Thursday, January 26, 2012

Pagtanda

Mga 'teh, naisip na ba ninyo ang mangyayari pagtanda ninyo? Isa ba kayo sa mga baklang gustong magka-pamilya para magka-anak na pwedeng mag-alaga sa inyo kapag kayo'y uugud-ugod na? Paano kung hindi niyo bet makipag-lampungan sa babae? May iba pa ba kayong choice?

Minsan, narinig ko sa TV, ang alam ko si John Lapuz ang nagsabi, na maglalagay daw siya ng kama sa Golden Gays dahil doon siya titira kapag siya'y tumanda. Naging biro ko na rin 'yun minsan kapag tinatanong ako kung paano ako pagtanda ko. Ngayong mas may isip na ako, hindi ko alam kung mananatiling biro 'yun o hindi malayong maging katotohanan.

Bakla ako. Tipikal na bakla na hindi kayang makipag leps to leps sa babae. Mas lalo hindi ko kaya ang lamasin ang kanilang suso at dilaan ang kanilang tahong. Kahit hindi ko pa sinusubukan eh maisip ko pa lang, nakakasulasok na. So malabo akong magkaanak. Magkaroon man, hindi ko konsepto na alagaan nila ako at suportahan sa aking pagtanda. Hindi nila ako responsibilidad dahil may sarili silang buhay na dapat asikasuhin. Para lang naman 'yan sa akin.

May kaibigan si mudang, itago natin sa pangalang Monching. Lalaking lalaki ang dating. May bigote at buo ang boses. Bata pa lang ako eh kachokaran na siya ni mama. Pareho kasi silang mananahi. May kasama siya sa bahay, lalaki din. Dalawa lang sila doon. Hanggang sa lumaki ako, magkasama sila. Nito ko lang napagtanto, same boat pala kami. Ang swerte di ba?! Kaya lang, hindi kami pareho ng agos. Hindi ako tago. Ladlad ako.

Kung ako ang tatanungin, mas madaling makahanap ng makakasama ang isang tago. Pareho kasi sila. Kaya nilang sakyan ang isa't isa (literal at hindi). Sa isang tulad ko, hindi ko maatim na papatol ako sa kasing loud ko. Baka pareho kaming tumuwad at mag-antayan.

Ilan na rin sa inyo ang gusto na ako'y magkwento tungkol sa aking lovelife. Kung meron lang talaga, hindi ito ang mababasa niyo. Bokya. Zero. Wala. Sa edad kong 'to (26), hindi ko alam kung paano ang magka-jowa. Kaya kapag iniiyakan ako ng mga kaibigan ko tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang jowa, madali para sa akin ang sabihin na "kalimutan mo na siya", "move on ka na" o di kaya "may iba pang darating". Hindi ko alam ang feeling ng magmahal at ma-heartbroken eh. 'Yung mangarap na tumanda kasama ng isang minamahal at kung paano mawasak ang pangarap na 'yon.

Kaya sa tuwing naririnig ko at nababasa ang tungkol sa Golden Gays, hindi na lang si Markova (RIP) at si Justo Justo ang sumasagi sa isip ko. Parang nakikita ko na ang sarili ko. Hindi ko sinasabing malungkot ang mapunta doon pero 'yung thought lang na wala kang kasama sa buhay pagtanda mo, parang iba sa pakiramdam. Nakakalungkot kahit papaano.

Wala lang, naisip ko lang 'yan ng mapanood ko ito.

7 comments:

  1. ati emo ka yta ngyn ha,

    ReplyDelete
  2. oo nga ms melanie,tyong mga vakla eh mssaya lang tingnan pero ang truly puno tyo ng kalungkutan pag nag iisa na sa buhay haaaaaay.

    ReplyDelete
  3. -Teh Anonymous Jan 26, 2012 06:26 AM, medyo naapektuhan lang ako nung napanood ko.

    -Teh Anonymous Jan 26, 2012 01:44 PM, may tama ka diyan. Minsan, nakatago ang ating damdamin sa isang maskarang nakangiti.

    ReplyDelete
  4. Mahirap talaga kong iisipin mo habang bata ka pa...But you'll never know kung aabot ka pa sa pagtanda...It would be better to live your life now than live by tomorrow...tomorrow will take its own course..It's yet to come..Enjoy your life. Just make sre na wala kang taong inaapakan..Be true to yourself..The hardest part of being a human being is to exist as somebody else.

    ReplyDelete
  5. gurl biggest fear ko din yan,mali un concept na mag ampon para mag alaga sa pagtanda, napakaselfish, dapat kung magaampon, dahil gustong maging magulang,di sya investment na maniningil ka pagkatapos. sarile nga dugo walang kasiguraduhan. what if di sinuwerte sa buhay? daming anak n palasa pa sa magulang. what if nauna pang namatay ang anak? wala rin di ba? or wat if masamang ugali napangasawa? madamot? daming ganyan? konting perang iiabot sa magulang nahaharang pa? d best is mag ipon habang bata at kumikita,no matter how small or big it is, importante may naipon. pera mo magaalaga sau sa pagtanda mo. mahirap tumandang bakla na walang pera! ako may health care, pensionplans,insurances aside sa pag ibig,phil health and sss. mga ate mag isip, bago shopping and travel. magtabi muna para sa pagtanda.

    btw: wala pa sa 5% ung naibigay ko saung mag. 2 big box sya actually.cds playgirl, chikka chikka etc. what if u get it? exchange for little donation for golden gays? bka may mga readers mo gusto kumuha in exchange for donation? bka makatulong sa mga lola natin. text mo na lang ako gurl :)wala ako hihingin ni isang kusing.kaw n bahala gurl

    ReplyDelete
  6. -Teh WowFoodCompany, KUREK! Let's enjoy life na lang :)

    -Teh loufivics, mag-impok para may madurukot sa oras ng pangangailangan. Unahin ang sariling kapakan dahil walang mas higit na makakatulong sa atin kundi ang ating sarili.

    Bet ko 'yang idea mo. I-garage sale natin ang laman ng 'balikbayan box' mo.

    ReplyDelete
  7. sa pinas kasi parang ang hirap ng concept na pag gay ka na crossdresser or yung sobrang effem e makaka-meet ka ng taong willing mag-establish ng relationship with you. parang open lang yung option na yun for gays na opposite ng mga crossdressers. i have this crossdressing friend nga na madami namang naging boyfriends pero laging me perang involved, mga students sa kalapit na university ng bahay nila o kaya mga usual lalaking walang trabaho kaya kumakapit sa bading. pero iisa yung gawa nila - these boys don't want to be seen in public with them. sad lang, kaya nga sabi nya by the age of 35, magbibihis lalaki na ulit sya, para daw he can finally be search of a "formal" relationship, kasi yun nga din yung worry nya - ang tumanda nang mag-isa.
    pero alam mo teh, isang trait ng pinoy, hindi ka tumatanda mag-isa eh. you will always have good friends, tapos mga kamag-anak. hindi naman kasi uso sa atin yung nagmo-move out tayo pagdating ng 18 yrs old...so never fear growing old alone...enjoy na lang your youth and being beautiful. lahat naman tayo tatanda, at kukunat ang balat hehe. what's important is na-enjoy mo yung youth mo - kebs na kung na-inlove ka man o hindi. parang bonus na lang yun if ever.

    ReplyDelete