Sunday, January 2, 2011

Tatlo sa Linggo

Pansin ko lang sa mga host ng The Buzz, sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga lang ang marunong mag-give way kapag may nagsasalita mapa-guest man o kapwa host nila. Though wala kanina si Charlene, sa mga previous episodes eh halatang sila lang ni Toni ang may alam ng tamang tiyempo kung kailan magsasalita. Etong sina Tito Boy at KC, parang ayaw padaig sa kani-kanilang opinyon at sariling karanasan. May nagsasalita pa, sisingit kaagad. Minsan, mas mahaba pa ang sinasabi at explanation nila kesa dun sa guest. Ampangit kayang panoorin. Show naman nila yun eh so dapat hindi sila nagsasapawan, di vaaahhh?!?

Tiyempong paglipat ko ng TV5, hot seat si Joel Cruz sa Paparazzi. Ano pa nga ba ang mahihita natin sa mga hosts ng show na 'to? First episode pa naman nila sa taong 2011 pero ang nega ng mga isyung ibinato nina Shrekty Fermin at DJ Mo. Sinabi na nga ni ateng Joel wala siyang nakachukchakang taga-showbiz, pinipilit pa nila. Kapag sinabi ng wala, eh di wala! Hindi yung pipilitin pa. Trabaho nila ang mang-intriga pero sana may kalakip na respeto. Nakakaawa tuloy kanina si ateng kasi parang gusto na niya agad matapos ang segment na kasali siya. Dapat silang kantahan ni Aretha Franklin ng R-E-S-P-E-C-T.

At nang i-switch ko sa Showbiz Central, as always, super light and funny ang style ng pagho-host ni John Lapus. Yun lang ang mase-say ko. Siya lang kasi ang interesting sa show na 'yun eh. Meron pa bang iba?

2 comments:

Anonymous said...

Nanood ako ng PAPARAZZI.

wala naman silang tinanong kung sino na ang nakachukchakan ni Joel Cruz....

paul said...

true ka dyan marse about kc, kay tito bhoy sanay nako sakanya tsaka mas nakikinig naman yon .ang mas nakakimberna yang si kc,gusto lagi maisingit ang sarili nya kahit iba ang pinaguusapan dapat gumawa na lang siya ng show niya na siya ang host at the same time siya din ang guest.at talagang umaarti pag alam niyang nakatapat sakanya ang camera.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...