Saturday, January 21, 2012

Autograph

Kagabi ay nakipag-rubbing elbows ako sa batikang manunulat na si Ricky Lee. Oh de vaaahhh close kami. As in tight na tight ang aming friendship. CHOS! Aktwali, pumunta lang ako sa openbook event ng Freelance Writers Guild of the Philippines para makipagkwentuhan sa kanya. Siya kasi ang featured author nila for this month. Ginanap ito sa Chef's Bistro sa Tomas Morato at bitbit ko si Ateh Paul (my ever good samaritan friend na malapit nang magkaroon ng lovelife dahil sa kanyang kabutihan at busilak na puso).

Nag-kwento siya kung paano niya nabuo si Amapola at kung paano siya nagsimula bilang isang writer. Ang dami kong napulot na aral mula sa kanya. Bukod diyan eh napahanga rin ako sa pagiging todong humble niya. Noong una ay kinakabahan pa daw siya sa amin. Sa dinami-dami ng pelikula at awards niya, ni isang ere ay wala akong naramdaman sa kanya.

Ang mga nagsipagdalo eh pwedeng magbato ng mga questions. Noong una eh nagkahiyaan pa pero dahil wala ako niyan eh ask lang ako. Infernezzz, talagang mabait ang lolo mo. Chill chill after ng discussion at may nag-intermission number na bagets. May bonggang paraffle pa pero wiz kami nanalo.

Hindi na namin tinapos ang programa dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Ayaw ko namang umalis nang hindi napipirmahan ang kopya ko ng libro kaya kahit talk tv si emcee sa harap, lumapit ako sa mesa kung saan siya naroroon at humingi ng autograph. Nakangiti pa niyang tinanggap ang libro at tinanong ang aking pangalan. ANG SAYA! 

1 comment:

  1. ay korek ka dyan teh...na meet ko na rin si sir ricky lee at ang baet nya...at kahit ilang awards na napanalunan niya, wala syang kaere-ere. at superlike ko siya kasi superlike nya ang Superstar. hintay ko na lang ang biography na sinusulat niya tungkol sa Superstar. yun nga lang, ewan ko kung ilalabas lahat ng katotohanan dun...alam mo naman ang lukaret na superstar...

    ReplyDelete