya habang ngumunguya at lumulunok ng sabay.


"Oy Mark!”


“Oy…”


“Saan ka punta?” tanong ko habang confident sa look ko kahit alam kong chaka na at buhaghag ang hair.


“Sa work…” tugon niya


“Saan ka work?” tanong ko habang hawak ang tinapay


“Sa SVC…” sagot niya


“Aaahhh… Saan yun?” tanong ko ulit. Di ako mapakali kung paano itatago yung tinapay na hawak ko.


"Sa Makati.” sagot niya ulit
.

Then siya naman ang nagtanong, “Ikaw?”


“Pauwi na” sagot ko. Medyo dismayado kasi di man lang siya nag-usisa.

Nagtanong ulit ako habang umaakyat yung bus sa tulay papuntang GMA-Timog. Nagtaka ako kasi papuntang north yung way namin eh sa south yung Makati. Dahil mausisa ako, nagtanong na naman ako.


“Bakit dito ang way mo?”


“Kasi sasakay ako ng MRT”


Nagtanong pa ako pero hindi ko na matandaan yung eksaktong tinanong ko dahil overwhelmed ako sa kanya. Di ko masabi kung bakit di ko na matandaan. Pero in fairness sinagot naman at nag effort siyang mag explain na ikina-tuwa ko. Kalandian nga naman.


Since nakita niya na akong kumakain ng tinapay, inalok ko siya kung gusto niya, with a smile in my face and with this famous line “Gusto mo?”


Siyempre naman, bilang Pinoy dapat mag-alok ka kung kumakain ka di ba?


Iwinasiwas niya ang kamay niya sabay tingin sa inaalok ko. Rejected ang offer ko.


Ok lang. Kasi kung ako man yung aalukin mo nung tinapay na hawak ko, baka tumanggi din ako. Hindii na kasi kaaya-aya yung itsura eh.

So silence muna for a couple of seconds. Mega tingin ako sa cellphone ko na usual na gawain ng mga taong di mapakali at di alam ang gagawin. Hindi ko siya masulyapan kasi obvious na lilingon ako sa kanya. Nasa likuran ko siya nakaupo.


Then tinapik niya ako kasi baba na siya. Ako tumango lang sabay sabing “Ingat” (na di ko matandaan kung binaggit ko ba) habang tinatanaw siya pababa ng bus at papuntang GMA-Kamuning station
.

Then REALITY slaps me…


Syet ulet!
Grabe! Di ako mapakali sa bus. Di ko alam kung anong gagawin ko. Nawala ang antok ko. Nawala ang malay ko sa mga nagyayari sa paligid ko. Mega convert ako ng 6 pesos kong load into Budget Text 5 para maka send ako ng 10 text messages to other networks. Super text ako sa mga super friends ko.


Grabe hanggang naglalakad ako pauwi 'di ko ako mapakali. Gusto kong humiyaw sa nangyari kaya lang dyahe naman noh. Baka sabihan pa akong baliw ng makakasalubong ko sa daan. Kaya eto… share na lang ng moments sa inyo.


Good morning! Matutulog na ako. Sana lang makatulog ako. Swerte na kung mapanaginipan ko siya. Ambisyosa!!!


Meron ba talaga akong leksyong natutunan o ang landi ko lang talaga?

Mahaba

Dahil long weekend, dapat na may pagkaabalahan.

Friday, November 26, 2010

Feshun Shew

Bukod kay Richard Pangilinan ay may iba pa namang masasarap na rumampa sa Folded & Hung fashion show nung nakaraang PFW Spring/Summer 2011 collection. Yung iba siguro dito ay nakita niyo na sa ibang sites pero heto ang mga ilan sa mga bet na bet ko...

Angelo Cacciatore... parang manekin sa kinis.
Charlie Sutcliffe... at ang kanyang nipples... NYAM! NYAM!
Hideo Muraoka... ang dibdib... BOW!
Jiro Shirakawa.... Japan Japan siya ang sagot sa kagutoman.
Mark Whittington... wild ang aura!
Prince Stefan... pang-Miss Universe ang skin tone. CHOS!
Renzie Ongkiko... punong-puno... ng tisyu?

Siyempre, hindi pwedeng hindi kasama si...

Richard Pangilinan... BUSOG LUSOG SA SARAP!!!

Maraming salamat kay ateh Froglitz for the exclusive and yummy photos.

Thursday, November 25, 2010

Paparazzi

Amfogi mo... AMP!
Umandar na naman ang pagka-paparazzi ko sa MRT dahil sa kafogian niya mga 'teh. Buti na lang at nag-round trip ako at nakasabay ko siya. Katabi ko siya nung una pero witchells ko bet ang pwesto ko kaya lumipat ako sa katapat na upuan, sa bandang kanan. Perfek naman dahil mas napaganda pa ang view ko sa kanya.

