Gumora ako sa SM North last Saturday para bumayla ng sho-es ng mapadaan ako sa Video City. Todo sale sila kumpara sa ibang record and video stores. Super check ako ng mga rated R videos kung may kaltas sa presyo at hindi naman ako nabigo. 75 peysos na lang ang VCD ng mga gay indie films na Binyag at Heavenly Touch. Ask ako ng DVD version kasi mas malinaw ang frontal nudity dun pero wala daw sabi ni ateng tindera. Witchells ko munang binili. Dadayo ako sa VCT ng Megamall at Farmers para tumingin at baka meron dun.
Pagkatapos kong maglabadami yesterday, pumunta muna akesh sa Capitol Medical Center para kumuha ng form para sa check up ni mother dear then fly na to Megamall. Ang alam ko, once na pumasok sa Building A eh aakyat ka lang ng escalator sa kanan para makita ang store. Pero wiz. Baka nagkamali lang ako. Akyat ako ng 3rd floor. Wala talaga mga 'teh. Bonggang walkathon muna ang kasarapan ko hanggang makita ko ang shalang touch screen directory nila. Walang Video City store. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Ride kaagad ako ng MRT going to Cubao.
Pagdating sa Ortigas station, ang sisikip na ng trains. Punong-puno ng utaw! Past 5 na kasi ng hapon. Buti na lang at may nakasabay akong cutie. Na-inspire akong mag-waiting in vain. Nauna siyang sumakay sa tren at sumunod ako. Kahit halos halikan ko na ang pintuan ng tren, isiniksik to talaga ang sarili ko para ma-feel ko ang body niya. Syet nga lang ang kanyang bitbit na bag, hadlang para maramdaman ko ang ngik ngak ngok plok plok plok niya. Anyways, sabay naman kaming bumaba ng Cubao. Walang aura maria na naganap dahil rush hour. Dyahe kung lalande sa harap ng 'sangkatauhan.
Pagpasok ng Farmers, dali-dali akong pumunta sa 3rd floor since dun located ang VCT. To my dismay... sarado na ang stall, may takip pa na plywood ang harapan nito.
Ending bumalik din ako sa SM North at binili ang dalawang VCD's together with 2 Star Cinema movies.
This journey (journey talaga!?!) makes me wonder kung sasakabilang buhay na rin ba ang Video City at susunod sa yapak ng ACA video rental?
Huwag naman sana at marami pa naman kaming parokyano nila. Pero hindi natin sila masisisi, unti-unti kasi silang pinapatay ng pirata eh. Idagdag mo pa diyang ang libreng download sa internet.
Sad :-(
try to connect this post about vc to your post about willie revillame. dumidikit at ginagamit din kase ng bulok na si willie ang bulok na may ari ng viva na sivic del rosario kaya kinakarma na ang kumpanya nya.
ReplyDeleteSa pagkakaalam ko teh ay may mga franchises pa itong mga ito. Sa totoo lang, piracy killed these video stores. Nakakapanlumo, pero it's reality...
ReplyDelete