Wednesday, November 17, 2010

Backpay

On leave sa trabaho ang byuti ko today sapagkat may kaso akong kinaharap kaninang morning dew. Hindi naman krimen ang kaso ko mga 'teh. Nireklamo ko kasi ang previous employer ko dahil ten thousand years na ang nakararaan, wa-i pa rin akong backpay. At sa aming bonggang paghaharap kanina sa National Labor Relations Commission, pinangako niyang makukuha ko na ang andalusha ko sa Biyernes. Sana lang totoo 'yan dahil kung hindi, pasasabugin ko ang pozo negro ng kanilang building hanggang maligo sila ng etchas. Charuzzz Pempengco!!!

Kahit sandamakmak ang tao sa labas ng opisina ng artbiter ko at absent ang kanyang dalawang assistant, todo assist pa rin siya sa amin. At infairness, hindi siya masungit kahit sobrang dami ng folder sa harap niya at patung-patong. Smiling face na, friendly pa ng aura niya. Perfek di ba!?! Wish ko lang katulad ng ugali niya ang ibang government employees.

At habang ako'y nag-aantay sa labas ng opisina, namataan ko ang isang karespe-respetong lalaki na may matipunong katawan at oh la lang hitsu. Yung tipong hindi makabasag pinggan dahil may reputasyong inaalagaan. Pero wala akong pake doon. Hindi ang estado niya sa buhay ang mahalaga... kundi ang pagmamahalang aming pagsasaluhan at pagyayamanin. Echos!

2 comments:

  1. Inday,
    ang gwapo ng na-sight mong minchang. Yung nakapayong. Super siya!

    Nagpakilala ka ba? Sinabi mo bang ikaw ang reyna ng blog na dating Miss International?

    Sinundan mo ba sa restroom?

    I really, really like your blog.

    Ruben as in robinet329@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. Naku teh Ruben, hindi ko ugaling magpakilala sa mga lalaki... sapagkat sila ang lumalapit sa akin para ako'y pitasin. Ahahaha... Ambisyosa lang di vaaahhh?!? :D

    ReplyDelete