Tuesday, January 12, 2016

Luwag

Sa tuwing may madadaanan akong Julie's Bakeshop, madalas na napapabili ako ng paborito kong tinapay - ang Violet Cream Loaf. Malambot na may matamis na mantikilya at keso sa ibabaw. But more than the taste, marami na kaming pinagdaanan nito. Ito kasi ang madalas kong baunin o kainin sa trabaho man o biyahe noong nagsisimula pa lang akong magtrabaho. Mura na, malaki pa. Alam niyo 'yan, mahilig tayo sa malaki. CHAR! Dati kasi, todo-tipid ako sa budget para mapagkasya sa pang araw-araw na gastos. As the breadwinner of the family, kailangan bilang lahat. Malaglagan lang ng piso, baka hindi na makauwi. Kahit na medyo nakaluwag-luwag na ngayon, I still prefer Julie's kesa sa Breadtalk o kahit anong mamahaling bakery. It reminds me to stay humble and look back to where I came from.

10 comments:

  1. Bonnga talaga itong post na ito, ate. Thank you for this!

    ReplyDelete
  2. so richie rich ka na ngayon ateng? toroy! hihihi

    ReplyDelete
  3. Favorite ko din itey during my ojt days! Hahaha! Perfect partner nyan bb melanie yung 3 in 1 ng nescafe. Hahaha. Suki akes sa farmers cubao branch. Hahaha

    ReplyDelete
  4. Stay humble acheng kahit 50k na sahud mo hahaha pero dapat level up Starbucks na...lol

    ReplyDelete
  5. -Teh blessedcain, YEHEY! Active ka na ulit sa pagba-blog!

    -Teh Anonymous 1, witchells naman rich ala-Joel Cruz pero hindi na kasing gipit tulad ng dati :)

    -Teh Anonymous 2, doon din ako bumibili! 'Yung sa ilalim ng MRT katabi ng Mister Donut.

    -Teh Anonymous 3, 3 in 1 twin pack na lang. Mas keri ko pa ahahaha!

    ReplyDelete
  6. Oh my, Ms. Melanie, pareho tayo! Nagsara na nga lang yung ilang mga Julie's Bakeshops dito sa Cavite . Benta rin sa aming magkakapatid yang Violet Cream loaf o kaya yung Graciosa, kasing lasa ng Violet Cream loaf pero parang 6 na dinner rolls na magkakadikit. Kaya kapag nakakakita ako ng Julie's minsan napapabili talaga tapos may emote-emote/reflection sa buhay-buhay hahaha

    Nagmamahal, Elphaba

    ReplyDelete
  7. Oh my gosh Bb Melanie favorite ko rin to. Im so thankful for this post. I really like your attitude and outlook in life. Live simply and happy. You really inspire me. Thanks so much.

    ReplyDelete
  8. Naalala ko bigla yung embarrassing experience mo about kay
    Mark at ang makasaysayang Violet Cream Loaf. haha

    I like the way you delivered this post. Simple pero may aral.

    ReplyDelete
  9. -Teh Elphaba, hindi lang pala ako ang nae-emo sa pagkain ng Julie's :D

    -Teh Ares, ang dami pala nating may paborito nito. Thanks for your loyal support. Mwah mwah!

    -Teh AnonymousBeki, NAKAKALOKA ang eksenang 'yan with Mark. I can still remember kung paano ko siya inalok nung tinapay ahahaha!

    ReplyDelete