Tuesday, May 1, 2012

Keri

Sa tuwing darating ang petsang Mayo Uno, dalawa lang ang nasa isip ko: (1) protesta ng iba't ibang grupo para sa wage hike at (2) pahinga ang byuti ng karamihan sa tambak, init at bigat ng trabaho. Hindi ako belong sa dalawa dahil narito ako sa opisina at todong kumakayod para sa double pay. Sayang ang kita.

Hindi ko alam kung magandang balita ito pero according sa bonggang private businesses, nasa otso pesos ang itataas ng sahod ng mga minimum wage earners. Iba naman ang sey ng DOLE dahil nasa tweyni pesos naman ang sa kanila. Anu veh talaga mga koya? Parang wala yata kayong malinaw na komunikasyon?

Nung narinig ko nga ang balitang 'yan, parang may sound epeks na rumehistro sa utak ko. Tunog ng mga barya na nagsisipaglaglagan. YES! Baryabols lang ang kering itaas ng ating sahod. Kaya naman si Juan, nagtitiis sa mabibili ng kanyang mga barya tulad ng pancit canton, 1/4 kilo ng asukal, ilang takal ng bigas, sardinas at noodles.

Ilang taon ng request ang 90-125 peysos wage increase pero magpasahanggang ngayon, sa mga placards at banner pa rin 'yan nakikita at hindi sa payslips ng manggagawa. 'Di raw keri ng ilang negosyo at baka magsara na lang sila. Mas 'di naman keri 'yun de vaaahhh?

Ano kaya ang kahihinatnan ng sahod ni Juan sa loob ng anim na taon na pagtahak niya sa daang matuwid? Magiging sementado kaya ito o mananatiling lubak-lubak?

No comments:

Post a Comment