Lunar eclipse ngayon. Lumabas ako sa balkonahe at nakita ang kagandahan ng buwan. Konti lang ang maliwanag pero kita ang kabuuan. Dahil diyan, isusuot ko ang aking paboritong nighties, magsasalin ng gin bulag sa kopita, lalagyan ng yelo at lalapit sa bintana. Mangangalumbaba sa pasimano at tititigan ang buwan. Mag-iisip ng malalim at babalikan ang nakaraan...
Original post date: Monday, June 1, 2009 at 11:31pm
Where: Multiply
Title: Edukasyon
Napanood ko kagabi yung Book To School ni Sandra Aguinaldo sa I-Witness at maraming tanong ang nabuo ko sa isip ko. Ayon sa kanyang ulat, DepEd ang may pinakamalaking budget sa mga sangay ng gobyerno. Pero...
Bakit may ilang paaralan na ilang libro lang ang napapadala ng DepEd?
Bakit lumang luma na ang librong ginagamit ng ilang estudyante?
Bakit tuwing ikalimang taon lang nila papalitan at padadalhan ng bagong libro ang mga paaralan sa malalayong probinsya?
Bakit apat na guro lang ang nagtuturo sa isang eskwelahan na may higit 400 estudyante?
Bakit hanggang ikalimang baitang lang ang pwedeng i-offer ng isang paaralan?
Bakit dalawang libo lang ang sweldo ng isang guro?
Bakit ang silid aralan ng mga mag-aaral eh butas butas at ang sahig eh lupa???
Bakit walang upuan at maayos na pisara sa loob nito?
Bakit ang mga batang nais makapagtapos eh hindi ito nagagawa?
Bakit iba ang pagpapahalaga ng mga bata sa pag-aaral sa probinsya kumpara dito sa siyudad?
Nasagot ng ilang opisyales ng DepEd ang ilan sa mga katanungan ko pero bakit hindi ko matanggap ang sagot nila? Parang hindi katanggap-tanggap para sa isang indibidwal na tulad ko.
Hindi naman nakakatakot yung palabas pero hindi ko na natiis panoorin, pinatay ko na lang yung TV.
Sana makatulong tayo kahit papaano, sa kahit anong paraan.
Nakakalungkot namang isipin ito.
ReplyDelete