Unang araw ng school year, unang araw ng linggo at naglipana ang masasamang loob. Nakasabay ko pa ang mga lintek! SH!T TALAGA!
"EXCUSE ME!" narinig kong sinabi nung isang batang pasahero. Lalaki. Mga 15-18 lang ang edad. Nakipagsiksikan siya para makalabas. Siniksik siya ng tatlo hanggang apat na lalaki. Iyong isa na medyo matanda na at may kaliitan ang taas eh kitang kita ko na pinisil ang bulsa ng shorts na suot niya. Ang bilis ng pangyayari! Nakuha agad nung lalaki 'yung laman ng bulsa.
Nung nakalabas na kami ng tren, titig na titig yung bata sa mga sumiksik sa kanya. Tinitigan ko rin sila. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Tumingin ako sa paligid ko. Naghahanap ng mahihingan ng tulong pero bakit parang blanko ang istasyon nung mga oras na 'yun. Inantay ko pang makaalis ang tren. Na-shock ako sa nasaksihan ko. Tiningnan ko 'yung bata na kinakapa 'yung bulsa niya. Kinalabit ko siya.
"Nanakawan ka ba ng cellphone?"
"Opo" sabi niya.
Naawa ako sa kanya. Sobra akong nalulungkot. Ni hindi ko man lang siya natulungan. May nagawa sana ako kung hindi ako nablanko. Nageskandalo't sumigaw sana ako. Nahuli sana ang mga kawatan. Nabawasan sana ang mga gumagalang kriminal.
hay naku...may araw din mga yan...kainis...ayaw mamuhay ng patas pati mga bata tinatalo pa...tsk tsk
ReplyDeletenabiktima rin po ako sa mrt ng mga yan...
ReplyDeletedon't be too hard on yourself, momentary catatonia ang nangyari sa'yo when the crime was happening and as a witness, self-preservation na rin dahil pagbalingan ka; which naman your life is more precious than the cellphone diba. dapat ingat ang lahat sa mga public transpo you'll never know when the bad men will strike. Ingatz!
ReplyDeleteLaganap na talaga ang nakawan sa MRT. Mas okay yata kapag hawak-hawak mo yung mga mahahalagang bagay kesa bulsa-bulsa mo.
ReplyDeleteteh, wala ba yung bato? hehe joke lang. kalungkot lang talaga may masasamang nilalang na ganyan na kung pwede sana e lapirutin ang tukneneng! - bee :)
ReplyDeletemahirap din kasi madamay pag ganun.
ReplyDeleteI'm sure karamihan sa atin ganyan din ang magiging reaction. Okay lang. Kawawa nga lang yung biktima.
ReplyDelete