Wag kang lilingon at mahahalata mo 'ko
At siyempre pa, nagamit kong muli ang mga tinuro sa acting workshop ng Star Magic. CHAROT! Arte to the maximum level ako para hindi halata sa pagkuha ng litrato. Pang-MMFF award kumbaga!

Swerti ni kuyang katabi niya ☺
Hhhmmm... sino kaya siya?

Wednesday, November 24, 2010

Magasins

Aside from Chika Chika eh may iba pa akong koleksyon ng mga babasahin tungkol sa kalalakihan, mapa-wholesome man o sexy. Binungkal ko ang baul ng aking precious collections para linisin nung nakaraang linggo. Nag-alala kasi ako na baka magdikit-dikit ang pages at hindi na mapakinabangan pa. Sayang naman di vaaahhh?!? Most of the magazines were bought during my college years. Yung iba, very rare at collectors edition ng maituturing. Naalala ko tuloy ang ilang araw na pagtitipid at paghihigpit ng sinturon para lang mabili ang mga ito. Share ko sa inyo mga shupatid.

I started buying Candy Magazine year 2003 nung mag-sale ang issue featuring Richard Gutierrez on the cover. Hindi naman todo ang subscription ko mga 'teh. Yung annual Candy Cuties lang ang binibili ko na every September lumalabas. Ang first issue ng Candy Cuties ay si Cogie Domingo ang cover. Bagets na bagets pa ang loloh niyo. Nabili ko yan sa kakakalkal ko sa mga second hand magazines along Recto. Favorite cover boy ko naman si Geoff Eigenmann kasi crush ko siya nung college. Actually, hanggang ngayon naman eh. Ang cute kasi ng pagka-mashuba niya.

Kasagsagan naman ni Brent Javier as primero modelo ng binili ko ang mga 'to. Kapanta-pantsya naman kasi siya noon lalo na sa Pond's commercial with Karel Marquez and Alvin Alfonso.

Year 2003 when I bought this in Glorietta. Bet na bet ko kasi that time si Geoff Briz ng Power Boys dahil mahilig pa ako nun sa foreigner looking guys. I think this is the one and only edition of Blu Book.

Icon was one of the gay magazines na hindi ako nagkainteres... ang mahal kasi eh. CHOS! Taga alta de society ang mga mambabasa pero hindi ko na naresist nung si Jon Mullaly ang cover. Nahipnotismo ako ng bukang liwayway niya. Sad to say, nagpaalam din ito sirkulasyon after Ram Sagad's issue.

At eto pinaka prized posession ko sa lahat... Generation Pink or GP Magazine of Circuit Asia. Dito talaga ako nagka-interes ng bongga kasi ang gaganda ng articles at features nila. Even the photos and make-up ng mga models are very unique and original. Mukhang pinaghirapan talaga. May konsepto sa bawat edisyon. Yun nga lang, katulad ng ibang local gay magazines, nawala din ito. Apat na issues lang ang lumabas sa market. Anniversary issue dapat yung panglima kaya lang hindi yata nagmaterialize.

May iba pa akong magazines na hindi makita. Bubungkalin ko muna yung ibang Yamashita treasure ko at baka andun sila.

Tuesday, November 23, 2010

Isa

May isa akong hiling ngayong araw na ito...

Hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Stall 57, Dapitan Arcade

First time kong pumunta sa Dapitan Arcade a week and a half ago. Bonggang naligaw pa nga watashi kasi ang akala ko bandang Maynila 'yon, yun pala bago lang mag Welcome Rotonda. Jampack ang mga taong namimili ng dekorasyones at abubot. Ang gaganda naman kasi ng mga items sa morayta avenue na halaga. Practical nga naman bumayla ditechiwara ng mga kung anu-anong anik-anik kesa makipagsiksikan at todong ma-traffic pa ang byuti natin sa Divine. Nakaka-haggard na, baka ma-victim pa tayo ng magna cum snatcher.

Ang reason talaga kung bakit ako dumayo doon ay dahil sa stall ng friend kong si Ate Paul. College pa lang kami, may knack na talaga siya sa pagde-design. After college, hindi nagtrabaho ang lolah niyo sapagkat nais niya kaagad maging CEO at natupad naman. Siya ngayon ang founding chairman slash sole stockholder slash president ng Stall 57 sa Dapitan Arcade. Perfek di vaaahhh!?! Nung una, hindi ko alam ang stall number niya (patay kasi ang cellphone, hindi tuloy nabasa ang texts ko) kaya nag-ikot ikot muna akey sa loob. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang mga chichirya, kendi at yosing tinda niya. See for yourself...







This is sooo Ate Paul...



My personal favorites...



Dapitan Arcade is located at Kanlaon St. corner Dapitan St., Sta Mesa Heights, QC.