Thursday, May 24, 2012

Halimaw

Olats tayo at ampalaya ako sa pagkapanalo ni Philip Philips but it doesn't mean na hindi siya deserving. Ansarap kaya niya kaya 'di ko masisisi ang mga bumoto for him. Happy pa rin naman dahil anlayo ng narating ni ateng Jessica Sanchez. Siya ang pinakamatibay sa batch ng mga merlat na sumali.

Pagkahaba-haba ng finale show salamat na lamang at nagperform si J to the Lo. Ayaw magpakabog sa todong kaseksihan at dance moves ng lolah natin. Rumakrak din ang Aerosmith. Akala ko nga kakanta rin si Randy Jackson together with Janet Jackson, hindi pala. CHAR!

Marami ang nagsasabing ang bonggang highlight ng finale eh ang duet ni Jennifer Holliday at Jessica Sanchez sa kantang And I Am Telling You I'm Not Going. Talaga naman nakakaloka ang vocal power ng dalawa. Kahit disi-sais pa lang eh hindi nagpahuli si Jessica sa pataasan ng timbre. Pero taas-kamay ako kay manay Jen. HALIMAW magperform! Gib it all to me ang pagbirit na dinagdagan niya ng epic facial expression. Mahihiya ang nguso ni Zsazsa P. sa emotional leps ni manay. Mala-Serafin Cuevas ang naman pandidilat niya. Wala pa akong nakitang singer na tulad niyang todo bigay sa performance. SIYA LANG! Por sure eh magiging peg siya ng mga bakla sa comedy bars. Kung hindi niyo napanood, eto ang sinasabi ko...

8 comments:

Anonymous said...

Sanib kung sanib si mother jennifer!

Anonymous said...

ate peram ng pic, pwede?

walang bibig si jennifer holiday, bunganga lang meron sya.

Anonymous said...

kalowka kulang nalang lamunin nya ung microphone

Anonymous said...

mga teh ganyan din magperform si PATTI LABELLE grabeh mga blacks ang gagaling kumanta, birit kung birit

Melanie said...

-Teh Anonymous May 25, 2012 12:10 AM, sige gow grab mo ang pic :)

-Teh Anonymous May 25, 2012 12:40 AM, KUREK! Idagdag natin sa listahan si Chaka Khan. Napaka-soulful nilang kumanta.

Anonymous said...

Parang kinaen ni mother Holiday si jessica ng buong buo tapos inuluwa ulet...Napansn ko nuong una parang lang siyang busog na dumidighay sa pagkanta!!Winner!!

-Tagamasid Pampurok-

Harvey Holic! said...

Eventhough they are old "they are still legends" kahit matanda na wala pa ring kupas! parang si Mj, Stevie Wonder. Nun napanood ko yan parang naiyak-iyak ako ang ganda ng performance.

Anonymous said...

susmaryosep.....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...