Monday, May 14, 2012

Pakulo

Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatawa diyan sa pakulo ng bagong show ni Ate Shawie sa TV 5 na Sharon Kasama Mo, Kapatid. Maganda na sana 'yung dalawang nauna kasi ang dating eh may acceptance sa physique ni Mega. Knows naman natin na may kalakihan ang kanyang wankata. Pero hindi pala 'yun ang tinutukoy ng headline kundi ang puso at kalambingan niya. Tapos todong babanat ng isa pang linya na Magpakatotoo na tayo. NYEEEHHH!!! Contradicting kaya. Keribells pa 'yung pangatlo. Palaban pero sweet ang arrive.

Well, kahit ano pa ang sabihin natin, MEGA is MEGA at richelda siya. She's worth a BILLION peysosesoses! Ilang dekada na siyang nagho-host ng kanyang sariling show kaya alam nating yakang yaka niya 'yan. Ang mahirap lang ay 'yung maintaining power at kung ano ang bagong maihahandog niya sa manonood. 'Wag naman sanang matulad ito sa Sharon ng Kapamilya Network na naging comedy bar ang konsepto.

Mamayang 4:30 PM na 'to kaya kung Solid Sharonian kayo, watch niyo 'to.

6 comments:

  1. Napanuod ko ang pilot episode at infairness maganda siya.


    Women empowerment ang atake ng show at may pagka-Oprah ang dating ni Ate Shawie dito. Congrats na lang sa Sharon Kasama Mo, Kapatid

    ReplyDelete
  2. Yes! terday ang pilot episode ni Magastar, napanood ko. Medyo bitin sa oras para sa tatlong guest yong unang dalawa kwento ng mga ordinaryong ina na may iba't-ibang karanasan sa buhay. At ang kanilang pang- finally ay si Juday-Ann. Since it's pilot episode/ mother's day siyempre sinurprise si Mega ng kanyang sposo na si Sen. Kiko Pangilinan at kanilang tatalong supling minus si KFC Concepcion. Since executive producer si Mega ng kanyang show. Sana mapagtunan nila ng pansin at mag-focus sila kahit isang guest per episode para ma-explore nila bawat kwento para hindi half-bake ang dating. Avoid din ni Mega, masyadong emosyonal at QA tumawa it defeats the purpose agaw eksena siya natatabunan ang guest. Kasi not everyone appreciate that lalo na sa mga bagong henerasyon na manonood.


    Patawarin po ako...hindi sa nagiging Negastar ako masyado. pero obserbasyon ko lang ito.


    Good luck! Mega...sa bagong show mo. Much love.


    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  3. Pffffttt...yan ang masasabi ko sa bagong show ni Tabachina.

    Semi, as in semi-laocean deep na siya. Mganda sana ang concept ng pilot episode pero susme, pangit ang flow at kulang pa rin.

    Tapos, lumalabas pa rin ang pagka-bungisngis nitong si Maga, at hindi na bagay for her age. Huwag na sana nilang ibalik yung puro mga kabaklaan na nagpabagsak ng show nya sa ABS-CBN.

    Masa na kung masa ang target nila, pero dagdagan naman nila ng class ang show.

    Verdict: FAIL

    ReplyDelete
  4. Teh Melanie, pa OT naman. Meron ka bang malaking picture nito ung naka brief si Richard P.? Pashare naman. Thanks.

    http://a4.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc6/167270_137789556280207_103079896417840_214226_5321873_n.jpg

    ReplyDelete
  5. off topic here: teh, anong masasabi mo sa nekid pic ni lee ryan that he posted in twitter after he reached 40k followers? sayang dli naman tlaga nekid. pki post naman here his kasarapan, and add naman your ever-interesting write up. so so love him, i know you do too. more power teh!

    black-apple

    ReplyDelete
  6. -Naabutan ko last Monday ang pilot episode. I'm sorry but ako lang ba ang nakakapansin na may pagka-fake ang sincerity ni Ate Sha? I'm really happy na andun si Juday kasi sobrang ganda niya with her new tan. Pero nung dini-discuss na nila 'yung pamumuna ng ibang tao sa kanila, only Juday gave a non-bias convincing statement. Parang naghahanap ng kakampi si Sharon against her detractors.

    -Teh Anonymous May 16, 2012 4:45 AM, that's the highest resolution na meron ako eh.

    -Teh Anonymous May 16, 2012 11:10 AM, inabangan ko talaga 'yang promise niya about the nekkid pic hihihi...

    ReplyDelete