Sunday, April 3, 2011

Payungan mo ako (final part)

Ang huling bahagi ng seryeng inibig mo.

Click here for part 1.
Click here for part 2.
Click here for part 3.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

9. Another way para maka move-on ay ang pagbabakasyon sa magagandang lugar.

Breathe some fresh air. Go out with your friends and feel the sun on your skin. Summer na kaya perfect timing para maglunoy sa dagat o pool. Effective 'to dahil nasubukan ko na. Talagang nakakawala ng stress ang mga tanawing bago sa paningin. Ang bonding naman with your friends ang babawas sa bigat na iyong pasan. This is also the perfect time to talk with them. Listen to what they'll say.

Pansin niyo ba na dito ko pa lang sinuggest na makipag-usap sa mga kaibigan at hindi sa mga unang parte ng serye. Useless kasi na kausapin mo sila kung fresh pa ang break-up. Hindi magreregister sa iyong brain ang mga litanya nilang "forget about him", "you don't deserve him" or "there's so many fish in the sea" kung ngumangalngal ka sa kakaiyak at ang gusto mo ay magkabalikan kayo. Sa stage na itech, kahit papaano ay nahimasmasan ka na at maari ka nang makinig sa kanila.

10. Set new goals ang huli kong payo. Alam kong bumuo ka nga mga pangarap kasama siya but now that you're single, panahon na para baguhin 'yan. It's either you go back to your old goals noong hindi pa kayo o bago naman this time.

Kung nag-aaral ka pa, why not dream of graduating with honors or try to be an active member with any school organizations. If you're working naman, aim high. Galingan mo ang trabaho. Magpursigi ka at malay natin, i-promote ang byuti mo. PAK!

Keeping yourself busy will help you forget the pain inside. Hindi mo namamalayan, naka move-on ka na pala sa pinagdaanang heartache.

Dito na matitigbak ang seryeng itey. Nawa'y makatulong ang aking payong upang hindi ka mabasa ng ulan o mainitan ng araw. CHOS! Huwag padadaig sa pusong sugatan sapagkat ito'y maghihilom sa tamang oras.

The End.

1 comment:

HalfCrazy said...

Hi there!

I totally agree dun sa part na mga payo mula sa mga kaibigan. Syempre wala rin silang masabi kundi yung mga linyang narinig na natin makailang beses na.

Matagal na kaming break ng ex-boyfriend ko, about 7 months na. I still can't get over it pero hindi na ganun ka tindi yung sakit. Kasi nakaka-cope ako, super ginagawa kong busy yung sarili ko. Badtrip lang talaga pag walang pera!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...