Thursday, January 12, 2012

Dalawang taon

Mukhang hindi na mapipigilan ang pagpapatupad ng K+12 program ng Department of Education. Sa Hunyo na daw magsisimula 'yan. Ibig sabihin, dalawang taon ang madadagdag sa high school. Apat na taon ang junior high at dalawang taon ang senior high. KALERKS! Dagdag pasakit sa mga magulang na iginagapang ang edukasyon ng kanilang mga junakis.

Wala namang problema kung makakatulong 'yan sa paghinang ng utak ng kabataang Pinoy. Kaya lang...

  • Wasto na ba ang ratio ng mga estudyante at guro sa pampublikong paaralan?
  • Ang mga silid-aralan at upuan? Baka naman may nagka-klase pa sa hagdan.
  • Ang supply ng libro, 1:1 na ba?
  • Sina Ma'am at Sir, sapat na ba ang nakukuha tuwing kinsenas at katapusan?

Kulang pa 'yan pero kung hindi pa nila nareresolba ang mga problemang nabanggit, malamang na maging sakit lang sa ulo ang K+12 program.

12 comments:

  1. this is so true..I am a licensed teacher in the Philippines but I hate working out there. We'd be the jack-of-all trade, but then compensation is not enough. K-12 is another problem for Filipinos.

    ReplyDelete
  2. sana bago ka nagpot nito, inalam mo muna ang likaw ng k+12.. as it is parang iyong surface pa lang ang alam mo.. go through the entire curriculum first before you post the questins which you have..

    ReplyDelete
  3. i hope before you posted this you already went through the entire k+12 literature... otherwise, magmumukha kang mababaw dahil you are posting things which you are not familiar with.. fyi, hindi lang pampublikong paaralan ang k+12, it also includes the private schools as it will be the new educational system in the Philippines.. One objective of k+12 is to make our students become more competitive and be well-equipped.. sa iyo blogger, bago magpost ng kung ano ano, basahin mo munang mabuti ang dapat mong basahin..

    ReplyDelete
  4. Balido ang mga argumento mo. Marami talagang suliranin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa nganit dahil jack of all trades sina sir at mam ay napapagaan ang mga ito. Sa ngayon, gusto kong tingnan ang buting idudulot ng K+12 sa mga mag-aaral dahil ang programang ito ay gagawin para sa paghahanda sa kinabukasan nila.

    ReplyDelete
  5. Hoy Migz, babanatan na kita para ipagtanggol si BB Melanie.

    Unang una, blog ito ni Ms. Melanie, so wala tayong paki kahit ano pa ang isulat nya dito.

    Pangalawa, kahit na sabihin mong kasali ang private schools, pareho lang ang effect nyan. Mas mahihirapan ang mga magulang ng mga bata.

    Pangatlo, kahit ano pang sabihin nila to defend this stupid K+12, ang tao, kung matiyagang mag-aral o matalino, ke 4 yrs lang ang high school o 6, pareho lang ang effect. Anong better equipped? Meron ngang matatalino na at age 16(?) eh graduate na ng college (remember the UP valedictorian?). At ang batang mahina ang ulo, kahit dagdagan mo ng 1 or 2 yrs ang schooling nyan, mahina talaga. So, overall, stupidity lang ang K+12 program na yan.

    Lastly, let me tell you, I went to public school (magmula elementary, high school at hanggang graduate school), at alam na alam ko ang mga hirap sa public school system. Kulang sa facilities. Mababa ang pasahod sa teachers. So, dagdag pahirap yan sa mga teachers, students and parents. Modesty aside, I was on top of our class in high school. Nakita ko kung papaanong ang iba kong classmate ay walang pakialam sa pag-aaral nila kahit na hirap ang mga magulang nila sa pagpapa-aral sa kanila. If you went to a private school, siguro hindi mo naramdaman ang hirap.

