Thursday, January 20, 2011

Relaks Mode

Mike, Jovy, Shanelle, Leyni, Bb. Melanie and Julius

Kapag super shogod sa kaka-work, napapansin ng puro impurities ang skin at masikip pa ang butas ng Coke Sakto kesa sa pores ng fez, dapat ng i-relak-relak ang sarili. Dahil ang katawang Dyosa ay napapagod din naman. 'Yan ang aking ginawa nitong nakaraang dalawang araw. Rampage kami ng office friends ko sa iba't ibang places to rejuvenate our mind, body and soul.

First stop ang Thunderbird sa Binangonan, RIzal na may uber puurrrfect na overlooking sa hindi ko alam kung anong body of water. Feeling ko Laguna de Bay pero correct me na lang mga sisterets if I'm wrong.

Next stop ay Doña Jovita Garden Resort sa Pansol, Laguna. Nahilo kami sa haba ng biyahe. Paikot-ikot pa ang kalsadang dinaanan namin. Pero keri lang naman kasi lab lab lab ang drama scene sa likod ng resort. Feeling mo, matatakbo mo lang ang Mt. Makiling sa lapit nito. Infernezzz, madami pang puno ditey. Hindi pa nila kinakalbo. Inuulit ko... HINDI PA. Sana naman eh hindi nila pagtangkaan.

Last stop ang Resorts World Manila sa Pasey City. I-feel ang pagbigkas ng PA-SEY! CHOS! Hindi pa masyadong developed ang plasung na itey pero todo sa ka-sushalan ang mga amenities dito. Pang-class A ang lugar!

Kaya after almost 2 days na pagpapahinga, byuti queen ang aura ko this day. Magaan ang pakiramdam at nawala ang mga alalahanin at work-related stress. Naging virgin pa ulit ang mga pores sa aking pagmumukha.

7 comments:

Anonymous said...

the resort is actually in binangonan, rizal hehehe, pero isang kembot na lang antipolo na din. and you're correct, it's overlooking laguna de bay...

Anonymous said...

atlis teh nakapagrelak relak kayo! diba? cheers!

Melanie said...

-Teh Anonymous January 20, 2011 5:33 PM, salamat sa pagtatama ng impormasyon :)

-Teh Anonymous January 20, 2011 6:29 PM, CHEERS!

Anonymous said...

ISA KA TALAGANG DYOSA MELANIE!!! HA HA AHA!!!

Anonymous said...

saan kuha ung pix nyo s itaas? thanks.

Melanie said...

-Teh Anonymous March 4, 2011 3:06 PM, sa Thunderbird kuha yan.

Anonymous said...

teh, type ko yong na ka glasses na ikal. available pa sha? kahit hindi na, okay pa rin ang kerida. sweet kaya magmahal sa mga kavitsing ang mga mhen.. ay kaloka, buhay bakla.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...