Wednesday, December 28, 2011

Lumago

"Humarap ka kapag kinakausap kita! 
Itong tandaan mo, wala pang taong hindi rumespeto sa pangalang Magnolia Dela Cruz. 
At ang hindi marunong kumilala sa aking pangalan ay aso lamang!"

Unang beses na may kulay ang movie poster na aking gagamitin sa pelikula ni Ate Guy. Bilangin Ang Bituin Sa Langit na ipinalabas noong 1989 ang aking latest na napanood. Unang beses ko din mapanood si La Aunor at Pip sa isang pelikula. Matagal na akong may kopya nito pero hindi gumagana sa DVD player. Inantay ko pang makabili ako ng bagong player bago ko mapanood.

Noli ang pangalan ng karakter ni Ate Guy na short for Magnolia. Isang batang babae na nangarap maging valedictorian subalit naunsyami dahil si Anselmo (Tirso Cruz III) ang nakapagtapos na may pinakamataas na parangal salamat sa impluwensiya ng nanay niya na si Doña Martina (Gloria Romero). Hindi siya nawalan ng pag-asa at ipinagpatuloy ang pag-aaral habang nagta-trabaho bilang labandera. Gustong gusto ko ang mga pelikulang nagpapahalaga sa edukasyon kaya bet ko ang mga eksenang ganito.

Nag-umpisa ang aberya ng magkasakit ang kanyang itay at gipitin sila ni Doña Martina dahil nakasangla dito ang kanilang lupain. Todo bigay si Ate Guy sa eksena kung saan pinapatigil ng sakim na doña ang irigasyon sa kanilang lupain. Kebs si Ate Guy kesehodang maputikan siya. Palakpakan!

Nagsumikap si Noli na pagyamin ang natitira nilang lupain. Nag-aral siyang muli at nakilala sa isang klase si Arturo (Miguel Rodriguez). Nabighani si tisoy sa gandang kayumanggi. Nakakakilig silang dalawa!

Unti-unting lumago ang kabuhayan ni Noli hanggang siya ay yumaman. Payment siya ng pagkakautang kay doña. Mas bumongga ang kanyang yaman nang magpakasal sila ni Arturo. 'Yun nga lang, may nangyari sa kanila ni Anselmo sa kakahuyan at siya ay najontis. KALERKS!

Mahaba-haba pa ang itinakbo ng pelikula pero imbes na gumanda eh chumaka ang istorya. Na-deds si Arturo tapos biglang tumanda sina Noli at Anselmo. May tag-isa silang anak na sina Ate Guy at Pip din ang gumanap. Nagka-inlove-an pero pinigilan dahil sila'y magkapatid na sa bandang huli at nagpakamatay sa pamamagitan ng sumabog na sasakyan. After ng libing, ikinasal ang kanilang mga magulang. Ang gulo!

Knowing La Aunor, walang itulak-kabigin pagdating sa aktingan. Magaling din sina Tirso Cruz III, Perla Bautista at Gloria Romero. Aliw factor sina Beverly Salviejo at Flora Gasser. Hindi ko lang bet ang bandang dulo ng pelikula. Parang minadali at humina ang impact ng istorya.

2 comments:

  1. ms melanie preho pla tyong noranian,favorites ko ang INA KA NG ANAK MO at ska BANAUE.

    ReplyDelete
  2. potah, ampangit kaya ng movie na yan. Gumraduate sila ng highschool pero sila pa rin gumanap eh mga gurang na sila dat time. Tapos ung ending, nagpakamatay mga anak nila, sunod na eksena libing agad, tapos walang pasintabi wedding agad nila, Parang tanga, wala man lang dialogue.

    ReplyDelete