    Let me tell you, too na kahit public school ako graduate, I graduated cum laude sa prime state university ng bansa and I'm now a physician. Gusto ko lang iparating na hindi kailangang magdagdag ng 2 taon sa edukasyon ng mga bata. Do we seriously think that one becomes better equipped if he or she gets 2 additional years of education?

    So, Ms. Melanie, tuloy mo lang ang pagbibigay mo ng opinyon mo. Dahil at the end of the day, isa lang naman ang dapat nating sundin - ang turo ng Diyos.

    ReplyDelete
  6. k+12 is okei...compare our educational system to other asian nation..ang layo d b? tayo ln kaya ang 10 years others have 12...
    ok lng kng iimplement ang k+12 but make sure that all the problem exixting should be resolve first..(lack of teachers, dami tmbay na teacher, under employed), lack of facilities (books, rooms, chairs etc....)

    ReplyDelete
  7. -Teh Migz, hindi ko naman inetsapwera ang private schools. Nag-focus lang ako sa kasalukuyang problema ng public schools na maaaring maging balakid para maging epektibo ang K+12. Iba ang turo at dami ng bata sa pribadong paaralan at kahit hindi na sila magdagdag ng dalawang taon eh competitive pa rin silang maituturing. Personal kong naranasan ang mga 'yan.

    FYI, nagkakalkal muna ako ng mga impormasyon bago ako makabuo ng isang blog about public interest. Ako rin naman kasi ang mapapahiya kung mali ang datos ko. Alam kong matatalino ang mambabasa ng blog na ito.

    -Teh Anonymous Jan 13, 2012 05:33 AM, salamat ng marami :)

    -Teh Anonymous Jan 13, 2012 02:10 PM, we have 10 years (elementary + high school) because Filipinos are fast learners. Pero dahil sa dami ng estudyanteng nagsisiksikan sa loob ng silid-aralan, hindi na sila nabibigyang focus ng kanilang guro.

    ReplyDelete
  8. dikta lng ng mga nagpapautang ang k+12
    ang mga titsers pinataas n ni gloria ang sweldo
    20k to 30k na ang sweldo ng titsers ngaun depende kung I, II, III o MT1 o MT2
    mas mataas pa sweldo nila kesa sa private school teachers
    ang problema na lang eh ang mga kwarto at libro at mga marurunong na titsers

    ReplyDelete
  9. to you "AnonymousJan 13, 2012 05:33 AM" , i know that this is the blog of bb. melanie, i have nothing against bb.melanie, I just want ms melanie to be careful with the blogs being posted here dahil like what she said, matatalino ang mga readers dito.. hope, ikaw din binasa mo muna ang k+12 bago ka nagcomment ng kung ano-ano... fyi, the k+12 was to remedy the ills of the educational system sa Pilipinas at hindi tayo mahuli sa ibang bansa... and mga students natin who graduated from highschool nd migrated to other places are normally turned back to grades 11 and 12 because of the fact that they lack the required units to make it to college.. hindi pahirap ang k+12 dahil pagkagraduate mo sa system na ito eh pwede ka nang magwork unlike now na after high school eh pahirapan maghanap ng trabaho dahil hindi pa fully equipped ang isang graduate ng high school.. i was perhaps blunt in telling bb. melanie that she should have the full knowledge of the k+12 para hindi siya maging mababaw pagdating sa discussion about it here but that's how life is, kasi kung lalagyan mo pa ng mga palabok ang sasabihin mo eh magmumukha ka lang plastikada...

    ReplyDelete
  10. Dapat magstart na talaga yung k-12 na yan. I don't know everything ah. pero kasi yung ibang bansa, ganyan na yung system nila. Besides, I see it as an investment. Yeah, siguro dagdag hirap yan sa mga magulang pero at the end of the day, sila din yung makikinabang dahil mas magiging competitive yung mga bata.

    ReplyDelete
  11. Wala nang dapat basahin o aralin dyan sa K+12 na yan dahil ang ibig sabihin lang nyan ay magdadagdag ng 2 yrs bago mag-graduate ng HS. So ibig sabihin, dagdag gastos para sa mga majority ng mga Pinoy na mahirap at naghihikahos. Sa palagay nyo ba mas magiging matalino at magiging fully equipped ang mga bata dito? NO! Ilang dekada na ang nakararaan na 4 yrs lang ang HS pero bakit ngayon lang sasabihin na ito ay dahil sa kulang ng 2 yrs ang HS?

