Saturday, December 3, 2011

LOL!


Dear Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte,

MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa tulay na inyong ipinagawa na ilang buwang nakatengga. Tinatanaw po naming malaking UTANG NA LOOB ang alay niyo. Sa wakas, hindi na kami makikipag-patintero sa mga bus at trak na dumadaan sa Mindanao Avenue. Sana po naki-join kayo sa amin before. CHOS!


Ibang level po ang kasiyahang dulot ng INYONG proyekto. Natutuwa po kami at naisip NIYO na gawin ang tulay tao na ito para sa ligtas na pagtawid.

Oo nga po pala, ang GWAPO at GANDA niyo sa karatulang ito. Infernezzz, naisingit pa ang PAGMUMUKHA ninyo. Hindi pa yata sapat na ang laki-laki na ng mga letra ng pangalan niyo. Ayaw din magpatalo ni kapitan at MAS MALAKI ang fecture niya. Baka ma-insecure kayo.

Muli, sampu ng residente ng barangay na ito, MARAMING MARAMING SALAMAT PO at ang galing ninyo. Alam ko pong marami pa kayong proyekto na ipapatupad na selyado hindi lang ng inyong pangalan kundi kasama na ang pagmumukha ninyo.

Isa pa po... MARAMING SALAMAT PO!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

8 comments:

  1. paging Maam Miriam Defensor Santiago, anti EPAL bill eto...

    ReplyDelete
  2. ha ha ... taray mel ... oks yan ...

    ReplyDelete
  3. I thought there is already a law against this kind of propaganda. Or maybe the proposed law is being stalled by the politicians themselves.These politicians are not spending there own money for these structures so they have no right to claim these projects as theres.

    ReplyDelete
  4. ooppss, that should be "as theirs".

    ReplyDelete
  5. campaigning early to keep job!

    ReplyDelete
  6. LOL! That was funny. Mas okray cguro kung misomong boses mo yung maririning with all the sarcasm. LOL!

    ReplyDelete