Tuesday, January 10, 2012

Si Amapola sa 65 na Kabanata

Iniwan ko sa taong 2011 ang pagbabasa ng mga romance pocketbooks. Nakaka-umay na kasi at hindi (pa) ako maka-relate. Kapag pinukol na ni kupido ang puso ko eh babalikan ko 'yan.

Kaya lang, ano ang babasahin ko tuwing sasakay ako ng MRT papuntang Makati? Eh hindi pa naman ako mapakali kapag walang binabasa. So ayun nga, naisip ko ang ikalawang nobela ni Ricky Lee, Si Amapola sa 65 na Kabanata

 

Una kong nabasa ang scriptwriting manual ni Ricky (feeling close) na Trip to Quiapo at talaga naman marami akong natutunan. Siya din ang sumulat ng mga pelikulang Sibak, Burlesk King at Twilight Dancers.

While I was browsing and reading the first part of the book (nosebleed), hindi ko masyadong na-bet-an ang takbo ng istorya. Nalilito ako dahil na rin siguro nanibago ako sa kakaibang istilo ng kanyang pagsulat. Nasanay ako sa mga dialogue ng Precious Hearts (chos!) pero nakabawi naman habang patuloy kong binabasa. 

Aktwali, hindi ko pa tapos ang libro. Lagpas na ako sa gitna pero hook na hook na ako sa istorya ni Amy at ang kanyang pakikipagsapalaran bilang manananggal. Hindi nito focus ang gay relationship at tawag ng laman. May social relevance pa. Hindi ko iku-kwento ng bonggang bongga pero kakaiba ito sa lahat ng nabasa ko. Straight to the point at walang paliguy-ligoy ang bawat salita.

At kung nagtataka kayo kung saan nagmula ang ating lahi, nako basahin niyo 'to nang malaman niyo. May libre pang bookmark na kasama.

7 comments:

  1. That's a good read, Melanie! That myth portion of the book was read by Jon Santos during the book launch. Sobrang nakakatawa. Ang galing niya during the book reading.

    ReplyDelete
  2. kurak! Alam mo ba ikaw ang naiisip ko nung binabasa ko yang book... fez mo talaga yung na-iimagine ko ahahah!

    ReplyDelete
  3. Ms. M,
    Naka-attend ako ng book launching sa sm skydome last December 2011. Nagkaroon sila ng reading interpretation each chapter, with the celebrities.

    Yan! din napinsin ko. noong babasahin ko na. hindi siya karaniwan sa mga nakasanayan nating format ng mga prosa. Dahil siguro meron muliple personality ang bida sa nobela. Pinaghalong moderno at lumang panahon. Hanggang umabot sa pagiging panatiko sa artistang si Nora Aunor. At sa panahon ng kabayanihan ni Andres Bonifacio.

    Mas magandang basahin ng nobela na "Amapola" sa isang tahinik na lugar. Kung saan mas malayang nakakapag-isip tayo na walang anumang sagabal.

    Tama si Noli Dormeri, sa isang parte sa libro na binasa ni Jon Santos. Nakakapa-pround maging isang "BAKLA" na ang ibig sabihin ay Bahagi ka ng Lahat ayon kay Bathala.

    Much love si "Mareng LEE" eto.

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous January 11, 2012 6:01 AM, hayaan mo kapag nagpa-audition sila ng gaganap kay Amy eh pipila ako. CHOS!

    -Mareng Lee, nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam basahin ang pakikipagsapalaran ni Amapola. Ang lakas maka-good vibes :)

    ReplyDelete
  5. Ms. M,
    My Gosh! Isa sa mga wish ko ngayong taon, ay makilala kita in person. Napapasaya mo ako sa mga kuwento sa blog at nakakaaliw. Nakakatakas ako panandalian sa problema ko sa buhay. Tatlong blog lang binabasa ko ( Chuvaness, Daphne.ph at ang Todo sa Bongga). Kayo lang nakakapagpasaya sa akin...hahaha. sounds korney! pero totoo.

    Gusto ko rin sanang mag-blog "kuno" pero wala akong lakas ng loob at isang malaking "K" dahil boring ang buhay ko at wala naman akong pwedeng mai-kwentong interesante. Haggang comment nalang muna "akesh".

    Much Love Mare, LEE.

    ReplyDelete