    Kung lumalabas sa mga international surveys na pang 60+ lang ang ranking ng UP, ADMU, DLSU, etc ay dahil sa lack of facilities, not because of incompetence of the students. Di ba lagi nga tayong kasali at winners (not necessarily the grand champions) sa mga international science and math competitions?

    Again, it's the lack of facilities. At yung sinasabi mong lack of college or degree units, well, it's more of an exception rather than the rule. Kung kulang ka ng units, well, ibig sabihin, di yon ang dapat mong applyan dahil kulang ka nga sa requirements. Sa high school ba kailangan mo ng extra units? Sa college ba, alam mo na ang mga required units sa aaply-an mong trabaho?

    At sinisisi mo pa ang education system sa kawalan ng trabaho? Ang kawalan ng trabaho dito sa atin ay hindi dahil sa kulang ng 2 yrs ang HS. Kung hindi mo alam, mag-tanong ka sa mga mahihirap, sa masa, at sa mga government officials. Sa pagdaan ng panahon, dumadami ang populasyon pero hindi ito proportionate sa dami ng facilities.

    ReplyDelete
  12. Hehe. Pasali lang ng konti sa diskusyon.

    Actually, hindi magdaragdag ng two years sa pag-aaral ng isang Pinoy sa pag-implement ng K + 12. Yung first two years na general subjects sa college ang ibababa sa Basic Ed. Plus, subjects na magtuturo sa mga estudyante ng mga skills na maaari nilang magamit para pag-graduate nila ng Basic Ed, equipped sila na makapagtrabaho. Bale, the last two years sa High School in view of the K+12 curriculum will focus on the students skills development base sa kung ano ba ang talento at skills mayroon sila o kung ano ang interes nila. So, kahit hindi na sila mag-college, ayos pa rin. Isipin mo nga naman, sa paggraduate ng High School, pwede na magtrabaho ang isang Pinoy. Inaalis nito ang stereotyping ng marami sa atin na kapag HS grad, pang-gasoline boy, service crew, at iba't ibang "lang" dahil HS grad lang.(With all due respect sa mga service crew at gasoline boy.) Itatanong mo siguro, bakit may "lang." Kung hindi ka ganyang tao at wala kang stereotyping, then well and good. Pero umiiral yan sa lipunan, tanggapin mo man o hindi.

    Bale ang mag-a-adjust nito, dahil ibinaba ang two years from college to basic ed, ay ang Tertiary level. Dahil ang tertiary curriculum will be more focused sa pagpapakadalubhasa sa field na pinili ng isang estudyante. Kung magdaragdag sa college ng additional year/s, e nasa kanila na yun. Ang magandang dulot, of course, is that employable ang isang HS grad kahit hindi siya mag-college. Yung argumento na pahirap sa magulang, e yun ay choice rin nila kung pag-aaralin pa nila ng college ang anak nila. In any case na hindi na nila kayang patuluyin ang anak nila sa college (halimbawa ay dahil sa kulang sa pera), pwedeng-pwede pa ring magtrabaho ang anak nila at makatulong.

    Of course, marami ang alinalangan sa pagbabagong ito sa kurikulum. Tunay nga na maraming problema para ma-implement ito. Balido ang mga tanong ng may-ari ng blog na ito. Pero maaari rin nating itanong sa ating sarili: Epektibo ba ang kasalukuyang kurikulum para sa lipunan natin ngayon? Natutulungan ba nito ang mga Pinoy para umunlad? Kung oo ang sagot, e di wag na ngang palitan ng K+12. Pero kung hindi naman, bakit hindi natin subukan? O kung ayaw niyo ng K+12, baka may iba kayong alam. Pwede rin naman.

    ReplyDelete