Tuesday, November 23, 2010

Stall 57, Dapitan Arcade

First time kong pumunta sa Dapitan Arcade a week and a half ago. Bonggang naligaw pa nga watashi kasi ang akala ko bandang Maynila 'yon, yun pala bago lang mag Welcome Rotonda. Jampack ang mga taong namimili ng dekorasyones at abubot. Ang gaganda naman kasi ng mga items sa morayta avenue na halaga. Practical nga naman bumayla ditechiwara ng mga kung anu-anong anik-anik kesa makipagsiksikan at todong ma-traffic pa ang byuti natin sa Divine. Nakaka-haggard na, baka ma-victim pa tayo ng magna cum snatcher.

Ang reason talaga kung bakit ako dumayo doon ay dahil sa stall ng friend kong si Ate Paul. College pa lang kami, may knack na talaga siya sa pagde-design. After college, hindi nagtrabaho ang lolah niyo sapagkat nais niya kaagad maging CEO at natupad naman. Siya ngayon ang founding chairman slash sole stockholder slash president ng Stall 57 sa Dapitan Arcade. Perfek di vaaahhh!?! Nung una, hindi ko alam ang stall number niya (patay kasi ang cellphone, hindi tuloy nabasa ang texts ko) kaya nag-ikot ikot muna akey sa loob. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang mga chichirya, kendi at yosing tinda niya. See for yourself...







This is sooo Ate Paul...



My personal favorites...



Dapitan Arcade is located at Kanlaon St. corner Dapitan St., Sta Mesa Heights, QC.

3 comments: