Friday, January 6, 2012

Turista

Fresh na fresh ang bagong campaign ng Department of Tourism para mas makahikayat pa ng mga turista na bisitahin ang ating 7, 107 islands.

Matatandaan na semplang sa mga mapanuring Pinoy ang naunang kampanya na pinamagatang Pilipinas Kay Ganda na kinopya lang daw sa ibang bansa. Napilitan tuloy mag-resign ang kakaupo pa lang na DOT secretary noon na si Alberto Lim.

Agad naman siyang pinalitan ni Mon Jimenez na magmula sa isa sa pinakamatagumpay na Ad Agencies ng bansa. Agad niyang inumpisahan ang pagkatas sa creative juices ng kanyang team kaya bongga ang kinalabasan.

Mukhang aprubado ang Its more fun in the Philippines at #1ForFun campaign na sa kasalukuyan ay trending topic na sa Twitter at pinag-uusapan na sa iba't ibang social networking sites. Makakatulong ito para todong tumaas ang bilang ng mga turista na tatapak at mamamasyal sa ating sinilangang bayan. More of them means more income to the Filipinos and its country. SUSYAL! Umi-English akiz! Praktisin natin 'yan para hindi tayo nosebleed kapag dumagsa sila.

4 comments:

  1. kinopya lang din daw ang campaign nato, kc gnamit nato ng switzerland yta nung 1950?, akala cguro nila eh safe na cla pero nhanap prin ng mga kritiko nila ang info nato.

    ReplyDelete
  2. TAMA dapat kasi WOW Philippines na lang pwede pang World of Wonders -Philippines :) wag na kasing palitan para magiging trademark

    ReplyDelete
  3. I like it, kasi fun-loving naman talaga ang mga pinoy. Coincidence lang siguro ang sa Switzreland. But they haven't used it since then, so matagal na yun. Some people are just to negative and critical about everything.

    ReplyDelete
  4. actually admitted naman sila na hindi original ang tagline or concept kaya lang ito kasi ung akma sa ngayon which is kung nasa ibang bansa ka or kahit nasa pinas ka at balak mo mag travel siyempre may katanungang bakit sa pinas?? simple ang sagot its more fun. at bakit?? then thats the time for you to find out.. support lang. we need this kind of thing para tumaas ang turismo natin..

    ReplyDelete